Japanese-led Foundation magbibigay ng mga school building sa - TopicsExpress



          

Japanese-led Foundation magbibigay ng mga school building sa Pikit, North Cotabato. Habang nagpapatuloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front nanatili naman ang suporta Japanese government na maisulong ang kapayapaan sa mga komunidad sa pamamagitan ng edukasyon sa Pikit, North Cotabato. Ang Japanese-led International Childrens’s Action Network o ICAN ay nakapagpatayo na ng tatlong classroom buildings sa mga lugar na karamihan ay mga Muslim ang naninirahan. Layunin ng program na mahikayat ang mga batang apektado ng kaguluhan na bumalik sa eskwehalan upang maging produktibong mamamayan lalo na sa mga lugar na nasa paligid ng Pikit Maridagao River Basin. Pinangunahan ni ICAN Foundation Country Director Yukiyo Nomura at ICAN Peace Building Program Coordinator Kodji Matsuura ang turn-over at declaration of Schools of Peace sa Datu Embak Mangansing Memorial High School ng Barangay Nuangan, Pikit noong Huwebes. Ang School of Peace ay proyekto naman ng Japan-Bangsamoro Initiative for Reconstruction and Development (J-BIRD). Kabilang sa benepisyaryo ng mga modernong school buildings ay ang mga barangay ng Tinutulan, Balabak, Gokotan, Nabundas, Balatikan, Balungis at Nunguan. Sa ikalawang taon ng implementasyon ng ICAN sa kanilang programang “Peace Building Project through Education in Conflict-Affected Areas” ay patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa Department of Education Region 12 office at Cotabato Division Office kasama rin ang Pikit LGU. Kabilang sa dumalo sa turn-over ceremony sina Japanese Embassy Third Secretary Kentaro Yamane, Cotabato Governor Emmylou Mendoza, mga kinatawan ng International Monitoring Team, GPH Ceasefire panel, DepEd , Bangsomoro Development Agency, MNLF, MILF, community leaders, school heads, mga magulang at mga estudyante. #NDBC
Posted on: Sat, 21 Sep 2013 00:20:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015