LOCAL NEWS Aug.18,2013 GRO dinakma ng 2 Tsekwa “Binastos po - TopicsExpress



          

LOCAL NEWS Aug.18,2013 GRO dinakma ng 2 Tsekwa “Binastos po nila ako at sabay na dinakma ang suso ko.” Ito ang umiiyak na pahayag kahapon ng isang 18-anyos na Guest Relation Officer (GRO) matapos ipagharap ng reklamo ang dalawang Chinese national sa tanggapan ng Women’s and Children Protection Desk ng Pasay City Police kahapon ng madaling-araw. Kaagad namang na­aresto ang dalawang Chinese national na nakila­lang sina Andy Yang, 35, turista, at Sam Yang, 37, na ­pawang naninirahan sa Park Avenue Mansion, Park Avenue, Pasay City. Base sa pahayag ng biktimang si Rizza Marie Mercado, naninirahan sa No. 1518 Melcaldo St., Bgy. 117 Tondo, Manila, at GRO ng Kuyang Resto Bar, na matatagpuan sa Macapagal Boulevard ng nasabing lungsod kay PO2 Claudilyn Concepcion, tinawag umano siya ng kanyang floor ma­nager upang umupo sa table ng dalawang suspek na may kasama pang isa sa restobar. Habang nag-uusap sa sariling wika ang tatlong lalake, tinanong siya kung pwede siyang ilabas, su­balit sinagot niyang ipinagbabawal ito ng restobar. Laking gulat niya nang agad na ipinasok ng mga suspek ang mga kamay sa loob ng kanyang damit at dinakma ang kanyang dibdib. Nagtatakbo siya palayo sa mesa at nag-iiyak at bumaba sa restobar ang biktima na kung saan naman nakasalubong niya ang kararating na si Chief Inspector Ernesto ‘Erwin’ Eco, Jr. ng Southern Police District (SPD) na kakain sa nasabing lugar na na­ging dahilan upang maaresto ang dalawang suspek. Pagdating naman sa himpilan ng pulisya ay todo tanggi ang dalawang suspek sa naging alegasyon sa kanila ng biktima. Dahil ditto, kasong pag­labag sa Article 336 o Act of Lasciviounes ang isasampa ng pulisya ­laban sa dalawang suspek sa ­Pasay City Prosecutor’s Office. ~santan~
Posted on: Sun, 18 Aug 2013 07:12:34 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015