KAWAWA ANG MGA BABAE! Via Abante Online| News WEDNESDAY, July 17, - TopicsExpress



          

KAWAWA ANG MGA BABAE! Via Abante Online| News WEDNESDAY, July 17, 2013 Nina Juliet de Loza-Cudia, Dindo Matining, Boyet Jadulco at Bernard Taguinod Hindi pa rin maipatutupad ng pamahalaang Aquino ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Law makaraang paboran ng mayoryang mahistrado ang pagpapalawig ng Status Quo Ante Order (SQAO) sa naturang batas na todong tinututulan ng Simbahang Katoliko. Nabatid na sa botong 8-7 sa ginanap na regular na en banc session, mana­natili umano angnabanggit na kautusan hangga’t hindi nakakapagpalabas ng desisyonang Supreme Court (SC) sa nabanggit na usapin. Ibig sabihin, walang binigay na araw kundi ‘indefinite’ ang pagpigil sa naturang batas. Ibinaba ng Korte Suprema ang extension order sa SQAO, isang araw bago mapaso ang nauna nang SQAO na inisyu nito noong Marso 19. Ngayong araw sana magtatapos ang naturang utos na pumipigil sa implimentasyon ng RH Law. Isa naman sa unang-unang nadismaya sa desisyon ay si Sen. Pia Cayetano na pangunahing author at co-sponsor ng naturang batas. “To me, it sends the wrong message to the women of our country,” ani Cayetano, chairman ng Senate committeeon health and demography. “As we debate this, ang mga kababaihan ang nagsasakripisyo, sila ang dinudugo, sila ang namamatay,sila ang nawawalan ng anak, sila ang nalalagay sa sitwasyon na nagpapa-abort sila,” anang senadora. Ikinalungkot din ng pa­lasyo ngMalacañang ang pasya ng Kataas-taasang Hukuman sa pagsasabing, “The extension is unfortunate, however, the extension will be respected by government,” wika ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte. Nanghihinayang naman si Ifugao Rep. Teddy Baguilat sa ginugol na panahon ng Kongreso para mapagtibay angRH Law dahil hindi naman ito maipatupad sa paulit-ulit na pagharang ng Korte Suprema. “Another delay of the inevitable. Sayang ‘yung mga batang nabubuntis dahil sa kakulangan ng information at mga namamatay na ina sa panganganak dahil sa unplanned pregnancies,” ani Baguilat. Unknown
Posted on: Wed, 17 Jul 2013 02:14:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015