Ito ang official statement ni Laguna Gov. ER Ejercito regarding - TopicsExpress



          

Ito ang official statement ni Laguna Gov. ER Ejercito regarding the disqualification case filed against him sa Comelec: "The Comelec decision is not final and executory. I am entitled to file a motion for reconsideration and pending resolution thereof. I will remain to be the governor of the province of Laguna. As to the merits and demerits of the case I will leave that to my lawyers. I just hope and pray that evil politics is not behind all these. For now, let it be known that I have full trust and confidence on the integrity of the Comelec. In the end justice will prevail and the truth will come out. "Nakakagulat...nakakalungkot...hindi ko inaasahan na ako ay magiging biktima ng lumalalang pulitika. Trabaho lang at serbisyo publiko ang pakay ko at ang kapakanan ng aking mga ka-lalawigan ang aking layunin. Hindi pa tapos ang kaso. Tuloy-tuloy pa po ang laban samantalang gumugulong ang proseso, ako pa rin ang gobernador ng Laguna. Walang magbabago sa pamamahala at tuloy-tuloy po ang ating pagseserbisyo sa lalawigan. Patuloy po naming ipapaliwanag sa kagalang-galang na Comelec kung bakit hindi tama ang kanilang desisyon. Sa bandang huli, lahat ng ito ay aking malalampasan. Mananaig ang katotohanan at kapangyarihan ng batas ang iiral." - GOV. ER Lahat po kami ay nagdarasal na malagpasan ni Gov. ER Ejercito itong pinagdaanan niyang pagsubok sa termino ng mga Aquinos. This is very unjst and unfair - kung galit sila kay Sen. Jinggoy Estrada dahil sa paglaglag nito sa mga kapuwa niya mambabatas, bakit pati si Gov. ER ay dinamay nila? Kung mapapansin ninyo, halos lahat ng mga kasong isinasampa laban sa mga pulitiko sa Comelec, kadalasan ay inaabutan na ng susunod na eleksiyon bago sila makapaglabas ng desisyon pero bakit itong kay Gov. ER - a funny "OVERSPENDING" case ay nailabas nila agad the day after Sen. Jinggoy delivered his privilege speech. A clear railroading of the case sa Comelec just to get back at the Estradas. Ang balita ngayon ay sina Sen. JV Ejercito at ama nitong si Manila Mayor Joseph Estrada naman ang isusunod ng kampo ni Drilon - obviously din ay may basbas ng Malakanyang. Bakit ganito sila? Administrasyong walang ginawa kungdi ang magbengga sa kalaban? How sad indeed! Magsimula na kaya tayong mag-ipon ng pera at itakas natin ang mga anak natin patungo sa ibang bansa para makasiguro tayong tumino ang mga buhay natin. Magbakasakali na lang tayo sa ibang lugar tutal nawawalan na yata ng saysay ang pagka-Pilipino natin. Kayo, gusto niyo pa ba nitong sinasabi nilang TUWID NA DAAN made of COTTON and GREASE?
Posted on: Fri, 27 Sep 2013 07:20:23 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015