LUZON NEWS 2 kama ni sir pinuntirya ng kawatan (Amihan - TopicsExpress



          

LUZON NEWS 2 kama ni sir pinuntirya ng kawatan (Amihan Sabillo) Isang king size air bed at double sofa bed ang dinale ng mga magnanakaw sa bahay ng isang opis­yal ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng Ilocos Norte kahapon. Base sa report na dumating sa Camp Crame, pasado alas-kuwatro ng madaling-araw kahapon nang mabatid ang pagnanakaw sa bahay ni Police Supt. Jericho Baldeo, sa Bgy. 22, San Nicolas, Ilocos Norte, na nakatalaga sa Ilocos Norte Police Provincial Office (PPO). Nagpapatrolya umano ang Ilocos Norte Police sa ilang lugar sa ba­yan ng San Nicolas nang pagpasyahang dumaan sa bahay ng opisyal dahil batid nila na hindi madalas uwian ng opisyal ang nasabing bahay. Sinira ng mga suspek ang sliding door kung saan idinaan ang mga ninakaw na kama. Hinala naman ng mga awtoridad na nasa pagitan ng alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-tres ng mada­ling-araw sa pagitan ng dala­wang linggong nakalipas pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ng opisyal. “Almost two weeks na kasi naming ‘di napas­yalan ang bahay, sa sentro na kasi kami umuuwi pero so far po, bukod sa air bed at sofa wala namang ninakaw pa sa bahay,” pahayag naman ng opisyal. Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng PNP ukol sa nasabing insidente. abante.ph/issue/aug0413/luzon01.htm
Posted on: Sat, 03 Aug 2013 23:36:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015