LIFE CHANGING EVENT SA CAMPING (1) By: boypogi-KSP Summer ng 2nd - TopicsExpress



          

LIFE CHANGING EVENT SA CAMPING (1) By: boypogi-KSP Summer ng 2nd year HS, Pre Board of Review for Eagle Scouts sa isang kilalang bundok dito sa Region IV. Kilala ang bundok na ito dahil narito ang National Training Center ng BSP at pati na ang Asia pacific Region. Hindi ako masyadong interested sumama una dahil sayang ang summer vacation we were planning to go to Baguio at isa pa naiinip na rin ako sa mga activities dagdag pa na hindi kasama mga barkada ko. But like I said before e Board of Review for Eagle Scouts kaya kailangan ko para sa Extra-Curricular Activities na halos dun na rin nagkakatalo honors sa amin kasi kung academics naman e di na rin nagkakalayo grades namin. Dagdag pa dito ang pangungulit ni Daddy na kelangan sundan ko pagiging Eagle Scout niya since babae mga kapatid ko at hindi naman pinapayagan mag Eagle Scout mga babae kahit pa nga dito sa amin ay pinayagan na rin mag join mga babae sa Boy Scouting. Hindi rin ako yung tipo na mahilig sa mga outdoor activities mas mahilig pa ako sa mga computer games. Kaya aaminin ko kokonti rin alam ko sa scouting activities. Hmm..as expected camping na nga.. Mga 10 am dumating kami sa campsite kasi medyo malayo rin pinanggalingan namin although 7 am call time namin sa school. As instructed by our scoutmaster tent pitching agad pagdating parang automatic na pagbaba ng sasakyan yun agad gagawin. Si Sir naman pumunta sa Staff Quarter para magregister. Magulo kami although na practis na namin ilang beses yun sa school nagkaloko-loko pati mga poles ng tent nagkapalit-palit, hindi rin namin nagawa agad yung kitchen kasi yung ibang rope nagkabuhol-buhol dahil yata sa excitement. To sum it all, past 12 na kami natapos ng pagtatayo ng tent. Ok na sana dahil nagawa namin according to lay out na hawak nung isang senior scout. But the problem is, at this hour wala pa kami naluluto pagkain. Dali-dali kami nag prepare ng pagkain, dumating na rin si Sir at medyo badtrip dahil wala ni isa sa amin ang nakaisip na magluto habang yung iba ay may ginagawa. Hinayaan niya kami sa aming diskarte habang nanonood lamang sa amin. “That’s learning by experience, hope in similar situation ‘di na maulit ang ganito.” Walang makakibo sa amin kahit yung mga higher years. At last nakaluto na rin kami we prefered hot dog and eggs lutuin para mas mabilis but originally for breakfast namin yun the following day. Ngingiti-ngiti lang si Sir pero napapailing habang pinapanood kami. Hindi niya kami pinagalitan pero sapat na yun para matandaan namin yung aming pagkakamali, at naisip ko totoo ngang experience is the best teacher. Isa na yata ito sa pinakamasarap na tanghalian na natikman ko, kasi naman ay mag aalas dos na ng hapon, wala kaming meryenda. Sobrang init ng sikat ng araw dahil nga summer, pawis na pawis kami lahat. Pero masaya din naman at last nagawa pa rin namin. According to Sir JB 3pm assembly sa hall kasi may orientation kaya lang hindi na siya makakasama kasi babalik siya sa school at may klase rin siya sa umaga sa MA. Well alam na naman namin yun kaya hindi na kami nagtaka. “Sir pasalubong pagbalik ha!” yun ang halos sabay-sabay naming sinabi sa kanya na ngiti lang naman ang isinagot niya. Kilala naman namin siya na mabait at alam ko pagbalik niya may dala talaga siya, ilang beses na siya nagdadala ng pasalubong sa amin kapag my training kami sa school. During orientation, tahimik ang lahat, nakakatakot pala Course Leader namin. Nang marinig namin sa kanya ay yung madali siyang kausap. “ngayon pa lang kung pakiramdam ninyo ay hindi ninyo kaya, sabihin niyo na agad and make 5 steps backward, dahil pag nag umpisa ng mga activities hindi na pwedeng magback out.” Dagdag pa niya, “Susunod kayo sa anumang policy na meron ang camping na ito, Is that clear to everybody?” Hindi ako ang pinakaduwag sa amin, at alam ko may mga nagda dalawang isip na ako kung tutuloy pa dahil umpisa pa lamang ay alam na naming mahirap na activities ang naghihintay sa amin.
Posted on: Thu, 27 Jun 2013 11:13:29 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015