Kwentong Kababliwan LINGGO noon. Nakatakda ang araw na yon para - TopicsExpress



          

Kwentong Kababliwan LINGGO noon. Nakatakda ang araw na yon para sa date namin ng girlfiend kong si Maji. Pero tumawag sya sa kin at sinabing cancel muna ang date dahil sasamahan niya daw ang kanyang tita sa isang importanteng lakad. Sabi ko okay lang, naintindihan ko. Subalit dahil wala akong magawa sa bahay at talagang bored ako noon, ako na lang ang pumunta sa mall at nanood ng sine mag-isa. Libang na libang ako sa paggagala sa mall, di ko alam na iyon na pala ang katapusan ng mundo. Pagpasok ko sa entrada ng sinehan, nagulat ako sa nakita sa may snack bar. Si Maji! At may kasama siya--hindi ang kanyang tita--kundi isang lalaki. Nakaakbay pa ito sa kanya. Shocked ako pero ganunpaman, gusto kong ipaalam sa kanya na nandoon ako at nahuli ko siya. Pero di man lamang sya nagulat nang makita ako. Relaxed sya at nakangiti pang sinabi sa kin: Tapos na ang lahat sa atin. Ha? Di na ko nakapagsalita. Gusto kong magalit sa kanya. Gusto kong sapakin ang lalaki. Gusto kong umiyak. Pero kinimkim ko ang lahat ng aking naramdaman at sinabing Wala akong magagawa...basta kung saan ka masaya.. Tumalikod ako agad at pumasok sa loob ng sinehan. Doon ko ibinuhos ang lahat ng pinigilan kong lumabas sa aking mga mata. Komedi ang palabas at nagtatawanan ang mga tao sa paligid ko ngunit ako namay abala sa pagdadrama sa aking kinauupuan. Natapos ang pelikula na di ko naintindihan ang istorya. Wala ako sa sarili hanggang sa pag-uwi ko sa boarding house. Kinabukasan, nagdesisyon akong umuwi sa probinsiya namin upang makalimot. Mataas ang araw noon at mainit ang biyahe, pero wala pa ring tigil ang ulan at bagyo sa aking mga mata. Mabigat pa sa aking mga bagahe ang dinadala ko sa aking dibdib. Kahit na wala pa kaming isang taon ni Maji, masakit pa rin sa kin ang nangyari dahil mahal ko talaga sya. Di pa man nakakalabas ng Maynila ang bus na aking sinasakyan, bigla kong naisip na bumaba. Wala nang silbi pang mabuhay kaya naisip kong magpakamatay na lang. Inakyat ko ang isang billboard ng GMA7 kung saan nakalarawan dito ang final 14 ng Starstruck. Dream, believe, survive. Kagaguhan! sabi ko. Tingnan ko lang kung makaka-survive pa ko pag tumalon ako mula rito... maliban na lang kung may pipigil. Pero wala ngang pumigil. Dahil walang nagmamalasakit. Walang nagmamahal. Tumalon ako. Aaaahhh...blag! Nabagok ang aking ulo sa gulong ng trak ng MMDA na sa mga oras na yon ay nagsasagawa ng wet flag scheme. Hindi naman ako namatay. Wala lang akong maalala pagbangon ko. Sino ako? Anong ginagawa ko rito? tanong ko sa sarili ko. Nagka-amnesia ako. Mula noon ay nagpalaboy-laboy ako sa lansangan. Sa ilalim ng overpass ako natutulog at dooy madalas na ka-jamming ko ang mga taong-grasa at mga rugby boys. Namalimos ako sa daan, papunas-punas ng mga sapatos ng pasahero ng jeep, o kayay humihingi ng love offering sa mga pasahero ng bus. Umasenso naman ako hanggang sa makapagtinda na ko ng fishball, squidball, at kwek-kwek. Kung anu-anong trabaho ang pinasukan ko para lang may maipanlaman sa kumukulo kong tiyan. Nagbenta rin ako ng mga pirated na CD, VCD, at DVD. Pero di pa rin sapat ang kinikita ko sa pagbebenta ng mga produkto kaya ibenenta ko na rin pati ang aking sariling laman. Nagpagamit ako sa kung sinu-sinong bakla at mga matrona. Kumita ako ng malaki. Subalit sadyang malupit sa akin ang tadhana dahil sa isang iglap ay nawala lahat ng aking pinaghirapan. Nadukot ang wallet ko nang makipagsiksikan ako sa libing ni FPJ. Nalungkot akong lubha at nawalan ng pag-asang makabangon pang muli. Nang biglang tumunog ang cellphone ko. May nag- text. Sabi sa message, ang Oracle daw ang tanging makapagbabalik sa aking alaala. Nag-reply ako: hu u? Pero di na sya nag-text back. Di ko alam kung saan ko hahanapin si Oracle. Nilibot ko ang kamaynilaan. Ipina-blotter sa pulis. Ngunit kahit anino ni Oracle o ni Madam Auring ay di ko nakita. Naisip kong baka wala sya sa siyudad kaya pumunta ako sa mga probinsiya. Nakarating ako sa kabundukan ng Quezon Province pero mga illegal loggers lang ang nadatnan ko. Nilisan ko ang lugar na yon at sa pagbaba ko ng bundok, nasalubong ko ang mga nagtatakbuhang... hobbits! -- sina Frodo, Samwise, Merry, Pippin, at si... Dagul yata ang pangalan ng isa. Hinahabol daw sila, hindi ng mga ringwraiths kundi mga.. battle droids ng Starwars! Huh?! Ano to?!! Nasan ba ako?!!! Sa sobrang lito ay nakitakbo na rin ako. Napakaraming kalaban. Libo-libong droids. Kakampi pa yata nila ang mga robot sa I, Robot. Mabuti na lang at dumating ang mga astig na superheroes: sina Superman, Batman, Spiderman, Daredevil, Blade, Van Helsing, Elektra, X-Men, Charlies Angels, Powerpuff Girls, the Incredibles, Voltes V, Mulawin, Capt. Barbell, Darna, Volta, Krystala, Lastikman, Panday, Andres Bonifacio...marami pang iba. Madaling natalo ang mga kalaban. Subalit... sugatan si Frodo. May tama siya. At may iniabot siya sa akin --isang singsing! May elvish inscriptions dito na sa tingin koy hindi kayang i- decode kahit ni Dan Brown. Pero bago pa man malagutan ng hininga si Frodo, nasabi niya sa akin ang kahulugan ng nakasulat: God will never leave you empty. He will replace everything you lost. If He asks you to put something down, its because He wants you to pick up something better and best for you. Inilagay ko ang singsing sa bulsa ng aking pantalon at nangakong iingatan ko iyon. Samantala, nagdiwang ang mga superheroes sa pagtatagumpay. Gumimik sila sa Libis at nag-inuman. Sasama sana ako pero sabi ko kailangan kong umuwi ng bahay dahil ending na ng Lovers in Paris. Pero naalala ko na may amnesia pala ako at di ko alam kung saan ako nakatira kaya sumama na rin ako. Habang nagdi-disco ang Justice League kasama ang Marvel superheroes, nagtugtugan at nagkantahan naman ang mga anime heroes. Panalo sa Japan! May ledge dancing pa sina Wonder Woman, Catwoman, Black Mamba, at Sailor Moon! Pero di rin kami nagtagal sa lugar na yon. May nagyaya kasi na pumunta sa Baywalk dahil may show daw doon ang The Bodies. Ang saya-saya! Idagdag mo na lang si Kuya Germs, kahit wala nang tulugan! Subalit naudlot ang kasayahang iyon nang biglang lumindol... at mula sa Manila Bay ay dumating ang isang dambuhalang... TSUNAMI!!! Swooossshhh!!! Naitaboy ang mga superheroes. Hindi nakayanan ng kanilang powers na pigilin ang dumating na sakuna. Mabilis na bumaha ang paligid at nalunod kaming lahat. Oo, pati sina Aquaman, Marina, at Nemo. Patay kaming lahat. Dumilim ang kapaligiran. Katahimikan. Gising! Gising! Isang tinig ng lalaki ang narinig ko. Pagdilat ko, nakita ko ang isang lalaki. May tiket na po ba kayo? San po kayo bababa? Huh?! nagulat ako. Kunduktor pala iyon ng bus. Panaginip lang pala ang lahat! Nasa bus pa pala ako at pauwi ng probinsiya. Sa Tarlac po, sabi ko sa kanya pero ang mga mata koy nakatitig sa kanyang t-shirt na may nakasulat na the Oracle. Parang narinig ko pa si Morpheus na bumubulong: Welcome to the real world... Buhay pa ako. May pamilya at mga kaibigang nagmamahal sa akin. May tirahang nauuwian, may magandang hanapbuhay, at... virgin pa ko! Habang nasa biyahe, naisip ko, napakababaw na dahilan pala ang iwan ka ng boyfriend o girlfriend mo para magpakamatay ka. I have to stand up and move on. Lalaki ako at di dapat ako maging mahina. Di dapat ako maging tanga para sa isang gaga at walang kwentang babae. Naisip ko rin na mabuti na rin ang nangyari at nakilala ko nang maaga ang tunay niyang kulay bago pa man humaba ang relasyon namin. Hindi siya ang karapat-dapat sa akin. Nasa gate nako ng aming bahay nang may tumawag sa aking pangalan. Si Rizi, kababata ko, kapitbahay namin. Sabi niya umalis daw ang lahat ng tao sa bahay namin at iniwan sa kanya ang susi. Nang abutin ko ang susi sa kanya, doon ko lang sya nakaharap nang malapitan at doon ko rin lang napansin na maganda pala siya. Matapos akong magpasalamat ay sinuklian nya ko ng isang matamis na ngiti. (Cue: new Coca-cola theme song) Pagpasok sa bahay, diretso agad ako sa banyo upang makapaghilamos. Maginaw sa loob ng banyo at malamig ang tubig. Pero may naramdaman akong mainit na bagay sa bulsa ng aking pantalon. Dinukot ko ito at nakita ko ang isang... singsing. THE END - boy bastos
Posted on: Fri, 22 Nov 2013 23:06:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015