LOCAL NEWS Panggagahasa ng lolo sa 13-anyos naka-video (MGReyes) - TopicsExpress



          

LOCAL NEWS Panggagahasa ng lolo sa 13-anyos naka-video (MGReyes) Nakunan ng video ang panggagahasa ng isang 81-an­yos na lolo sa isang dalagita na may kapansanan sa pag-iisip sa Bgy. Tandang Sora, Quezon City ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Nagsilbing ebidensya laban sa suspek na si Estelito Lucillo y Reyes, 81, taga-No. 21-C Alcantara Compound, Banlat, Bgy. Tandang Sora, ang video at litrato na nakunan habang hinahalay si Nene (hindi tunay na pangalan). Ayonsapulisya,alas-12:30nghaponnoongMiyerkules nang mangyari ang panggagahasa sa bahay ng suspek kung saan ay nagawang makumbinse ng suspek ang biktima na may kapansanan sa pag-iisip na madala sa bahay nito. Nagawa umanong makuhanan ng video at larawan ang kahalayan ng suspek ng isang Rey Alforte, na kaibigan ng suspek nang makarinig umano ito ng mahihinang ungol at nang silipin ang pinagmumulan ng ingay at tumambad sa kanya ang panggagahasa ng suspek. Ang nakuhang mga larawan at video ay ipinakita ni Alforte sa tatay-tatayan ng biktima na si Mario del Rosario y Ramos, na hindi na nag-aksaya ng oras upang tumawag ng mga barangay tanod at ipinahuli ang suspek. yeh
Posted on: Sun, 08 Sep 2013 03:15:37 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015