Karamihan ng mga misis ng mga nasa Telecoms Industry dito, - TopicsExpress



          

Karamihan ng mga misis ng mga nasa Telecoms Industry dito, nireregaluhan ng mister o nagbibilang ng mga mamahaling alahas, gadgets, branded bags, signature items at travel to tourist destinations. Iyong tulad ko na nagsilbi sa asawa ng matagal na panahon (15 years), naghomeschool ng mga anak ng 4 na taon, tumahimik at hindi sumagot sa mga nakikialam na mga kamag-anak sa matagal na panahon, binuhos ang oras sa pamilya, at marami pang iba; ang regalo sa akin ay silent treatment, paninira, walang appreciation, masasakit na sila, at pagbibintang sa akin ng mga bagay na hindi ko ginawa. Kaya ko mabuhay ng simple at walang mga gadgets at kung anu-ano pa. Ang mahirap kayanin ay iyong may kasama ka sa bahay na may sakit pero in denial naman. Sakit na hindi nakikita ng iba at ako ang matagal na nagdusa sa kanya. - Louvelle Chua
Posted on: Sat, 17 Aug 2013 08:25:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015