Ilista mo na lang.. Nagalit ka na naman ba kanina? Eh kahapon? - TopicsExpress



          

Ilista mo na lang.. Nagalit ka na naman ba kanina? Eh kahapon? Nung isang linggo? Ano naman ang napala mo matapos mong mailabas ang galit mo? Gumaan ang pakiramdam? Ahh di ok. Sabi nila, pag galit daw dapat ilalabas. Hindi yung tinatago o tinitimpi kasi kahit gaano mo pa galingan ang pagtatago at pagtitimpi, darating at darating din ang Araw ng Kalayaan. Kung saan, doon magiging malaya ang bibig mo sa pagsasalita ng mga salitang pilit mong itinago para lang walang masaktan. Sa panahon ngayon…ay correction. Sa makabagong panahon ngayon, pag galit ka mas malakas ang dating pag may Audience Impact. Tama? TAMA!!! Kaya’t kung gusto mo ng worldwide audience impact, sundin ang sumusunod na hakbang… 1. Ipunin ang lahat ng poot at galit. Wag uminom ng tubig na malamig para di mahimasmasan. 2. Para sa mas maraming poot, maghalughog ng mas marami pang impormasyon na makakadagdag at makakagatong sa galit na nararamdaman. Mas maraming sawsawero/a mas maganda. 3. Hintaying manginig ang laman at mag-init ang katawan –lalo na ang ulo. Wag isigaw ang galit para di mabawasan. 4. Pag pakiramdam mo, sapat na ang galit na ito, ihanda ang laptop/pc/cellphone na may mabilis na internet connection at saka mag log in sa facebook. 5. Pagka log in. Mag-update ng status at siguraduhing naka-CAPSLOCK ang keyboard at tiyaking hindi mabubulol ang nakahandang STATUS NA PUNUMPUNO NG GALIT AT POOT. With matching curse at exclamation points para sa mas epektibong ekspresyon ng emosyon. Paalala: Wag ilalagay ang tunay na pangalan ng kaaway. Laging isaisip na dapat alam na ni Inday/Indoy na siya ang tinutukoy mo. Dahil galit na galit ka! 6. And last but not the least, wag kalimutang ipaalala sa mga sawsawero/a na kailangan nilang mag-like at comment ng bigay todo sa bawat post mo para ma-sensationalize ang issue. Ganyan na talaga ngayon. Kailangan malaman ng buong mundo agad-agad na badtrip ka. One click lang naman at alam na agad ng madla kung ano ang nangyayari sa’yo. Ano bang problema mo. Sabagay, may mapag-usapan lang, talagang daming papatol jan. Ganun lang, shempre may kanya-kanya naman tayong pinagkakabisihan. Meron din naman kasing walang pakialam. Kaya sige, magwala ka. Ilabas mo lahat jan sa wall mo. Sau naman yan eh. Impression lang ang maiiwan mo sa bawat makakakita ng mga salitang binitawan mo. At pagdating jan sa parteng yan, may kanya-kanya rin tayong opinion. Di ka naman siguro KSP, diba? Eh kung hindi naman pala, isara mo na yan. Mag log out ka na. Bumalik ka ng kusina, buksan ang ref at mangharbat ng ice cold coke at palamigin mo na yang ulo mo. Kahit naman mailabas mo yang galit mo, hindi mo na mababawi yung mga sinabi mo. Touchmove ka na. Nakita na nila. Kahit i-delete mo pa yan. Pag nahimasmasan ka na, maiisip mong sana di mo na lang ginawa yun pero tapos na. Ganun talaga. Sa susunod na magagalit ka, ilista mo na lang sa tubig. Hayaan mo nang yung fate ang rumesbak sa kanya. Mas maganda pa rin ung paminsan-minsan, pairalin mo yung pagkatanda. Maturity wise. Manahimik ka na lang. Mas maganda yun kesa mag-ingay. O siya, manood ka na lang ng paborito mong palabas. Tomorrow is another day.
Posted on: Wed, 17 Jul 2013 09:34:28 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015