Ilang residente, nag-panic dahil sa tsunami-scare kasunod ng - TopicsExpress



          

Ilang residente, nag-panic dahil sa tsunami-scare kasunod ng lindol Posted by Jun Mendoza Posted in Latest News Tuesday, 15 October 2013 Nagdulot nang panic sa maraming residente sa bayan ng Carlos P. Garcia ang 7.2-magnitude na lindol sa lalawigan ng Bohol. Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Tesalonica Boyboy, karamihan aniya sa kaniyang mga kababayan ay tumakbo sa mas mataas na lugar dahil sa pangambang magkaroon ng tsunami. Gumuho rin aniya ang bahagi ng isang elementary school sa kanilang lugar kung saan nagsagawa ng special exam ang ilang estudyante. Kaagad din naman aniyang nakalabas ang mga ito at wala namang naiulat na nasaktan. Nagkaroon din aniya ng bitak ang ilang mga kabahayan at mismong ang kanilang municipal hall. Samantala, lima ang kumpirmadong patay sa bayan ng Balilihan sa Bohol dahil sa landslides matapos ang malakas na lindol. Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Dominisio Chatto, sinabi nito na malawak ang naging pinsala ng kalamidad sa kanilang bayan, kung saan kabilang aniya sa nasira ay ang kanilang munisipyo at palengke. Kasalukuyan din aniyang nakikisilong muna sa mga evacuation centers ang ilan sa kanilang mga kababayan dahil sa nasira nilang mga kababayan.
Posted on: Tue, 15 Oct 2013 16:01:37 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015