Kalaguyo ni misis kinatay ni mister Ni Joy Cantos (Pilipino Star - TopicsExpress



          

Kalaguyo ni misis kinatay ni mister Ni Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 28, 2013 MANILA, Philippines - Umabot sa sukdulan ang galit ng mister matapos nitong pagtatagain hanggang sa mapatay ang lalaking umano’y kalaguyo ng kaniyang misis sa Barangay Calamba, Cabadbaran City sa Agusan del Norte kamakalawa ng umaga. Sa ulat ni P/Supt. Martin Gamba na nakarating sa Camp Crame, bandang alas- 6:45 ng umaga ng matagpuan ang bangkay ng 28-anyos na biktimang si Andy Lopez Ortega na nagtamo ng anim na malalalim na taga sa katawan. “Cabadbaran City Police is now looking on the angle of love triangle on the killing, a crime of passion of which the jealousy was considered motive of the incident,” pahayag ng opisyal Samantala, pinaghaha­nap naman ang suspek na si Marcelino Blanco at pamangkin nitong si Edilberto Calderon na sinasabing kasabwat nito sa krimen. Lumilitaw sa imbestigasyon na nadiskubre ng suspek ang pakikipagrelasyon ng kaniyang misis na si Perla Blanco sa nasabing biktima. Napag-alamang nakipag-inuman muna ang biktima noong Miyerkules ng gabi at nang malasing ay nagpaalam para umuwi kung saan sinasabing inabangan ito ng magtiyuhin sa daan saka pinaslang. Ayon pa sa pulisya, ang suspek ay natukoy na responsable sa krimen base s­a mga text messages nito sa cell phone ng biktima na narekober sa crime scene. Patuloy naman ang pa­ngangalap ng ebidensya at testimonya ng pulisya sa mga testigo para makatulong sa kaso. Ate sam
Posted on: Sat, 28 Sep 2013 05:00:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015