KATULONG? Pwe!!! Katulong, Nanny, Caregiver, DH, Mutsatsa, - TopicsExpress



          

KATULONG? Pwe!!! Katulong, Nanny, Caregiver, DH, Mutsatsa, Alipin, Maid.. Ilan sa mga katagang ginagamit para sa mga katulad natin na nagtatrabaho sa bahay dito sa abroad.. Marami ang proud na ganito ang trabaho nila, pero may mangilan din namang nahihiya. Marahil pagod na. Pero ang ikinaiinis ko, yung mga taong mababa ang tingin sa atin.. Ay ayoko magDH sis..sabi ng isang kilala kong nurse. Nagtanong kasi sya dahil gusto nya magCanada. Sabi ko, magDH ka sa HK sis para mapabilis ang pagpunta mo ng Canada.. Akala ko naman, kaya sya umaayaw ay dahil di nya kakayanin ang magtrabaho sa loob ng bahay.. Yun pala, nahihiya sya sa magiging trabaho nya.. Nakakainis diba? Akala mo yung ilan, napakataas ng tingin sa sarili. Ayaw maghirap at ayaw pagdaanan kuno ang pangangatulong. Sabagay, kung may papasukang trabaho na mas maganda, bakit naman mangatulong pa diba? Pero wag naman ikahiya ang pagiging katulong.. At lalong wag maliitin ang mga katulong. Marami sa amin ay professionals at pinili ang trabahong ito dahil hindi sapat ang kinikita sa Pilipinas. Kung kaya ba buhayin ng sweldo namin ang pamilya namin, bakit kailangan pa naming lumayo diba? Walang kasing sarap ang mamuhay na kasama mo ang pamilya mo pero kung mamamatay naman kayo sa gutom, bakit ka magtitiis sa kakarampot na kita? Ang mga bata ay lumalaki. Ang mga bilihin ay tumataas.. Ang mga pangangailangan ay dumarami. Pero kung bakit ang sweldo ay di man lang tumataas. Minsan, nadadagdagan pa ang kaltas. Ang ilan sa amin, undergraduate sa college, HS or elementary ang inabot pero nagsikap at nakipagsapalaran para makarating ng ibang bansa at makatulong sa pamilya. Mas mabuti pang mangibang bansa at magkuskos ng kubeta kesa sa umasang makapasok sa trabaho sa Pinas na ang requirements ay college level/graduate pero ang sweldo ay minimum lang din. Mas mabuti pang nasa ibang bansa kasi may tinatanggap buwan buwan kesa sa tumambay sa Pinas. Akala nyo ba madali ang maging katulong? Paggising mo palang sa umaga, nakakalimutan mo na mag-ayos ng sarili mo kasi si madam at sir ay naghihintay na ng almusal. Yung alaga mo, papasok pa sa school at kailangan pang paliguan, pakainin, asikasuhin.. Yung bahay, daming kalat. Kung bakit kasi, kagabi lang bago ka matulog ay inayos mo na ang lahat pero paggising mo ay may kalat na naman. Di mo alam kung alin ang unahin mo. Maglalaba ka pa, magpaplantsa, maglampaso, magkuskos ng kubeta, aaaaaaaaaaaahhh.. Kung pwede nga lang imagic ang lahat.. Oops, teka..nakalimutan mo na kumain. Hapon na pala, ay di ka pa nakakapag almusal. Darating na yung alaga mo. Sobrang kulit na naman noon. Nanghihina ka sa gutom pero walang tigil ata sa pagpapasaway. Yung mga kalat ay di na natapos kasi parang bagyo kung magkalat ang mga bata. At ewan kung bakit pati ang mga amo mo ay wala rin pakundangan. Sabagay, kaya nga sila may katulong sabi nila para may mag-ayos at may magpapanatili ng kalinisan sa bahay nila. Pero utang na loob, tao din naman ang mga yan at hindi por que pinapasweldo nyo ay di nyo itatrato nang tama. Kahit saang trabaho, may swerte at malas. Pero sa mga katulong, maswerte ka kung ang amo mo ay mabait sayo at tao ka kung ituring. Yun bang ang trabaho mo ay di naman kabigatan at ang sweldo mo ay natatanggap mo ayun sa napag-usapan. Pero marami ang naabuso katulad ng halos bente kwatro oras na pagtatrabaho. May ilan pang nagagahasa. Ang ilan sinasaktan. Ang ilan ay napagbibintangang magnanakaw. Ang ilan ay pinapahuli sa police at ipinapakulong o mismong sa bahay ikukulong. Minsan, wala pang makain kasi nilalock ang ref. Minsan, tira tira ang pagkain. Ang ilan, ni hindi makahawak ng telepono o celfon. Ang ilan, delay na ang sahod at di pa buo. Minsan ang masaklap pa, inabuso ka na, wala ka pang natatanggap. At ang pinakamasakit, inabuso ka na nga, dakdakan ka pa ng agency at ng mga nasa embahada kapag humingi ka ng tulong. Ngayon, sabihin nyo sa aming mga katulong.. Dapat bang maliitin nyo ang tulad namin? Ni hindi ninyo alam kung ano ang pinagdadaanan namin. Dagdag pa sa hirap na dinadanas namin ang hirap ng kalooban namin sa paglayo sa aming pamilya. Na tuwing nagtatrabaho kami, iniisip namin na sana pamilya ko ang pinagsisilbihan ko. Anak ko ang inaalagaan ko. Bahay ko ang nililinis ko. Walang kasing sakit na hindi namin sila nakikita sa mga okasyon tulad ng birthday, graduation, Christmas at kung ano pang mahahalagang okasyon. Ni hindi nyo alam na kahit gustuhin naming umuwi o makausap sila sa araw ng day off namin kung meron ay di namin magawa dahil hindi kami makapagdecide para sa sarili namin. Marami sa amin, kapag katulong ka ay basahan ka kung itrato. Wala na nga pakialam sa nararamdaman mo ang amo mo, parang binili ka pa nila kung ituring ka. Sana naman, bago kayo magmalaki dahil maganda ang trabaho nyo, alamin nyo muna ang tunay na kalagayan ng taong hinuhusgahan nyo dahil kung meron man dapat ikahiya, kayo yun!!! Kami ang mas may karapatan magmalaki dahil sa kabila ng hirap na dinadanas namin ay nabibigyan namin ng magandang buhay ang naiwan namin sa Pinas. KAYA KAPWA KO KATULONG, WAG TAYONG MAHIYA!! IPAGMALAKI NATIN ANG ATING TRABAHO. MABUHAY TAYONG LAHAT!!!— #cute
Posted on: Wed, 07 Aug 2013 22:30:36 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015