KOBE MAPAPAAGA ANG COMEBACK Hindi pa ‘worn and out’ si Kobe Bryant kahit sabihing hindi na ito bumabata at mula pa sa Achilles tendon tore injury. Mismong ang 34-anyos na Los Angeles Lakers star ang nagsabing nabasag nito ang record ng pagrekober sa operasyon sa ACL injury -- na karaniwang may anim hanggang siyam na buwang rehabilitasyon. Nagtamo ng ACL injury si Bryant sa huling linggo ng 2012-13 regular season. Marami ang nagdududa na magtatagal ang pagkawala ni Bryant at kung makakabalik ito ay hindi na ito kasintalim ng dati. Ngunit sa mga pinakahuling ulat, may apat na buwan matapos ang operasyon, ay posibleng makabalik na ang player hindi lang sa simula ng 2013-14 regular season, ngunit maski mismo sa training camp. “The surgical procedure was different… and because of that the recovery has been different,” ani Bryant, na nasa China tour sa Shenzhen. “The normal timetable for recovery from an Achilles, we’ve shattered that. Three-and-a-half months I can already walk just fine, I’m lifting weights with the Achilles just fine and that’s different. So we don’t know what that timetable is going to be. It’s kind of new territory for us all.”’ Maaaring ang pride na lang ni Bryant ang nagsasabi nito o kuwentong hinabi ng Lakers’ public relations. Mahirap ang pagbabalik mula sa limang buwang rehabilitasyon at bibigat pa ang papel ng nasa ika-18 season sa NBA na si Bryant sa pagkawala ni big man Dwight Howard.
Posted on: Wed, 07 Aug 2013 02:13:56 +0000
Trending Topics
Recently Viewed Topics
© 2015