Laklak (OFW-Kuwento Ng Buhay). May 3, 2013 at 11:16am Tay, - TopicsExpress



          

Laklak (OFW-Kuwento Ng Buhay). May 3, 2013 at 11:16am Tay, dalawamput tatlong taon ka na sa pakikipagsapalaran dito sa Gitnang Silangan at limamput limang taong gulang ka na, Bakit hindi ka pa nagreretiro sa pag-aabroad? tanong sa akin ng isang bagong salta rito sa Jeddah na kakilala ko. Isang walang kabuhay-buhay na ngiti ang naging tugon ko at sinundan ko na lamang ng halakhak na kung tutuusin ay upang mapagtakpan ko ang siyang tunay na saloobin ko. Hindi pa naman ako sinisipa ng kumpanya na pinagtatrabahuan ko, at wala naman nang mangyayari pa sa buhay ko kung sa Pilipinas ako maglalagi. katwiran ko kay Samuel. Ayos itong inuupahan mong kuwarto, Tay! Nga po pala sa uulitin ulit, ha! Ito po ang bayad kasama na rin ng espesyal mong tinda. Pakibalot maigi po, tay! Teka kontakin ko na si suking taxi para kay chikababes! sabay kindat sa akin ng batang-batang si Samuel. Naku, Tay mga tingin mong ganyan. Sige sa susunod dadalhan kita ng pampabata, para may mapapak ka. 200Riyals o kaunting grocery ayos na. ngingisi-ngising pagyayabang pa niya. Larga na at may operasyon pa ako ngayon, panibagong raket. Bukod sa espesyal na ginagawa ko ay de kalidad at lubha rin kasi masarap ang mga luto ko kasabay ko na siyang maglakad palabas ng inuupahan kong bahay. Habang naglalakad ako patungo sa pinagtatrabahuan ko ay doon ko napagtanto ang sinasabi ni Samuel. Tumatanda nga yata ako na walang pinagkakatandaan. Napaisip nang malalim, binaybay ang nakalipas na mga taon ng buhay ko. Pilit na inurirat ang mga pangyayari. Sa aking pagbabalik tanaw, kasabay niyon ang pag-alala sa mga masasakit na nakaraan. Nagdesisyon akong tumulak sa ibang bansa bunsod ng dahil sa walang mataas na pinag-aralan ngunit bihasa lamang sa mga karanasan upang masabi kong may maipagmamalaki akong husay sa trabaho ay walang puwang sa ating bansa. Kung ang mga may-ari ng kumpanya ay pagtingin pa lamang sa pinagiingat-ingatan mong bio-data ay makita nilang hanggang elementarya lamang ang aking pinagaralan. Minsan nga ay naranasan ko pang lamukasin ang papel na iyon sa harap ko at pinagtawanan ng may-ari ng kumpanya. Sa ikalimang taon kong pamamalagi rito sa Gitnang Silangan, naranasan ko ang makitulog kung saan-saan, magpulot ng pagkain at mga maaari pang maibebenta mula sa basura. Magtrabaho nang kung anu-ano. Naging malupit ang kapalaran sapagkat ang pinapasukan ay nagkaroon ng problema at kinakailangan ibenta ito sa pamamahala ng iba. Ngunit sa kasawiang palad, kaming walong Pinoy ay nagalsa-balutan sapagkat lahat ng benepisyo ay tinanggal at nais pang bawasan ang aming sasahurin. Nagpalaboy-laboy ako at siya lamang hindi mabilis na pinalad na makapasok agad sapagkat isang malaking balakid ang napakababang edukasyon na mayroon lamang ako. Pinalad akong suwertihin bilang helper sa isang kumpanya. Lahat ng gawain ay nakaatang sa akin. Napakahirap ngunit itinuring kong napakamahalagang pangyayari ang alukin ako ng minsan ng nililinis ko lamang na may-ari ng kotse. Isa iyong biyaya na nagbigay ng matinding pag-asa sa mga kapus-palad na tulad ko. Isang taon at kalahati rin na tanging pangpagkain ko lamang ang siyang kinikita ko, kaya sa loob ng mga panahon na iyon gabi-gabi kong iniiyakan ang pagiging walang kuwenta kong ama ng tahanan. Hindi ko man lamang napadalhan sa una at kalahating taon ko ng kanilang pantustos sa pangangailangan ang aking mga anak. Kaya naman sa apat na anak ay sa mga panahon na iyon ay ang dalawang anak ay napahinto sa pag-aaral. Hindi ko iyon lahat nabalitaan sapagkat labis akong nahiya makipagugnayan sa pamilya ko. Dahil hindi ako karapat-dapat para maging ama nila. Nag-abroad ako ngunit ako ay bigo, labis na naging dagok iyon sa buhay ko. Kaya noong nagkaroon na ako ng siguradong trabaho bilang Maintenance Man ay abot-abot ang kaba ko sa unang sulat na ipinadala ko. Mahal kong asawa at mga anak, ipagpatawad ninyo ang hindi ko pagpaparamdam ng halos magdadalawang taon. Wala akong mukhang maiharap sa inyo dahil hindi ko nagampanan ang mga obligasyon ko....... Naghintay ako ng tatlong buwan bago nakatanggap ng sagot mula sa panganay kong anak na noon ay labin-isang taong gulang. Siya na ang pinasulat ng suklam na suklam kong asawa. Tinanggap ko ang lahat ng panunumbat at galit ng pinakamamahal kong babae. Awa ng Diyos ay naging maayos na ang lahat. Kahit maliit ang kinikita ko ay kung saan-saan ako umeekstra para lamang matustusan ang lahat ng pangangailangan nila. Laging hindi ko maramadaman na sapat na ang naibibigay ko. Lagi akong inuusig ng konsensya ko sa pagpapabaya sa aking mag-anak. Matulin noon lumipas ang tatlong taon at nagpasya akong umuwi na may labis na pananabik. Ang limang taon na pangungulila sa kanila ay itinago kong maigi upang hindi maging sanhi ng aking karupokan. Nakapanlulumo sapagkat ang lahat ng ipinapadala ko sa loob ng tatlong taon ay nauwi lamang sa kung anu-anong bagay. Itinikom ko na lamang ang aking bibig sapagkat sa aking pakiramdam noon ay ako ang may naging pagkukulang. Ramdam ko ang lamig ng pakikitungo ng mahal kong asawa. Ang akala kong may mainit na pagsalubong ay sa guni-guni ko lamang pala. Sa realidad ay, Bakit ka umuwi? Nag-abroad ka pa, wala naman pagbabago! Pwe! sabay alis ng bahay at makikitira muna raw pansamantala sa mga magulang niya dahil simula noong hindi ako nakapagpadala at nakibalita noon ay itinuring na niya akong patay. Isang buwan at kalahati lamang ang ibinigay na bakasyon ng aking pinapasukan kung kayat sa loob ng maikling panahon na iyon ay ipinadama ko ang paghingi ko ng tawad at labis na pagmamahal sa asawa at mga anak. Sinuyo ko ng todo-todo ang nag-iisang babaeng idinambana ko sa puso ko ngunit labis siyang matigas. Dumating na ako sa puntong lumuhod sa harap niya at sa mga biyenan ko. Awang-awa man ang mga biyenan ko ay wala silang magawa. Bumalik ako sa Saudi na wasak ang puso at halos mawalan ng direksyon. Gusto ko na nga sanang magpakamatay na lamang noon. Doon ako nasimulan ng pakikipagkaibigan kung kani-kanino at natuto ng kung anu-anong bisyo. Oo nga at malakas akong kumita at todo-buhos pa rin sa mga anak lahat ng pera pero sadyang labis-labis ang pumapasok na pera. Natuto akong magluto ng alak at iyon ang siyang ginawang permanenteng pangkabuhayan kasabay ng pagtatrabaho sa kumpanya. Nakaranas na akong mabugbog ng mga kalahi pa natin mismo kapag may nakapagsabi na ako nga ay nagbebenta. Ngunit labis akong maingat dahil alam kong matindi ang kaparusahan ng aking ginagawa rito sa Gitnang Silangan. Lumipas ang isang taon ay nabalitaan ko na lamang na may kinakasama na ang aking asawa at ang mga anak ko ay ipinadala sa aking mga kamag-anak. Mula noon ay itinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa aking mga anak at ang ginagawa ang lahat ng makakaya sa pagbibigay-suporta sa kanilang mga nais marating. Sa paglipas din ng mga taon ay ilang babae ang dumaan sa buhay ko, noong una ay pinagseseryoso ko ngunit hindi nila ako tinotoo. May isang nakarelasyon pa ako ang nagpahuli sa akin at sinugod ng kapulisan ang aking tahanan, ngunit dahil ako ay small time liquor vendor at talagang lubhang maingat ako kaya wala silang nakitang ebidensya at naikulong man ako ng dalawang araw ay tinulungan ako ng employer ko. Gusto kong kalbuhin ang babaeng karelasyon ko pagkatapos tangayin ang 2 laptop, ilang mga alahas at tv ko ay ginawa pa akong traydurin. Dalawang taon din na ako ang bumuhay sa kaniyang pamilya dahil siya ay tumakas dahil pinagbintangan na nagnakaw sa amo. At kahit binigyan ko rin ng pangtiket at kung anu-ano pa raw kasi ang kailangan. Hindi pa nakuntento ang babaeng iyon, makalipas ang ilang buwan ay tinatawagan ang mga kasamahan ko sa trabaho at pilit akong sinisiraan at ipinagsasabing ako ay walang kuwentang karelasyon kaya iniwan ng asawa. Binalewala ko na lamang siya sapagkat iyon ang paraan niya na pagukulan ko ng pansin, dahil nais makipagbalikan sa akin. Hindi ko na inasam pa ang magkaroon ng tunay na magmamahal kung kayat huminto na rin ako sa pakikipagrelasyon. Sa dalawampung taon na namuhay dito sa Gitnang Silangan na wala pa rin kasiguruhan kahit tumanda na. Namuhay sa paggawa ng mga ilan na illegal na gawain kumita lamang. Habang may mga pursigidong lumalaklak ay iyon ang aking naging pag-asa na naging pantaguyod ng aking mga anak. Naniniwala akong anuman pera raw na kinikita sa hindi pinaghihirapang paraan ay mauuwi lamang sa mga hindi importanteng bagay.... Ngunit hindi iyon umakma sa aking sitwasyon. Oo, masama man ang isa sa paraan ng pinagkakakitaan ko, ngunit ako naman ay nagbabanat pa rin ng buto sa maghapon dahil may matino naman akong trabaho bagamat hindi kasi iyon sasapat sa apat na anak na lahat ngayon ay puro nagsipagtapos na lahat. Itinuturing na kriminal sa bansang itinuring ko ng tahanan. Kaya nga dapat na akong magising bago pa ako tuluyang mapahamak at baka pa maghimas ng malalamig na rehas at lalong maging madilim ang natitirang buhay ko sa mundong ito. Kaya sa mga tulad ni Samuel na nakilala ko at pinagkuwentuhan ko ng buhay ko na ito ay medyo tumimo sa kanya na ang buhay pag-aabroad ay sadyang masalimuot at maraming pagdadaanang sakripisyo lalo na ang dapat na maging matatag na mapaglabanan ang tukso lalo na sa paggawa ng mga hindi mabuting bagay para lamang mapunan ang kakulangan sa pera..... Ay sana huwag nang sundan pa ang mga yapak na aking pinagdaanan. https://facebook/notes/cluelezz/laklak-ofw-kuwento-ng-buhay/170683943095991
Posted on: Fri, 18 Oct 2013 12:02:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015