KARUGTONG 13 Ngayon natalakay na natin ang tungkol sa mga palapag - TopicsExpress



          

KARUGTONG 13 Ngayon natalakay na natin ang tungkol sa mga palapag o mundo ng paglitaw o kahayagan ng mga lilikhain balikan naman natin ang Bibliya.Ang paglikha na ayon sa Bibliya ay ginawa sa sampong sinalita ng Deus, bagaman maaari naman niyang gawin ito sa isang salita lamang. Bakit ginawa sa sampong salita? Sapagkat ang bawat lilikhain ay dapat dadaan sa isang prosseso na kung saan nakatuon ito sa mabuting resulta na ganap at lubos na ikabubuti at magandang buhay ng Kanyang lilikhain, ang tao. Samakatuwid ang lahat ng lilikhain ay para sa paghahanda para sa tao. Narito ang sampong sinalita: 1.Genesis 1:3-5, Ang sabi ng Elohim, “Magkaroon ng Liwanag…at nagkaroon nga ng Liwanag.” [unang araw] 2.Genesis 1:6-8, “Magkaroon ng kalangitan sa gitna ng mga katubigan; at paghiwalayin ang mga katubigan sa mga katubigan. [ikalawang araw] 3.Genesis 1:9-10, Hayaan ang mga katubigan na nasa ilalim ng langit ay maipon sa isang lugar, at hayaan ang tuyong lupa na lumitaw. , 4.Genesis 1:11, Magkaroon ang lupa ng luntiang damong gamot, at nagbibigay binhi, at punong namumunga ayon sa kanyang uri, na mayroong binhi ang bawat isa sa kanyang uri.[Ikatlong araw] 5.Genesis 1:14-15, Magkaroon ng liwanag sa kalangitan ng langit upang hatiin ang araw at gabi, at maging mga tanda ito, at para sa mga panahon at para sa mga araw at mga taon. [ika-apat na araw] 6.Genesis 1:20-21, Magkaroon ang katubigan ng mga gumagapang na mga nilikha ayon sa kanilang uri, at mga ibon na lilipad sa ibabaw ng lupa sa ilalim ng kalangitan ng langit. [ika-limang araw]. 7.Genesis 1:22, “At pinagpala sila ng Elohim at nagwika , maging mabunga kayo at magpakarami at punuin ang katubigan ng mga dagat at magpakarami ang mga hayop na may pakpak sa daigdig. 8.Genesis 1:26, Atin likhain ang tao ayon sa ating imahe at wangis….. 9.Genesis 1:28, At pinagpala sila ng Elohim at nagwika , maging pala-anakin kayo at magpakarami, at…. 10.Genesis 1:29-30, At ang sabi ng Elohim, “masdan naibigay Ko na sa iyon ang bawat damong na nagbibigay ng bunga sa ibabaw ng lupa at lahat ng puno …. [ika-anim na araw]. Ang paglikha ay may sinusunod na mga batas. At isa na rito ay ang batas ng, “Kung ano ang sa itaas ay siya rin sa ibaba. baligtaran iyan, “Kung ano sa ibaba ay siya rin sa itaas.” {What is above is what is below ang what is below is what is above.] Ang batas na iyan ay nasa panalangin, ABA namin [Our Father] ..”sundin ang loob mo dito sa lupa para ng sa langit” o “Sundin ang loob mo dito sa langit para ng sa lupa.” “They will be done on earth as it is in heaven.” [vice versa]. Atin ngayon suriin ang mga sinalitang berso ng Genesis sa itaas upang malaman natin kung alin sa mga ito ang umaayon sa batas na nabanggit at upang tingnan natin kung saang palapag ang mga ito naitalaga. Mukhang ang Genesis 1:3-5 at Genesis 1:14-18 ang magkatugma. Tingnan ninyo Genesis 1:3-5, Magkaroon ng Liwanag, at nagkaroon nga.4: At nakita ng Deus na ito ay mabuti, at kanyang pinaghiwalay angliwanag at saka dilim. At tinawag niya ang liwanag na araw at dilim gabi. At nagkaroon ng umaga at saka gabi. Tulad naipaliwanag na ang “Ang magkaroon ng Liwanag,” ay ang pagbabalik ng Korona sa walang malay na Elohim at ang pagputong naman Elohim sa Sancta Animasola upang maging ang Mahal na Birheng E.M. Ang Liwanag dulot ng Korona ay para sa kaitaasan at kanyang tinakdaan at abot nito para sa kadiliman. Ngunit bakit tinawag na Niya itong araw at gabi? Sapagkat kaalinsabay Nito sa kanyang sinabi sa Geneis 1:14-18, Magkaroon ng Liwanag sa kalangitag ng langit, upang paghatiin ang araw at gabi, at hayaan ang mga ito maging mga tanda, at para sa mga panahon, at para sa mga araw at mga taon. 15:15:Upang magliwanag sa kalangitan ng langit, at upang magbigay ng Liwanag sa daigdig at ito’y nangyari nga. 16:At ginawa ng Deus dalawang dakilang liwanag; isang mas malaking liwanag upang mamahala sa araw at isang maliit na liwanag upang mamahala sa gabi at mga bituin…….atbp. Bakit dapat sabay ito sapagkat ang liwanag na nauna ay ang liwanag ng kataas-taasan na itinalaga sa unang palapag o mundo ng kahayagan Atziloth o mundo ng Deus [ang ulo ng Deus Tetragrammaton IHVH ang titik na I [YOD]. Ngayon kaalinsabay nito nilikha ang dalawang dakilang liwanag, ang araw at ang buwan, ang araw na mamahala sa araw at ang buwan naman sa gabi; mga konstelasyon para sa mga tanda [zodiako] at mga panahon, at para sa mga araw, buwan at mga taon. At mga mga ito ay itinalaga sa ikalawang palapag o mundo ng kahayagan Briah o mundo ng mga arkangheles [ang dibdib ng Deus Tetragrammaton IHVH ang titik na H [He]. Itong mga makalangit na mga globong ito ay hindi naman talaga nilkha sa ika-apat araw, kundi nilikha ito sa unang araw, itinalaga lamang ang mga ito sa kani-kanilang kalalagyan sa kalangitan. Noong una ang araw at buwan ay may pantay na kapangyariha at mga karapatan. Nagsalita ang Buwan sa Deus,””O Panginoon bakit mo nilikha ang mundo sa titik na B [Bet sa Hebreo}? Sagot ng Deus: :Upang malaman ng aking mga nilikha na mayroong dalawang mundo.” ang Buwan:”O Panginoon, alin sa dalawang mundo ang mas malaki, itong mundong ito o ang mundong darating? Deus: “Ang mundong darating ang mas malaki.” Buwan: “O Panginoon, Inyong nilikha dalawang mundo, isang malaki at isang maliit na mundo; Iyong nilikha ang langit at lupa, ang langit na humihigit sa daigdig; Iyong nilikha apoy at tubig, ang tubig na mas malakas kaysa apoy, sapagkat maaari nitong patayin ang apoy; at ngayon iyong nilikha ang araw at buwan, at ngayon nagiging mas malaki ang isa kaysa sa isa.” Nagsalita ang Deus sa Buwan: “Alam na alam na nais mo na gawin kita na mas malaki kaysa sa Araw. Bilang kaparusahan ipinag-uutos Ko na maaari mong mapanatili ang ika-anim na bahagi ng iyong liwanag. Nagsumamo ang Buwab:”Dapa ba akong parusahan ng sobra dahil sa pagsabi ng isang salita?” Deus: “Sa mundong hinaharap Aking ibabalik sa iyo ang iyong liwanag upang maging kasing liwanag ng Araw.” Hindi pa rin nakontento ang Buwan: O Panginoon, at ang liwanag ng araw gaano kalakas ba iyon pag dating ng araw na iyon.” Nagalit ang Deus: “Ano pa ang binabalak mo laban sa Araw?” Habang ikaw ay nabubuhay , sa mundong darating ang kanyang liwanag ay magiging pitong beses na mas malakas sa kanyang liwanag ngayon. “ Ang araw ay tumatakbo sa kanyang daanan tulad ng ikakasal na lalaki. Siya ay nakaupo sa trono, na may koronang bulaklak sa ulo, 96 na mga angheles ang umaaallay sa kanyang araw-araw na paglalakbay, nagpapalit-palita tuwing ikawalong oras, tigda-dalawa sa kaliwa , sa kanan, sa harap at sa likod. Salakas niya kayang niyang kompletuhin ang kabuoang tatahakin mula Timog hanggang Hilaga sa isang iglap subalit 365na mga angheles ang pumipigil sakanya sa pamamagitan ng mga kawit na bakal, at bawat araw isa nito ang humuhulagpos kung kaya nakukuha niyang tapusin ang kabuoang daanan ng 365 na mga araw. Nagpapatuloy ang pagusad ng araw sa walang patlang na awit papuri sa Deus. Kung kaya, nang nais ni Joshua na tumigil ang araw, inutusan niya itong tumahimik at ang kanyang awit ay tumigil at ang araw ay tumigil. Dalawa ng mukha ng araw, ang isa ay apoy at nakaharap sa daigdig at iyong isa ay ulan may yelo na nakaharap sa langit upang palamigin ang init sa kanyang mukha kundi masusunog ang daigdig. Ang susunod na magkatugma ay ang Genesis 1:6-8 at Genesis 1:9-13 na umaayon sa batas na nabanggit. Ngunit dalawang bagay ang tinutukoy dito ang kalangitan sa itaas at ang langit sa ibaba. Gayon din ang katubigan sa itaas at katubigan sa ibaba. sabi sa Genesis 1:6-8 magkaroon ng isang kalangitan sa gitna ng mga katubigan; upang ito ang maghati sa mga katubigan; at hayaan ito na paghiwalayin ang katubigan sa mga katubigan. 7: At nilikha ng Deus ang isang kalangitan, at hinati ang mga katubigan na nasa ilalim ng kalangitan at yaong katubigan na nasa itaas ng kalangitan. At gayon na nga. Sa mga bersong ito nangangahulugan na dalawang kalangitan ang nilikha, ang isa ay yaong ; langit na nasa pagitan, ng kinalalagyan ng dalawang palapag o mundo ng kahayagan o paglitaw na Atziloth [mundo ng mga Deus] at Briah [mundo ng mga arkangheles at kung sa tao ang ulo at dibdib] at ng ikatlong palapag o mundo ng kahayag o paglitaw Yetzirah [ mundo ng pagaanyo o sinapupunan ng uniberso]. At ang kalangitan naman sa ibaba nitong palapag na ito ay ang kalangitan ng ating daigdig na siya namang naghahati sa mga katubigan; ng katubigan ng sinapupunan ng uniberso o palapag ng kahayagan o paglitaw na Yetzirah [Mundo ng mga Angheles o mundo ng pagaanyo, dito nanahanan ang mga kaluluwa ng kalahat-lahatan, mga Infinito Dios at mga angheles na hindi binyagan] at sa ibaba ng langit na ito ay ang palapag ng kahayagan o paglitaw Asiah [ ang mundo ng mga kabibe o yaong may materyal na anyo gaya ng tao kasama na dito ang mga demonyo]mga katubigan naman ng ating daigdig.Kung kaya sinabi ng Deus na ang mga katubigan sa ilalim ng langit ay maipon sa isang lugar, upang lumitaw ang tuyong mga lupain na tatawaging lupa at ang mga katubigan ay mga dagat. Bigyan natin ng malinaw na paliwanag ang Ikalawang araw ng paglikha Genesis 1:6-8, apat na paglikha ang ginawa sa araw na ito; ang kalangitan, imiyerno, apoy at mga angheles.Ang kalangitan ay hindi katulad ng kalangitan ng unang araw. Ito ay ang kristal na inunat sa ibabaw ng mga ulo ng Hayyot na kung saan kinukuha ng kalangitan ang kanilang liwanag, kinukuha ng daigdig ang kanyang liwanag sa araw. Ang kalangitan ang siyang nagliligtas sa daigdig sa pagkakalunod sa mga katubigan ng mga kalangitan. Ito ang naghahati sa pagitan ng katubigan sa itaas at ng katubigan sa ibaba. Ito ay ginawa upang gawin ang kristal na maging solido sa pamamagitan ng makalangit na apoy na siyang sumira sa mga hangganan nito, at p[inatigas ang ibabaw ng kalangitan. Kaya ang apoy ang limikha ng pagkakahati sa pagitan ng selestiyal at ng terestiyal [panglupa] sa panahon ng paglikha. Ang kalangitan ay hindi hihigit sa 3 daliri sa kapal, gayon man ito ang naghahati sa dalawang mabibigat na katubigan sa ibaba, na siyang pundasyon ng mundo ng sankatauhan at mga katubigan sa kaitaasan na siyang pundasyon ng 7 kalangitan, ng Banal na Trono at ang tahanan ng mga angheles. Ang paghahati sa mga katubigan, itaas at ibaba ay siya lamang gawa na ginawa ng Deus na nauugnay sa paglikha. ang lahat ng ibang gawa niya ay puro pagkaka-isa sa lahat. Kung kaya ito’y nagdulot ng hirap sa paglikha. Nang iniutos ng Deus, “ Hayaan ang katubigan ay magsama-samang mag-ipon sa isang lugar, at hayaan lumitaw ang tuyong kalupaan .” Ilang bahagi ay ayaw sumunod. Nagyapusan ang isa’t isa na mas mahigpit pa. Sa galit ng Deus, nagpasiya ang Deus na hayaan ang kabuoang nilikha na magpasiya sa kanilang sarili sa kaguluhan muli. Kanyang tinawag ang anghel ng Mukha at inutusan ito na wasakin na ang mundo. Iminulat ng anghel ang kanyang mga mata at lumabas dito ang nakakasunog na apoy at makapal na mga ulap habang siya ay sumisigaw,” Siya na naghahati sa Red Sea ay masusunog!” ..at ang naghihimagsik na katubigan ay tumahimik. Gayon pa man ang lahat ay nasa bingit pa rin ng pagwasak kundi lamang sa mga mang-aawit ng papuri sa Deus na siyang nagpahupa sa galit Niya. Ang araw na ito ay isang hindi magandang araw dahil sa paglabag sa pagkakaisa: dahil ito ang araw na makikita rin ang paglikha sa impiyerno. Kung kaya maaaring sabihin ng Deus na itong araw na ito, na kanyang “nakita na ito ay mabuti.” Isang paghahati ang kinakailangan kung kaya hindi maaaring sabihin na ito ay mabuti at tunay na ang impiyerno ay hindi karapatdapat nito. Ang impiyerno ay may 7 pagkahati-hati, isa sa ilalim ng isa. Tinawag silang Sheol, Abaddon, Beer Shahat, Tit ha-yawen, Sha’are Mawet, Sha’are Zalmawet at Gehenna.Kinakailangan ng 300 na taon upang matawid ang taas o lapad o lalim ng bawat hati nito at nangangailang ng 3,300 na mga taon upang tahakin ang lawak ng pitong ito. {Nota: Hindi ko na isinama ang paglalarawan sa loob ng Impiyerno]. Nilikha rin sa araw na ito ang mga kawan na mga angheles, kapwa mga tigapag-lingkod at mga anghles na nagpupuri. Ang dahilan kung bakit hindi sila nilikha sa unang araw ay baka akalain ng tao na tinulungan lang ng mga angheles ang Deus sa paglikha ng langit at lupa. ang mga angheles ay inanyo mula sa mga anyo ng apoy, ngunit hangga’t sila ay nanatili lamang sa langit. Kapag sila ay bumaba sa daigdig upang sumunod sa pinaguutos ng Deus sa ibaba, alin m,an sa sila ay magiging hangin o magaanyo silang tao. Mayroon 10 antas ang mga angheles. ang pinaka-mattas sa kanila ay yaong nakapalibot sa Banal na Trono sa lahat ng tabi, sa kanan, sa kaliwa, sa harap at sa likod, sa ilalim ng pamumuno ng mga arkangheles na sina Michael, Gabriel, Uriel at Raphael.Lahat ng mga selestiyal na nilikha ay nagpupuri sa Deus sa mga salitang, “Banal, Banal, Banal, ay ang Panginoon ng hukbo.” Ngunit kailangan mauna muna ang tao bago sila. Hindi sila maaaring manguna sa tao. Narito ang Sampung [10] Suson ng kalangitan [Aklat ni Enoch - magsisimula tayo sa itaas at pababa]: 1O. Ika-sampung langit – ang ARAVAT. Ito ay kung saan naroroon ang Deus. ang Kanyang anyo ay hindi maipaliwanag; kahanga-hanga, nakakatakot. Hindi rin maipaliwanag o mailarawan. ang Kanyang trono, ang Kanyang tinig, ang dami ng nakapaligid sa Kanya, gaanong dami ng mga hukbo/mga kawal na Kerubim at Seraphim na nagsisiawitan. Wala pang nakakakita sa Kanya kahit mga Deus at Deuses. Maging ang Dakilang Mahal na Birhen E.M. ay nagsabi, “Kahit ako ay hindi pa nakakita sa ABA Ko sapagkat tingnan Mo man Siya Ikaw ay masisilaw at mabubulag. Kapag Ako ay kakausapin tinig lang Niya ang aking narrinig.” 9. Ika-siyam na Langit – ang tawag ng Hebreo ay KUCHAVIM, ang makalangit na tahanan ng mga butuin at ng 12 tanda ng Zodiako. 8. Ika-walong Langit – ang tinawag na Muzaloth. ang nagpapabago ng mga panahon; mga tag-tuyot [drought], tag-init, tag-ulan, tag-lamig..atbp.. at ng 12 tanda ng Zodiako na nasa itaas ng ika-pitong langit. 7. Ika-pitong langit – dito makikita ang Dakilang Liwanag, mga hukbo/kawal na dakilang mga arkangheles na nagaapoy, mga puwersa na hindi nakikita , at kanilang mga nasasakupan, mga kaayusan at mga pamamahalaan, mga Kerubim at mga Seraphines na nakapalibot sa trono at yaong maraming mga mata, 9 na mga rehimente, ang Ionit mga stasyon ng mga ilaw.. 6. Ika-anim na Langit – ang kinalalagyan ng ng pitong uri ng mga angheles na nag nagniningning at napaka-maluwalhati, at kanilang mga mukha ay mga nagliliwanag higit pa liwanag ng araw, at walang pagkaka-iba sa kanilang mga mukha, o kanilang paguugali, o paraan ng pananamit at sila ang gumagawa ng mga kaayusan, at pinagaaralan ang mga takbo ng m,ga bituin, at pagbabago-bago ng mukha ng buwan, o rebulosyon ng araw, at ng mahusay na pamamahala ng mundo. at kapag sila ay nakakita ng gawain sila ay gumagawa ng mga paguutos at pagtuturo, at malalakas at magandang nagaawitan na ang lahat ng mga awit ay mga papuri. Ito ang mga arkangheles na nagsusukat ng lahat ng buhay sa Langit at sa daigdig, na mga itinalaga sa kahat ng mga panahon at mga taon. ang mga anghel na nasa ibabaw ng mga ilog at karagatan, sa ibabaw ng mga bunga ng daigdig, at mga angheles na mga nasa ibabaw ng bawat damo, na nagbibigay ng pagkain sa lahat, sa bawat nabubuhay na nilikha, at ang mga angheles na nagsusulat sa lahat ng kaluluwa ng mga tao, lahat ng kanilang mga gawain, ang kanilang mga buhay sa harap ng mukha ng Panginoon; sa gitna nila ay anim na mga Phoenix [Ibon Adarna] at anim na mga Kerubines at anim na may animang mga pakpak na tuloy-tuloy na umaawit na parang iisang tinig at hindi maipalawanag ang kanilang paraan ng pag-awit, at sila ay nagkakasiyahan sa harap at patungan ng paa ng Panginoon . 5. Ika-limang Langit – maraming mga tropa o hukbo ni Gregori [mga higanteng mga anghel na tinawag din mga “Tiga-Masid” [Watchers/Nephilim] yaong mga nakipagtalik sa mga anak na babae ng mga tao [Genesis6:2], at ang kanilang anyo ay tulad ng tao at ang kanilang laki ay mas malaki pa sa gayong mga malalaking mga higante at kanilang mga mukha na mga luoy, at ang katahimikan ng kanilang mga bibig ay walang hangganan, at walang paglilingkod dito sa ika-limang langit. Tinanong ni Enoch ang anghel na nagdadala sa kanya, “Bakit ang kanilang mga mukha ay malulungkot at mga luoy at bakit walang paglilingkod sa langit naito?” Sagot ng mga anghel,” Sila ang mga Gregori, na kasama ng kanilang Prinsipe si Samael ay tumanggi sa Liwanag ng Panginoon at sumunod sa kanila ay yaong mga nakakulong sa dakilang kadiliman sa ikalawang langit, at talo sa kanila ay bumaba sa lupang daigdig mulat sa trono ng Panginoon hanggang sa lugar ng Bundok ng Hermont at kanilang sinira ang kanilang pangako doon sa balikat ng libis ng Hermon at nakita ang kagandahan ang mga kababaihan anak ng tao. Kanilang inasawa ito at dinumihan ang daigdig na kanilang masasamang mga gawain.. ..atbp.. 4. Ika-apat na Langit – dito makikita ang pabalik-balik na mga pagtungo at lahat na mga raya ng liwanag ng araw at buwan. At sinukat ni Enoch ang gawaing ito at inihambing ito sa kani-kanilang mga liwanag, at nakita na ang liwanag ng araw ay mas higit sa buwan. Ang kanilang pagikot at ang mga gulong na kung saan sila palaging tumatahak, tulad ng hangin na mabilis na tumatakbo, at walang pahinga sa araw at gabi. Ang kanilang pagdaan at pagbalik ay sinasamahan ng apat na malalaking mga bituin, at sa ilalim ng bawat bituin aymayroon itong isang libong mga bituin, sa kanan ng kabilugan ng araw, at sa apat ay sa kaliwa, bawat isa ay isang libong mga bituin ang nasa ilalim nila, ang kabuoan ay walong libo, lumalabas kasama ng araw. At sa araw naman 15 laksang mga angheles ang umaasikaso dito, at sa gabi isang libo naman. At tig-animang may pakpak ang lumalabas kasama ng mga angheles, sa harap ng kabilugan ng araw sa loob na naglalagablab na apoy, at isang daan na mga anghel ang nagsisindi sa araw at nagpapa-apoy nito. 3. Ikatlong Langit – narito ang mga produkto ng mga lugar tulad ng walang kaparis na kabutihan. Lahat ng matamis na namumulak na mga puno at kanilang mga bunga, na masarap na amoy, at lahat ng mga pagkain na dala nito ay bumubula ng kabanguhan. at sa gitna nitong mga puna ay ang Puno ng Buhay, yaong lugar kung saan namamahinga ang Panginoon kapag siya ay dumadalaw sa Paraiso. At itong puno ay hindi mailarawan sa kabutihan at sa kabanguhan, at mas pinalimutian kaysa alin mang nalikhang bagay. At sa lahat ng tabi ang kanyang anyo ay ginto at pulang-pula at tulad ng apoy. Ito’y sumasakop sa lahat , namumunga ng lahat ng prutas. Ang mga ugat nito ay nasa halamanan na sa dulo ng daigdig. At ang paraiso ay nasa pagita ng nadudumihan at hindi nadudumihan [corruptibility and corruptibility] at pagkatapos sila ay tumutungo sa daigdig, na umiikot tulad ng mga elemento. Dito ay walang puno na hindi namumunga, at bawat lugar ay pinagpala. At mayroong tatlong daang maliliwanag na mga anghel na nanmgangalaga sa halamanan, at may masarap na nagaawitan at walang tinig na tahimik ang naglilingkod sa Panginoon sa lahat ng araw at mga oras. 2. Ikalawang Langit – dito ay kadiliman na kung makikita ang mga planeta, mas higit pa sa kadiliman ng daigdig, at dito makikita ang mga bilanggo na mga nakabitin, binabantayan, naghihintay sa dakila at walang hangganang paghatol, at itong mga anghel ay madidilim o maiitim ang mga anyo, mas madilim o maitim pa kaysa yaong sa daigdig at walang hintong nag-iiyakan dahil sila ay laging pinahihirapan. Sila ay ang mga tumalikod sa pananampalataya sa Deus, na hindi sumunod sa mga utos ng Deus, kundi tumanggap ng payo sa sarili nilang loobin, at sila ay lumayas kasama ng kanilang prinsipe na nakabilanggo rin doon sa ika-limang langit. 1. Unang Langit – ito ang nakikita ng tao. Wala itong gawain kundi ang takpan ang liwanag sa pagdating ng gabi kung ito’y nawawala sa umaga. Dito makakaharap mo ang mga matatanda, ang namamahala sa kaayusan ng mga tala at mga bituin. Dito makikta ang mga daanan ng lahat ng mga bagay sa kalawakan , ang kanilang paghayo sa bawat taon, at makikita ang dalawang daan na mga angheles, ang napakalaking karagatan, mas malaki pa kaysa karagatan ng daigdig, at mga anghel na nagsisiliparan. Dito makikita ang bodega ng mga ulap, mula kung saan ito ay aakyat at lalabas at makikita din ang ang lahat ng bahay imbakan ng mga nyebe o yelo at lamig, at mga nakakatakot na mga angheles na mga nagbabantay sa mga bahay imbakan na ito. Makikita rin dito ang bahay imbakan ng mga hamog, tulad ng langis ng oliba, at mga angheles na mga nagbabantay sa mga bahay imbakan na ito, at kanilang mga kasuotan tulad ng lahat na mga bulaklak ng lupang daigdig. Pitong suson din ang Lupang daigdig [na ang bawat isa ay napapagitnaan ng limang mga kalatagan [layers]: 7. Ika-pitong kalatagan ng lupa ay ang tinawag na Erez, ay matatagpuan sa pagkakasunod-sunod, ang kailaliman [abyss], ang Tohu [Kaguluhan], ang Bohu [ang kawalan], isang dagat, at mga katubigan. 6. Ika-anim na kalatagan ng lupa – ang Adamah,ang tanawin tungkol sa kariktan ng Deus. Sa katulad na paraan na ang Adamah ay nahihiwalay sa ika-limang klatagan ng lupa. 5. Ika-lima na kalatagan ng lupa – ang Arka, na kinalalagyan ng Gehenna, at Sha’are Mawet, at Sha’are Zalmawt, at Beer Shahat, at Tit haYawen, at abaddon, at Sheol, at doon ang mga kaluluwa mg mga masasama ay nababantayan ng mga Anghel ng Mangwawasak. 4. Ika-apat na kalatagan ng lupa – ang Harabah, ang tuyo, ang lugar ng mga sapa at batis. 3. Ikatlong kalatagan ng lupa – an Yabasshah, ang pinakalupa, na nial;aman ng mga sibul at mga ilog. 2. Ikalawang kalatagan ng lupa – ang Tebel, ay ang unang pinaka-lupa na tinatahanan ng mga buhay na nilikha, 365 na mga uri [species], lahat mahalagang naiiba sa yaong nassa ating kalupaan. Ang iba ay mayroong ulo ng tao na nakakabit sa isang leon, o isang serpiente, o isang baka; ang mga iba ay mayroon katawan ng tao at ulo ng isa sa mga hayop na ito. Ang Tebel ay tinatahanan din ng mga taong nilikha na may dalawang ulo at apat na mga kamay at paa, sa katunayan sa lahat ng kanilang organo na doblado maliban lamang sa katawan. Kung minsan ito ay nangyayari sa mga bahagi nitong doblehang pagkatao ay nagaawayan sa isa’t isa, lalong lalo na kapag sila ay kumakain o umiinom, kapag ang bawat isa ay inaangkin ang pinakamahusay at pinaka-malaking bahagi para sa kanya. Ang urti ng katauhan nito ay nakikilala sa kanyang kabanalan, isa pang kaibhan sa pagitan nila at ng mga nanahan sa ating kalupaan. 1. Ang unang kalatagan ng lupa – Heled ang ating lupain, tulad ng mga iba ito ay nahihiwalay sa Tebel sa pamamagitan ng kailaliman [abyss], ang Tohu, ang Bohu, isang dagat at mga katubigan. Kung kaya isang kalupaan ay tumataas sa ibabaw ng iba, mula sa una hanggang sa ika-pito, at sa ibabaw ng ika-pitong lupain ang mga kalangitan ay mga nakapinid, mula sa una hanggang sa ika-pito, ang pinakahuli sa kanila ay nakakabit sa bisig ng Deus. Ang 7 mga kalangitan ay nag-aanyo ng isang pagkakaisa, ang 7 iba’t ibang uri ng kalupaan ay nag-aanyo rin ng isang pagkakaisa at ang mga kalangitan at mga kalupaan ay magkasama rin nagaanyo ng isang pagkakaisa. Nang likhain ng Deus ang kasalukuyan nating mga kalangitan at kalupaan, ang bagong mga kalangitan at ang bagong daigdig ay inilabas din, oo, at ang 196 na mga mundo na nilkha ng Deus sa Kanyang sariling kaluwalhatin.
Posted on: Fri, 13 Sep 2013 04:33:47 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015