Istayl 101 Men’s Fashion Tips Ten years ago, ang mga - TopicsExpress



          

Istayl 101 Men’s Fashion Tips Ten years ago, ang mga lalaki ay ‘di masyadong concerned sa kanilang appearance o kasuotan. Samantala sa panahon ngayon, marami na sa mga lalaki ang fashionista. Marami nang mahilig magbasa ng fashion magazines at ang iba ay nag-hire pa ng stylist para makasiguro na okey ang kanilang porma. Kaya’t may ilan akong i-share sa ating mga lalaking mambabasa. 1. Alam niyo ba na may pag-aaral na mas attracted ang mga babae sa mga lalaki na may suot na BLUE? Habang ang mga lalaki naman ay attracted sa mga babaeng may suot na RED. 2. Kung ang skin mo ay medyo dark, mas bagay sa iyo ang mga bright colors na top or shirt. 3. Kung mapusyaw naman ang skin mo, bagay ang very light color na top or shirt. 4. Ang socks ay dapat palaging kakulay ng pantalon para magmukhang mahaba ang legs mo at matangkad kang tignan. 5. Kung ikaw ay medyo maliit, iwasan mo na magsuot ng baggy na pants o ano man na loose ang fitting para magmukha kang mataas. 6. Huwag matakot magsuot ng pink dahil ito ay isang masculine color. 7. Kung maliit naman ng iyong braso, maganda na magsuot ka ng long sleeves na shirt at i-fold ito para magmukha kang may muscle. 8. Ang kulay ng belt ay dapat pareho sa kulay ng sapatos. 9. ‘Wag matakot magsuot ng denim na worn-out o gasgas na dahil ‘di ito nawawala sa uso. 10. Maglagay ng baby powder sa paa bago magsuot ng medyas at sapatos para maiwasan ang masamang amoy. Ang mga tips na ibinahagi ko sa inyo ay basic lamang pero tiyak na makakatulong sa inyo para lalo kayong maging fashionista at garantisado na cool sa mga girls. ««« Admin VOI_SERVANT »»»
Posted on: Sun, 10 Nov 2013 16:11:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015