LOCAL NEWS: AMA IPINAKULONG NG 7-ANYOS “Natutulog po ako pinilit - TopicsExpress



          

LOCAL NEWS: AMA IPINAKULONG NG 7-ANYOS “Natutulog po ako pinilit akong inilabas ng bahay ni Papa ko tapos sinampal niya ako, tapos sinampal niya ulit ako sa mukha, tapos sinampal pa ulit, pinalo at pinagalitan niya po ako.” Bahagi ito ng salaysay ng pitong taong gulang na batang lalaking itinago sa pangalang Alvin na sinamahan ng kanyang inang si Lanie, 27-anyos, sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Mandaluyong Police Station, para ireklamo ang ginawang pananakit sa kanya ng amang si Eddie Cabugawen y Basilan, 29-anyos at naghahanapbuhay bilang isang vendor. Larawan sa mukha ni Alvin ang magkahalong takot at galit sa ama dahil sa pananakit nito sa kanya. Hindi rin maubos maisip ng bata kung bakit pilit pa siyang kinuha at inilabas ng kanyang ama para saktan lamang kahit nakahiga na sila ng kanyang ina para matulog na sana. Halos isang taon nang hiwalay ang ama’t ina ni Alvin dahil nagpasya ang kanya ina na layuan ang kinakasamang si Cabugawen na simula nang malulong sa droga ay madalas na siyang sinasaktan. Kasama ang kanilang limang anak ay umuwi si Lanie sa kanyang mga magulang na naninirahan sa Barangay Pleasant Hills, Mandaluyong City. Kamakalawa ng alas-10:30 ng gabi, biglang dumating sa bahay ng mga magulang ni Lanie ang dating kinakasama. “Natutulog na po kami ng aking mga anak ng may kumatok sa pintuan kaya binuksan ng Mama ko, at tuluy-tuloy na pumasok si Eddie at basta niya lang ginising at dinala sa labas ang anak ko,” kuwento ni Lanie kay Chief Inspector Milany Martirez, ang hepe ng WCPD. Hanggang sa narinig na lamang ni Lanie na umiiyak ng malakas ang anak na si Alvin at nang kanya itong tingnan ay nasaksihan habang kinalakadlad ni Cabugawen ang kanilang anak at sinasampal. Dahil dito ay hindi na nag-aksaya ng oras si Lanie na agad humingi ng saklolo sa kanilang barangay. Mabilis namang rumesponde ang mga tanod at inaresto si Cabugawen. Habang nasa himpilan ng pulisya ay inilabas na rin ni Lanie ang kanyang mga sama ng loob sa dating kinakasama. “Sa loob ng mahigit sampung taon naming pagsasama dati ay marami na ring beses na ako’y kanyang sinaktan, paulit-ulit na lang hanggang sa wala na akong nararamdaman sa kanya kundi galit at puro galit na lang dito sa dibdib ko kaya ako nakipaghiwalay at isinama ko ang mga anak ko, tapos ngayon anak ko na naman ang kanyang sasaktan,” pahayag ni Lanie sa panayam ng Abante TONITE. Sa harap ng kanyang mag-ina ay muli namang humingi ng kapatawaran sa kanyang mga ginawa si Cabugawen na aminadong gumagamit siya ng droga. “Patawarin niyo lang ako hindi na ako magdro-droga at hinding-hindi ko na rin kayo sasaktan, magbabago na ako,” nangingilid pa ang luha ni Cabugawen habang humihingi ng tawad sa kanyang mag-ina. Subalit tila naging manhid na ang kalooban ng batang si Alvin kahit na ano pa ang sabihin ng kanyang ama dahil sa kalupitang naranasan sa kamay nito. Walang lumabas na salita mula sa bibig ng musmos kundi umiling lang ito at humikbi at makikita ang galit na tingin sa kanyang ama. Kahit ang inang si Lanie ay hindi na rin nakuha sa pakiusap at paghingi ng tawad sa kanila ni Cabugawen. Sinabi ni Lanie na kahit anong gawing pag-iyak at paghingi ng tawad ng dati niyang kinakasama ay hindi na siya makikipagbalikan pa dito. “Mas gugustuhin ko na lang na nasa loob ka ng kulungan, baka may pag-asa pa na magbago ka,” ayon kay Lanie. Ayon kay PO2 Monette Langil, na siyang may hawak ng kaso, kakasuhan si Cabugawen ng physical injury na may kaugnayan sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. ~vittel`
Posted on: Sat, 06 Jul 2013 08:10:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015