LAYF Kagabi nagkamuta ang mata ko sa kababasa ng mga text - TopicsExpress



          

LAYF Kagabi nagkamuta ang mata ko sa kababasa ng mga text messages sa cellphone ko. Mga PM ng mga dati kong ka-tropa. Mga nagyayayang mag-selebreyt ng kani-kanilang despidida. Alam nila kasi ang prinsipiyo kong pers kam pers serb policy. Kaya kung sabay-sabay ang selebrasyon sa eksaktong oras at araw ay ikinalulungkot ko ngunit dun ako sa mas sosyal na party pupunta. (joke!) Syempre, pupuntahan ko kayong lahat, kayo pa. Kahit pigain pa ng jowa ko ang betlog ko, pupunta ako. Naks! Yung iba pupunta ng Estados Unidos, Canada at kung saan-saan pa. Ikinagagalak ko ang pagbabago ng mga layf nyo. Kung saan man lupalop kayo ng mundo mapadpad, mag-ingat kayo dun at nawa’y pagpalain. At pag nakarating kayo dun ay wag nyo sanang kalimutan na medium ang sukat ng damit ko, 28 ang waist line at 42 ang kasyang sapatos sa aking mga paa. Wag na kayong mag-alala sa brip, medyas at panyo, ako na ang bahala doon. Mainam siguro kung sasamahan nyo na din ng Taster’s Choice na kape, spam at imported na delata at tsokolate. Sawa na kasi ako sa mga Nescafe, Ligo, 555, at chocnut. Bihira kasi talaga akong makatikim ng mga lasang isteytsayd. Abuso naman kung dagdagan nyo pa ng dolyar na nakaipit sa mga singit-singit ng padala niyo. Pero kung marami talaga kayong sobra, tumatanggap din naman ako thru Western Union at ATM. Parang kelan lang, kalaro ko pa kayo ng bilyar sa kanto. Na madalas laging ako ang sentro ng kantiyawan ng barkada. Paano naman kasi di marunong pumektos. Ang alam lang yatang pektusan ay si pareng Purog na taga-hilot ng tropa. Kung ibang bersyon ng larong bilyar, siguro naman hindi niyo na ako kayang talunin. Magaling ako sa mga tumbukan at takohan. Pati sa pagtira-tira ay magaling ako. Sargo kung sargo. Kahit na nakatuwad at nakaliyad kaya kong ipasok ang dapat ipasok. Naman. Ganyan talaga ang buhay, minsan may suwerte, may malas (opinion ko lang, wag ng makialam). Parang layf lang, nyetah, wala na namang kwenta... Wateber!
Posted on: Sun, 17 Nov 2013 21:41:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015