Kapuwa dumalo sina Daniel Padilla at Andrea Torres sa launch cum - TopicsExpress



          

Kapuwa dumalo sina Daniel Padilla at Andrea Torres sa launch cum presscon ng Yes! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars for 2013. Fan ni Daniel si Andrea at ewan kung nagpa-picture-taking si Andrea kay Daniel after ng event. Nagkanya-kanya na kasing kodakan at interbyu ang media sa mga naroong artista. Noong nagkasama sina Daniel at Max Collins sa isang show sa Cebu, nagpahingi si Andrea kay Max ng fan sign kay Daniel. Anyway, si Max ang bagong karakter sa “With A Smile” na ani Andrea, natutuwa siya dahil magkasama sila ng friend niya. Pagseselosan niya si Max dahil mai-involve ito kay Mikael Daez na secretly in love with him si Andrea . Crush Hindi nakadalo si Carla Abellana sa launch cum presscon ng Yes! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars for 2013. Nasa taping siya ng “My Husband’s Lover” at hindi siya pinayagan. Pero ang co-stars niyang sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez at Pancho Magno ay pinayagan. Unfair? Nag-iisang pumasok si Ricky Davao sa The Idol category sa Yes! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars for 2013 na inamin sa launch cum press con nito na crush niya si Carla Abellana. Anang actor-director, gandang-ganda siya kay Carla na nakatrabaho niya sa “Makapiling Kang Muli” with Richard Gutierrez and Sarah Lahbati. Si Davao ang director ng MKM. “As an actress, napabilib ako ni Carla. Magaling siya,”ani Ricky. Agree kami . Ang laki ng improvement ni Carla. Sa isang eksena niya sa “My Husband’s Lover” kung saan inamin ni Tom Rodriguez (Vincent) na mahal na mahal niya si Eric (Dennis Trillo), shining moment talaga ‘yun ni Carla. Walang dialogue at facial expressions lang with matching tears ang acting ni Carla. Pero ramdam na ramdam ang sakit ng kalooban niya. Winner si Carla sa eksenang ‘yun na hindi siya hysterical. Lilipat? Mag-e-expire next month ang kontrata ni Marian Rivera sa GMA Network. Balitang diumano, may offer ang TV5 na multi-million contract kay Marian.Nabalita pang nakipag-dinner ang Kapuso Actress kay Manny Pangilinan , big boss ng Kapatid Network. May pahayag si Marian na hindi lahat ng gagawin niya ay kailangang ipagpaalam niya sa GMA. May mga bagay-bagay lang daw silang pinag-usapan sa dinner nila ni Mr. Pangilinan sa mismong bahay nito. Ayon pa kay Marian, as long as happy siya sa GMA na inaalagaan siyang mabuti at nakikita at nararamdaman niya na talagang mahal siya, walang dahilan para umalis siya
Posted on: Sat, 10 Aug 2013 06:32:46 +0000

Trending Topics



b>
i just read a post where someone was very overwhelmed trying to
As Nigeria security challenges persist unabated, the Federal
Come and see what the Lord has done the desolations he has brought
“$8.5 TRILLION In Taxpayer Money Doled Out By Congress To The
Phone scammers target Fakenham residents Police are

Recently Viewed Topics




© 2015