Isi-share ko lang to. Minsan nga lang akong matulog ng maaga, ang - TopicsExpress



          

Isi-share ko lang to. Minsan nga lang akong matulog ng maaga, ang sama pa ng panaginip ko. Napanaginipan ko kagabi na namatay daw ‘yung isa kong dating officemate at sa panaginip ko ring ‘yun, nakita ko ‘yung lola kong namatay na dun sa kwarto namin dati na nagdadasal. ‘Di ako mapalagay at feeling ko may nangyari talagang masama, tinext ko si Papa at nangumusta. Sabi niya, na hold up daw ‘yung sinasakyang bus nila mama kagabi. Nabaril ‘yung driver at nasaktan ‘yung ibang pasahero. Thank you Lord at safe si Mama. Ipinagdarasal ko rin na maging ok na ‘yung mga nasaktan. Hayun pala ang explaination dun, ‘yung officemate ko na namatay ay nire-represent nya ‘yung driver na nabaril at ‘yung lola ko naman, nire-represent nya si Mama. Hay naku, ‘di na nga ko matutulog ng maaga. Kung anu-anong masama ang napapanaginipan ko. :-D
Posted on: Thu, 26 Sep 2013 03:41:17 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015