KORONADAL CITY- Umabot sa 13 mountain climbers sa tuktok ng Mt. - TopicsExpress



          

KORONADAL CITY- Umabot sa 13 mountain climbers sa tuktok ng Mt. Apo ang na-rescue kagabi matapos ma-stranded ang mga ito dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan. Ayon kay Joey Recemilla, tourism officer ng Kidapawan City, ang masamang panahon ang nagpahirap sa naturang mga mountain climbers na bumaba galing sa bundok na nagresulta naman sa kanilang paghingi ng tulong sa Kidapawan City Rescue 911. Inihayag ni Recemilla na ilang oras na-stranded ang mga ito sa Camp Matiao dahil hindi makatawid sa Marbol River dahil sa malakas na agos ng tubig. Kaugnay nito, isang local climber naman na kinilalang si Maricic ang nagpakabayani upang tulungan ang stranded climbers na makatawid sa nasabing ilog at tuluyan ng makababa sa bundok. - See more at: bomboradyo/news/top-stories/item/26037-stranded-na-13-mountain-climbers-sa-mt-apo-na-rescue#sthash.xsFGe8NY.dpuf
Posted on: Tue, 08 Oct 2013 13:37:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015