Ka SPI may kasamahan po tayo na nagpapatulong sa problema nya. - TopicsExpress



          

Ka SPI may kasamahan po tayo na nagpapatulong sa problema nya. Nagiging trend napo ang problemang ito sa hanay ng Men In Uniform. gandang hapon po sa lahat. humuhingi po ako ng payo tungkol sa problema namin ng bf ko. parang sasabog na ang didbdib ko sa galit at sama ng loob hindi lang sa bf ko kundi sa sarili ko na rin dahil hindi ko xa magawang talikuran. Tatlong taon na kaming magkasama, may isang anak na magtatatlong taon na rin. kasal nalang ang kulang sa amin,hinihintay lang namin na makapag reenlist xa saka kami pakakasal. nagsasama kami sa bahay ng mga magulang ko kapag umuuwi xa mula sa deployment nya. smooth naman po ang pagsasama namin, tanggap xa ng buong pamilya ko at ako naman sa kanya. Ilang beses na ring na huli ko xa na may ibang babaeng nagiging ka chat sa fb pero hindi xa nakikipagkita. Nitong taong ito nalipat xa sa malapit sa amin at maayos naman ang aming relasyon.nabibisita namin xa ng anak ko kapag di xa nakakauwi. nitong August nahuli ko na naman na activated na naman ang dalawang iligal na fb account nya at natuklasan ko na may nakarelasyon xang babae na 10 yrs ang tanda sa kanya. at nalaman ko sa mga chat nila na nageyeball na sila at may nangyari na.ang babae ay nakilala nya thru sa kabatch niya na nagbigay ng number ng babae. Pinuntahan ko xa sa kampo nila at 3 wks kami ng anak ko dun.nagusap kami at nagpangabot na din kami ng babae sa fb.sabi ng babae alam nya na may anak si sundalo pero hindi kasal kaya may karapatan daw xa na humabol sa bf ko. pero hiniwalayan na xa ng bf ko at nagsorry sa kanya at sinabing mahal na mahal nya kami ng anak nya at ayaw nyang masira pamilya nya. pumayag naman ang babae na maghiwalay sila. paguwi namin nakipagkita ang bf ko sa kanya para daw may closure.nabasa ko na naman sa fb ng bf ko na sabi ng babae na buntis xa at naghihingi ng pera pam pacheck up sa private clinic at pambayad ng mga utang nya. parang akong binagsakan ng langit at lupa sa nalaman ko. gusto ko xang hiwalayan pero mahal na mahal ko po xa at walang alam ang pamilya ko sa nagyayari.sa tulong ng First Sgt nya ay nagkaharap kami ng babae at napagusapan paano aayusin ang problema.nagbanta ang babae na magsusumbong sa DPM para madischarge ang bf ko.sinamahan pa namin xa magpacheck up at buntis nga xa.di nga lang kami sure dahil nalaman namin na syota ng bayan pala ang babae. pumayag xa sa 100k kahit maliit daw para sa kanya.kaya kahit halos wala nang matira sa payslip ng bf ko ay nagreloan xa para lang mabayaran ang babae.ngayon nagtxt na naman xa sabi nya nagbago na daw isip nya.tatanggapin nya lang daw ang 100k kung ang bf ko ang gagastos sa panganganak nya normal man o CS.kung hindi pumayag ang bf ko sustentong 3k/mo ang demand nya. marami na akong narinig na may kagaya ng problema naming ito. wala ba kaming ibang pwedeng magawa para malutas ang problemang ito? Alam ko pinagsisisihan ng bf ko ang nagawa nya kaya naaawa ako sa kanya at hindi ko xa iiwan sa problemang ito.
Posted on: Mon, 04 Nov 2013 07:46:39 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015