Inaasikaso na umano ng embahada ng Pilipinas ang mga - TopicsExpress



          

Inaasikaso na umano ng embahada ng Pilipinas ang mga kinakailangang dokumento para sa pagpapauwi sa isang overseas Filipino worker na nasawi sa Saudi Arabia dahil sa corona virus. Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Raul Hernandez, Agosto 29 nang bawian ng buhay ang 41-anyos na Pinay nurse dahil sa nasabing nakakahawang sakit. Napag-alaman na pitong araw nanatili sa intensive care unit ng ospital sa Riyadh ang Pinay bago tuluyang mamatay. Ito umano ang unang beses na may namatay na Pinoy sa naturang bansa dahil sa nasabing sakit. Noong Hunyo nang pinawi ng Malacañang ang pangamba ng publiko hinggil sa corona virus na kumakalat sa Saudi Arabia kung saan maraming OFWs. Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nakalatag naman ang mga screening process para masuri ang mga pumapasok sa ating bansa at maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/22809-pagpapauwi-sa-pinay-nurse-na-nasawi-sa-corona-virus-sa-saudi-inaayos-na#sthash.UPTxvybh.dpuf
Posted on: Sat, 21 Sep 2013 04:40:59 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015