Karugtong 9 Nang masabi ito biglang nawala ang tinig at nagliwanag - TopicsExpress



          

Karugtong 9 Nang masabi ito biglang nawala ang tinig at nagliwanag at kanilang nakita ang naka-ukit sa bato, dalawang bakas ng paa na may naka-ukit sa bawat paa ang titik na E at M. At nang unang makita ng ito ng unang Nunong babae siya ay nagtaka at nagwika:”Diyata mayroon pang mataas sa Akin, at sino kaya Siya? Sa nangyaring ito ginamit na nila ang lubos na kapangyarihan upang makita ito ngunit walang nangyari hindi rin nila nakita at ni nakilala ang nasabing tinig. Ang Birhen AMHUMAN ay nalungkot sa nangyaring ito. Isang araw nang itong Sanctisima Trinidad AMHUMAN HELGNAG HTMSPAG [Avelator Avetemit Avetillo] ay naguusap upang pasimulan ang paglikha. Sila ay nakatanaw sa malayong-malayo sa dakong kaitaasan, nang tatlong liwanag na nagniningning ang bumababa at patungo sa kanilang kinaroroonan . ang buong akala ng tatlo na sila lamang ang una at sila lamang ang Deus subalit nang makakita sila ng iba napagpatanto nila na mayroon pa palang iba na katulad nila. Nang malapit na ang nasabing liwanag sa kanila, tumapat ito sa bawat isa sa kanila at napagmasdan nila ang tatlong titik na S.T.M. [Sau Tum Mup/Sitimitis Tisimisit Misimisim] na nagniningning at naging tatlong bato na kanilang uupuan. Nang sila ay makaupo kanilang nakitang nakasulat sa bawat bato ang salitang ARDAM ARADAM ADRADAM [Sanctissimo Trinidad Deus ABBA, Deus Anak at Deus Espirito Sancto]. Ang mga pangalan ay dapat ilihim kundi sa yaong karapat-dapat lamang. Sa kanilang paguusap ay napagkaisahan nila na gawin at palitawin na ang lupa subalit gayon na lamng ang kanilang pagtataka at paggilalas nang makita ang pitong bakas na hindi nila lubos na malirip kung bakit nagkaroon ng gayon, gayong hindi pa sila lumilikha ng tao. Kaya’t sila nagpasiya na hanapin na kung kanino ang mga bakas na iyon. Sa kanilang paglalakad natagpuan nila ang nasabing pito. Ngunit nang kanila tanungin kung sino sila, ayaw nilang sabihin ang kanilang mga pangalan kundi sumagot na wala silang pakialam sa kanila at sila’y hindi nila nasasakupan at ang sabi pa nila: “Nang hindi pa iyan ang santinakpan gumawa na kami ng sarili naming tahanan sa litid ng mundo. Sa sagot na ito iniwan na ng tatlo sila upang bumalik sa kanilang upuan upang magpatuloy sa kanilang paglikha at paggawa. Napagpasiyahan ng tatlo na gawin ang liwanag na tatanglaw sa sansinukob. at sinimulan na nga ang paglikha sa araw. At nang mayari ang araw hindi nila ito mabigyan ng lubos na liwanag. Walang ano ano nakarinig sila ng tinig na nagsasabi na ang tanging makapagbibigay ng kailangan nila para sa araw ay ang matandang babae na kanilang nakita na nakatira sa litid ng lupa. Kung kaya inutusan ng Abba ang anak na tumungo sa matandang babae at hingin ang kanilang kailangan. Nang naglalakad na ang Deus Anak, biglang nagdilim sa kanyang daraanan at hindi malaman ang patutunguhan kaya siya’s napatigil. May tinig siyang narinig na nagsabi na ganito ang sasabihin upang magliwanag at makita ang kanyang daraanan: “Lihis Taguitac Sagranatac Paparonatac.” Nang ito ay masabi biglang nagliwanag ang daraanan hanggang sa siya’y umabot sa litid ng lupang tinatahanan ng matandang babae. Siya ay tumawag ngunit walang sumasagot bagama’t nararamdaman na may tao sa loob. Nang ayaw siyang pagbuksan at hindi niya makausap ang matandang babae siya ay bumalik sa Abba upang ipagbigay alam ang nangyari. Nang malaman ng Abba ang nangyari kanyang pinabalik ang Anak at nagbilin na pagdating niya sa pinto ng kuweba ganito ang kanyang sasabihin: “Credo dela Sanctissima Trinidad Birhen muy poderoso Sumitam Rey de los Erejes Tarta Sancta Emerenciana, Mibat Millarat Iesua Birhen Maria Isumo Benedictus Crusis. Oh Deus Imitam Imibuyos Deste allisum Seram Calabariam Apokalipsis Hoc Est Enim Corpuz Meum, Et incarnates et de Espirito Sancto, Natus ex Maria Virhene, et Homo Factus est et Crucifixius; Sancta Emerenciana, Sanctu Estolano, Sanctu Algamo, Sanctu Mitam, Sanctu Solamitam, Sanctu Icam, Sanctu Demikallote, Sanctu Demillorus, Sanctu Seram, Sanctu Balambam, Sanctu Obalam, Sanctu Guntillam, Mujer Angelitam Sngatam Sancto Macob Sancto Marob, Sancto Yubuob Sancto Lib Sancto Baclorum, Iesua Sancto Sancto Baclorum.” Nang dumating ang Deus Anak sa pinto ngkuweba, tumawag sa matandang babae . at nang ayaw siyang pagbuksan sinunod ang bilin ng Abba. At nang kanyang matapos ang nasabing Kredo, biglang nagbukas ang pinto at lumabas ang matandang babae. sinabi ng Deus anak ang kanyang sadya at ipinagkaloob naman ng matanda ang kanyang hinihingi. Dumukot ang matandang babae sa kanyang sukbitan at isang bubog na nagniningning ang iniabot sa Deus anak at nagbilin ng ganito,” Ikuskos mo ang bubog sa mukha ng araw upang ito ay mag-init, magliwanag at magningning.. At gayon nga ang ginawa ng Deus Anak at gayon nga ang nangyari. Sa ganitong kalagayan nang sila’y makarinig ng isang tinig na hindi nila mapagpasiyahan kung aknino. Kanilang sinundan ang tinig hanggang abutan at makita nila ay isang ulilang liwanag. Tinanong nila kung ano siya.ang sagot ay siya ay mata, at ito ay biglang lumagpak sa kanilang harapan ang isang mata na may pakpak. Nang kanilang dadamputin ito biglang lumipad ito at kanilang hinmabol hanggang umabot sa dagat. Ang matang tumilamsik ay biglang nabasag at naging tatlong piraso at pagkatapos naging tatlong isda at sa kanilang katawan ay nakasulat sa bawat isa ang salitang; ARAM ACDAM ACSADAM. Nang sundan ng Deus na Tatluhan ang 3 isda bigla itong lumubog at nawala, at naging 3 batong batonbg lumubog sa karagatan. Sinmusundan din ng Deus na Tatluhan at hindi hiniwalyan hanggang sa kaibuturan ng dagat. Nang sila’y sumapit sa lugar na iyon nakakita sila ng malaking bato at sa libis ng nasabing bato ay may isang matanda na naglalakad at kanilang sinundan ito. Namalas nila ang matanda na naglalakad sa libis ng bato ARA. Nangusap ang Deus Abba; SANCTUS DEUS, sumagot ang Deus Anak; Sanctus Fortis, nagsulit ang Deus Espirito Sancto, SANCTUS IMMORTALIS, ngunit may tinig na sumagot; MISESERE NOBIS. Kapagdaka ang tatlo ay lumingon sa tinig na nagbadya, “Aba tayo pala’y may kasama pa.” Halina at ating hanapin subalit nang kanilang masumpungan at matagpuan ang matanda ay pumasok sa bato kapag kuwwan. Walang pinto daanan itong batong pinasukan. ang bato saan mang tingnan ay buo at parang hininang. nang ang langit ay masarhan sa Nunong pinasukan sa Deus Tatluhan mahal ay walang makabukas kahit sino man. Ito ang binigkas ng Nuno upang ito ay mabuksan: Limbor Calicatab Sancto Tita et Llavis Sarac.” Ito ang ibubukas mo sa pinto ng Paraiso sa tabi ng Getsemani kung ang pinto ay sarado: Aram Manlapac Manggasac Calinaboc Mortalitatem Saloctil Alicatab Calarcar Catarcar SAncto Pater Trinitiyo. Ito ang ibublong mo ng talong beses sa pinto: Rituit Aritdit Laruit Layarit Lambicub Laricub calicub. Nang hindi makapasok ang Banal na Tatluhan [Sanctissimo Trinidad] sa batong pinasukan ng Nuno at ito ay masarhan, sila ay kaagad na umakyat, tumuntong sa alpaap at sila ay ng-usap. At kanilang sinasambit yaong wika matatamis: “Sanctus Deus, Sanctus Fortis, Sanctus Immortalis”, sumagot ang tinig na nagwika, “Misesere Nobis.” At ito’y pinaghanap na pilit. Inutusan ng Abba ang Anak na hanapin pilit. Sa kanilang paguusap biglang lumitaw ang liwanag sa ulunan ng Banal na Tatluhan at yaon ay ang ika-apat. agad pinahabol ng Deus Abba sa Deus Anak ngunit hindi inabot at hindi nakita. Sa kanilang paghahabulan ang matanda nang abutan ay doon sa bato OMO ang matanda ay pumasok. Yaong batong pinasukan ay walang pintong dinaanan, ang bato’y saan man tingnan ay buo at parang hininang. Nang ang bato ay masarhan sa matandang pinasukan walang makabukas sinoman…Poon kundi ikaw po lamang. Sabi ng Deus Anak na Mahal, “ngayon kita ay bibinyagan.” ang matanda ay tumugon at ganito ang sinaysay: “Beneficat Dominus Angelis Encielis Deus Consumatum Est Herusalem Deus Meus Spirito Sancto Salvame Christi.” Ang tugon naman ng Deus Anak: Insilis Dominus Non Solo Deus Verbo Beneficatis in Dignum Christum Sanctorum Manibulos Salvame.”Ang sagot naman ng nasa loob ng bato: “Benedictus Tuis Christo Consumatum Mis In Deum Indignum Christus Cristus Deus Meus In Dignum Cristum Egfosum.” Ganyan angsagot ng Nuno sa Apo, nang siya ay nasa loob ng bato, katawan ay malata parang nanglulumo, sa pagkaka-upo sa bato OMO. Ang Nuno ay ayaw pasakop kaya nagwika ang Deus anak: Egum Murmurab Moctulan Eboc Dinos.” Sumagot ang nasa loob, Santus Tui Illos Asaulus. Sumagot ang nasa labas: “Pater Noray Sancto Meam Sancto Leam Bihab Bisac Lampas Talarapas.” [Ang pinto iyong buksan.] Lambucanus. Yaong batong nasasarhan ay bumakas kapagdaka. Ang Nuno ay sa itaas nagdaan at hindi namalayan ng Deus Anak. Ganito naman ang binigkas ng Nuno sa bato upang bumukas at lumabas sa itaas: “Pater Sancto Acab Pater SAncto Hirvil Emugan Ponticipe Pilati Omo Uso Omo.” Nang ang Nuno ay lumabas sa bato ang kanyang tinungo ay ang masayang Paraiso. Sinundan karaka-raka, ng Banal na Tatluhan [Sanctissimo Trinidad] at doon nila nakita ang liwanag na kaaya-aya. Nang dumating ang Sanctissimo Trinidad sa pinto ng Paraiso natanaw nila ang maligayang liwanag na walang katulad at sa gitna ng nasabing liwanag naka-upo ang Infinito Dios sa kanyang trono. Nang namalayan ng Infinito Dios ang pakay ng Sanctissimo Trinidad na makalapit sa kanya upang siya ay binyagan agad sinabi ang ganito: “Cuiveritatis Verbum Egusom.” Sa sinabing ito ang Sanctissimo Trinidad ay napatigil at hindi nakatuloy. Kaya nagwika naman ang Deus Anak:”Oh makapangyarihan Milam haring tinatawag ng mga erejes, Ako’y naparito sa iyo upang ikaw ay aking binyagan. Nang marinig ng Infinito Dios ang sinabi ng Deus Anak. Sumagot siya ng ganito:”Hiparo Del Rapto Sigit Hiparo Sigit. Nang masabi ito biglang naparam sa kanilang mga mata ang maligayang liwanag, sampu na ang Infinito Dios ay hindi nila nakita kaya muling nagwika ang Deus Anak: Oh makapangyarihan Milam haring pinopoon at at Dios ng Walang Hanggan ng mga erejes, ako ang ikalawang Deus na naparito sa iyo upang ikaw ay aking binyagan. Nang marinig ito ng Infinito Dios bigla siyang tumindig sa kanyang pagka-upo sa luklukang tronoat habang siya’y naglalakad siya ay nagsasalita ng ganito: Sarjas Guimpas Batal Ratal Macaguimpas Suplent Salvator.” Naramdaman ng Sanctissimo Trinidad na lumalabas ang Infinito Dios ngunit hindi nila ito nakikita kundi naririnig lang nila ang mga yabag ng mga paa at sila ay natigilan at hindi kaagad nakasunod. At nang kanilang masundan, naabot na ang Infinito Dios sa Bundok ng Boor. At nang sila ay sumapit sa nasabing bundok, nabasa nila na nakasulat sa mga dahon ng punongkahoy ang dalawang titik na L.M. at ang Infinito Dios ay nakapasok na sa loob ng bundok. Kapagdaka nagsalita na muli ang Deus Anak: Oh makapangyarihan Milam hari ng mga erejes, ako ang si abang Pascual na naparito sa iyo upang ikaw ay aking binyagan. Sumagot ang Infinito Dios: “Maigsac Eigmac.” Sa katagan ito nalinlang ang paningin ng Deus Anak at hindi niya makita ang Infinito Dios gayong nasa tabi lamang niya. Kaya nagwika ang Deus Anak ng ganito: Hogare Hughum. Sa winikang ito ang Infinito Dios ay nagpasuling-suling at hindi malaman ang kanyang patutunguhan. Ngunit hindi siya hiniwalayan ng Deus Anak at siya’y sinusunda at pinakikiusapan na pabinyag upang maging binyagan. Maraming bagay ang ipinangako ng Deus Anak sa lupa at sa langit man kung tatanggapin niya na siya ay pabinyag. Nang maramdaman ng Infinito Dios ang nangyayari sa kanya, bigla siyang nagwika: “Cuiveritatis Bulhum.” Nang ito’y masabi hindi makapangusap ang Deus Anak, kung kaya ang Deus Abba ay nag-utos na bigla namang nagwika: “Procultus Bohob.” Nang ito ay mawika ang Infinito Dios ay hindi makakilos, kaya nagwika naman siya ng : Supnerit Hulhum Malamuroc Milam,” at siya ay nakagalaw aqt biglang sinungagaban niya ang isang batong sillar na ang bigat ay may isang daan at limampong arroba at nasa’y ipapalo sa Deus Anak, kaya bigla siyang nagwika: “Igsac!” At ang dalawang kamay ng Infinito Dios ay hindi makagalaw, at isinunod ang,”Igmac” at biglang nabitiwan ang hawak na bato at sinundan pa ito ng: “Igot Hum.” at biglang nalugmok ang Infinito Dios sa tinutungtungan bato ng ilang sandali. Ngunit ang ginawa ng Deus Anak ay ibinalik ang pangungusap at pinagsaulian ng malay ang Infinito Dios.Sa pangyayaring ito sa kanya bigla niyang sinambit ang kanyang pangalan Lamuroc Milam na kanyang isinigaw ng ubos lakas na kagulat-gulat at biglang nagdilim ang santinakpan at lumindol ng malakas. Subalit nang makita ng Mahal na Birhen i[E.M.] to biglang sinambit ang “ Magsias Bolhum.” at biglang huminto ang lindol, napawi ang dilim at biglang nagliwanag.At ang Deus Anak naman ay biglang nagwika:”Pactenit Egolhum.” Nang masabi ito ang Infinito Dios ay biglang lumubog sa tinutungtungan bato at hindi makakilos na parang na-engkanto. At inisip ng Deus Anak na ilagay ang bundok ng Boor sa gitna ng dagat na parang nakabitin, ngunit nagsalita naman ang Mahal na Birhen [E.M.] ng ganito: EDEUS GEDEUS DEDEUS DEUS DEUS DEUS EGOSUM GAVINIT DEUS.” at hindi natuloy ang iniisip ng Deus Anak kundi pinakiusapan muli ang Infinito Dios at nagwika: Elim – katawang pag-Dios, Ene Manum – baras ng pagka-hustisya, Ako ay paparito sa iyo – Exias – ikaw ay pabinyag. Esui Esuperatis Exianibus – Sa pangalan ng Abba, anak at Espirito Sancto, sumangayon ka sa akin. Ang sagot ng nasa loob ng bato: Nuccium – hindi ako papayag. Huccicim – walang mangyayari. Naupatris – Sino ang iyong Abba. Hucsium – sino kang naparito at sino ang nag-utos sa iyo. Natus – Ako ang Abba na iyong tinuran. Hucciani – ako ang unang lumitaw. Nucam Dei – Isang Dios na naghahawak at dapat pagkunan ng kapangyarihan. Ang sabi ng Deus Anak: Etsac Ecatum Manum Dei – ako ang anak ng Deus na dapat sundin. Enpuro Mecationem – hari ng langit at lupa. In Dei – Deus ng walang katapusan na ka-uuwian ng lahat ng bagay, wala kundi ako, ako at ang Abba ko lamang ang dapat magbinyag sa iyo, upang mapasok ka sa aking bakuran. Ang sagot ng nasa loob ng bato: Sericam – hindi ka dapat makialam. Seriorum – sa hindi pumapasok. Surtis Surtis- sa lumalabas sa iyong bakuran. Miccioney – ako ang Dios na dapat sundin. Cecatum – ikaw ang bibinyag. Huc Dei – ako ang siyang marapat. Ang wika ng Deus anak: Enatac Exantium Morum – ikaw ang Abba ng hindi binyagan, hindi ka dapat mapasok sa pinto ng kalangitan. Entio Gentile Mea Ti Mea – kung hindi ka papayag na sa akin ay pabinyag. Corporemente Lesticatum – hindi ka masasakop ng aking katawan at kapangyarihan, ako ang nagtatangan ng ilaw at kalangitan. Ang sagot ng Infinito Dios: Luxim – Ako ang ilaw; Murim – ng kalangitan, Murani – magbubukas at bubuksan, Monas – ng kapangyarihan, Mona Monim – na naghahawak ng lahat ng bagay. Ang sagot ng Deus anak: Exiam Miram – ikaw ay pabinyag sa pangalang iyan at sino mang tumawag ay hindi dadanas ng ano mang hirap sa kanilang buhay, Rex Mirano – tatawagin kang ikalawa ng aking katawan, Enerium Matam – sa pangalan ng aking Abba, Enricam Mitam – sa pangalan ng Espirito Sancto, Ensutio Micam –sa kapangyarihan ng Sanctissima Trinidad, ang siya kong ibibinyag sa iyong katawan, sa langit, sa Dios na mula at walang hanggan, na walang katawan pagka-Dios. Ang sagot ng nasa loob ng bato: Uniem – ako ang Sanctissima Trinidad, Unanum – lumabas at nilabasan, Cananum – na nagbibigay ng kapangyarihan, Batum – Dios na hindi matarok, Urcatum – isang Dios na tunay, at kayo ang Bait, ang Loob at Alaala, Pacsibit Corpore Trinitatis Sicut Deus – ganyan ang sinabi ng Nuno bilang pagsang-ayon sa hanggad ngapo, Lutme Los Salvator et Confunde Hoc Sutam Trinitatis Tui et Sancti Evae Li – Ako’y pabibinyag sa kapangyarihan ko at sariling lakas, ngayon ako ay papayag, sundin mo yaring pangugusap: Lutme – walang mahuhulog, Esmatibal – walang kahirapan, Salutis Gentelise Micam – ni dilim walang dadaan, sabog ang impierno, ang limbo ay waray, mabuksan ang langit ako ay dadaan. Esnasoc – aking isusuot, Esnavat – daliri ko sa labas, Evevat – ako’y pabibinyag, sa pangalan ko rin doon magbubuhat, Macmamitam Maempomaem - Ako’y isang Dios sa Abba, sa anak, sa dunong, kapangyarihan at lakas, tatawaging Dios ng Tatlong Personas. Ang sabi g Deus Anak: Ego Te Baptise Macmamitam Maempomaem in Nomine Patris et Fili et Spiritus Sancti, Ego Sum Deus Turbatus. Nang ito ay masabi ng Deus Anak biglang nagwika ang Infinito Dios: Subtihoy Midad Insalidad Quilimidad – sa winikang ito nawalang bigla ang tatlo, lumubog, umalis ang tatlo, mundo’y nahawi sampu ng bato, humarap ang tatlo Abba, Anak, Spirito Sancto, - Nuliam Sancto Sancto Sancto Macmamitam Maempomaem, Senior delos Ejercitos at Gloria ng Pitong mundo. A.V. [Acciper Versamam Virmir Rexnuv] – Haring walang pinagmulan, at hari ng punong pinagmulan, at hari ng hari ng lahat ng hari: Feisum Eisum Ceisum Fecsum Tri-Enicim Tricnisium Hurriccium Furim Fericcium Huccium. Bago umakyat sa langit ang Tatlo, ay nag-iwan muna ng dalawang salita na dili’t iba ang kanyang lihim na pangalan na M.M. Ito ang iniwan kong pangalan sa lupa noong ako’y ma-engkanto sa bundok ng Boor. At nang umakyat sa langit ang tatlo ay itinuro ng Deus Abba sa Deus Anak ang pangalan ng Infinito Dios na nakasulat sa sikat ng araw at doon sa ibabaw ng sinag ay nakasulat ang : Pax Tibi Domine Deus Norum Deus Noram Deus Nocam Deus Meoruam Nang makabalik na sa kanyang trono ang Infinito Dios AMHUMAM at kasama na niya ang iba [7] habang sila ay naguusap naalaala ng Infinito Deus ang tinig ng hindi nila makita: “Yumo Comsum Yulis Evae Rebolisac Huc Hantim Lisim Petal Niutam Mosum Nuicum Natum Oc Nata Natam Rejim Berbarhantim Ygsum.” Siya ay nalungkot,ngunit siya’y nilapitan ng anim niyang kasama at binati ng ganito: Oh Sancta Trinitas DeLos Virgenes Elim Adoc De Todos Hereges, Enim et Sanctus et Sancti.” Nang ito ay matapos may tinig na nagsalita: “Num Mur Sac Caac Ac Habaac Quilim Hicci.” Nang ito ay masabi napawi ang kalungkutan ng unang Nunong Babae, at saka umulit ang tinig: “Latos Micsim Recum Arem Lates Lum Iccis Benedictte Vemul Ad Ehicte Amav Sancte Mini Mihi Anime Sancte Abit Hicce.” Nang masabi ito ng tinig, mahimbing na nakatulog silang lahat. Umulit ang Tinig: “Asaem, Oeteo, Misci Miti Mitim et Asem Abio.” Nang ito ay masabi dumating ang mga anghel na may dala-dalang tig-isang korona na ipinutong sa bawat ulo ng pitong Birhen, at sa korona ng unang Birhen Amhuman may sagisag pa at may matang nakalangkap: H.A.H. iyan ang sagisag na nakasulat sa korona . Nang siya’y putungan nagsalita ang tinig:”Kadbahc, Kaumahc, Kaurahc. Nang magising ang pitong Birhen, lahat sila ay nagtaka kung bakit silang lahat ay may tig-iisang korona. Sila ay pinapag Orasyon ng ganito: Surisitim Dab Golo Mentum Hisim Memento Pui Ratam Pater Est Aria.” Nang ito ay masabi biglang sumikat ang kahanga-hangang LIWANAG na may pitong rayos o silahis na pumutong sa ulo ng bawat isa sa 7 Birhen. Narito ang mga titik: A.T.A.R.D.A.R. Ang sabi ng tinig ay ganito: “Ang sino man makakaalam ng pangalan Kong iyan at kung sasampalatayaan, patay man o buhay, ay hindi Ko hahatulan..” Ano ang ibig sabihin ng pagbinyag? Iyan ay ang pagsasakop ng Liwanag ng kaitaasan sa Infinito Dios Amhumam. Ang nabinyagan lang Deus anak ay ang Daliri ng Infinito Dios kung kaya ito ay sinundan ng pagpuputong ng korona sa bawat isa kanilang pito ng Dakilang Mahal na Birhen E.M.
Posted on: Thu, 05 Sep 2013 05:23:27 +0000

Trending Topics



left:0px; min-height:30px;"> Pip pip, cheerio! #Dolphins (1-2) vs. #Raiders (0-3) #MIAvsOAK, 7

Recently Viewed Topics




© 2015