Julie on Elmo: Mahilig siyang mag-concert sa banyo at mapa-sandal - TopicsExpress



          

Julie on Elmo: Mahilig siyang mag-concert sa banyo at mapa-sandal lang siya, tulog! “Madalas talaga siyang kumakanta sa shower!” ang pambungad ni Julie Anne. “Kasi naman kapag nasa isang hotel tapos magkatabi yung room namin, naririnig ko talaga siya. Nung una nga nagulat ako, sabi ko sino yun? Yun pala si Elmo!” Ikinagulat naman ito ng young rapper at agad umalma sa kanyang ka-love team. “Paano mo naman naririnig? Siguro lumalapit ka sa pinto noh?” “Hindi! Sobrang lakas lang talaga, isipin mo nga tumatagos siya sa walls nung hotel,” ang pagtawa ni Julie Anne. “Tsaka ang bilis niyang makatulog, mapasandal lang siya tulog na agad!” #kiligMUCH #libreHAMPAS
Posted on: Tue, 06 Aug 2013 05:45:35 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015