Kahapon, pagdating na pagdating nila mula sa byahe ay dumiretso - TopicsExpress



          

Kahapon, pagdating na pagdating nila mula sa byahe ay dumiretso agad sila ni Reichen sa simbahan para ipagdasal ang mga hindi matahimik na kaluluwa na naninirahan sa Haunted Mansion na pinanggalingan nila. All they wanted is for the souls to find the peace they have always wanted. And they hope they will find it very soon. Sunday. Nakaunan si Saskia sa braso ni Reichen habang nakapikit, ang asawa naman niya ay nanonood ng action movie. Dumilat siya at tumingin rito. Mula sa pinanonood ay dumako sa mukha niya ang tingin ni Reichen at nahuli siya nitong nakatitig rito. Ngumiti ito. Why are you looking at me like that, hm? She shook her head and continued staring at him. Saskia doesnt know why, but she find staring at his face interesting. She had always loved looking at him. Reichens forehead knotted but he still looked damn handsome. Problem? Then suddenly his smiling aura turned into a worried look. He gently held her chin. Wala she smiled to convince him. But still not looking away. Saskia Reichen looked serious now. He even turned off the television to focus on her. What? she smiled crookedly. The truth is, she just wanted to see his face changing into different emotions. Kanina pa niya gustong tumawa dahil nagtagumpay siya. Tuluyan na itong bumangon. Hon, wag mo akong takutin. Magsalita ka naman oh he looked frustrated now. Saskia. Lalong lumawak ang pagkakangiti niya hanggang sa hindi na niya napigilan ang pagtawa. Reichens jaw dropped. Napalitan ng takot ang ekspresyon nito. Nagulat na lamang siya ng bigla itong tumalon palayo sa kama. Lumayas ka sa katawan ng asawa ko! What? Hon, ako to! bumangon siya at lumapit rito. Sinapo nito ang pisngi niya at tinitigan siyang mabuti. Ikaw ba talaga yan? Akala ko may sumapi sayong isa sa mga multo sa Haunted House. Hon naman, wag ka naman kasing ganun. You almost freak the hell out of me. She hugged him. Sorry, hon. Gusto lang naman kitang tingnan eh. Inilayo siya nito. N-naglilihi ka na? Are you pregnant? His eyes widened. Ha? Hon, hindi pa. Ang gwapo mo lang kaya gusto kitang tingnan. Bumagsak ang mga balikat nito. He looked disappointed. Dont worry, hon. Well get there soon. Hindi pa lang siguro sa ngayon. She gave him a peck on the lips. He sighed and smiled afterwards. I know, hon. Maghihintay tayo and he hugged her tight.
Posted on: Sun, 03 Nov 2013 13:26:28 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015