Kung Bakit Mas Maagang Namamatay ang mga Lalaki “Ang buhay ng - TopicsExpress



          

Kung Bakit Mas Maagang Namamatay ang mga Lalaki “Ang buhay ng isang lalaki ay isang miserableng buhay: mas mabilis magkasakit at mas madaling namamatay ang mga lalaki.” Ito ang malungkot na paglalarawan ng mga tagapag-organisa ng kauna-unahang World Congress on Men’s Health, na idinaos sa Vienna, Austria. Nabigla sila, ang ulat ng pahayagang Aleman na Süddeutsche Zeitung, sa katotohanan na sa katamtaman, ang mga lalaki ay namamatay nang limang taóng mas maaga kaysa sa mga babae. Bakit mas maagang namamatay ang mga lalaki? Ang isang dahilan ay malamang na mas malakas silang manigarilyo o uminom. Ang labis na pagkain at kawalan ng ehersisyo ay iba pang pangunahing mapanganib na salik—70 porsiyento ng mga lalaking nasa katanghaliang gulang ang sinasabing sobra sa timbang. Isa pa, marami ang dumaranas ng kaigtingan sa pagsisikap na pagtimbangin ang trabaho at pamilya. At ang mga lalaki ay bihirang magpatingin sa doktor kapag sila ay may sakit o maghanap man lamang ng paraan sa pangangalaga ng kalusugan para makaiwas sa sakit. Bilang pagbubuod, sinabi ni Siegfried Meryn, isa sa mga nagsaayos ng pulong: “Sa medikal na paraan, ang kalalakihan ay nasa mas disbentahang kalagayan.” g02 7/22 p. 28-29
Posted on: Mon, 05 Aug 2013 09:56:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015