Kainumang bebot sinapak sa ‘joke’ (Cherk Almadin) Pumutok - TopicsExpress



          

Kainumang bebot sinapak sa ‘joke’ (Cherk Almadin) Pumutok ang kilay at nguso ng isang babae nang walang habas siyang pagsasapakin ng kainumang lalake matapos niya itong biruin sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Kinailangan pang tahiin ang kilay at nguso ng biktimang si Richelle Anne Batigos, 20, service crew, at taga-Bgy. 179, Amparo ng nasabing lungsod dahil sa malalaking sugat na sanhi ng pagkakaputok ng kilay at nguso mula sa pananapak ni Marvin Casas, 18, ng Capitol Park Homes. Saimbestigasyonng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police Sub-Station 4 partikular na ni PO3 CatherineRame,ganap umanong alas-4:30 ng madaling-arawhabangnasa kasadsaran ng kanilang tagayan ang biktima at ang suspek at ilan pa nilang kaibigan nang maglabas ng sama ng loob ang suspek sa isa nilang kainuman na si Alfred tungkol sa problema nila ng kanyang nobya. Lingid sa kaalaman ng suspek ay nakikiusyoso pala ang biktima at walang anu-ano ay biniro siya nito ng “Wala ka pala Vin eh, hindi ka na mahal nu’n! may ibang syota na ‘yun, maniwala ka sa akin, babae rin ako! O kaya siguro maliit lang ‘yan!” dahilan upang magpanting ang te­nga ng suspek at sugurin ang biktima at pinagsasapak niya ito na saka lamang tumigil nang maawat ng iba nilang kainuman. Mataposangpangyayari ay mabilis na umalis ang biktima at dumiretso sa kanilang barangay na sila ring kasama ng biktima na nagtungo sa pinakamalapitnapagamutan. abante.ph/issue/sep0713/crimes04.htm
Posted on: Fri, 06 Sep 2013 20:00:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015