Lalaki sa Saudi binitay dahil sa pag-torture at pagsunog sa - TopicsExpress



          

Lalaki sa Saudi binitay dahil sa pag-torture at pagsunog sa misis.... Muling ipinatupad ang pagbitay sa Saudi Arabia ilang araw matapos lamang ang Ramadan na huling nangyari ang execution noong July 8. Pinatawan ng parusang kamatayan si Fawzi Al-Khaibari matapos na mapatunayang tinorture nito ang kanyang misis sa pamamagitan ng paggamit ng bakal, sinunog pa at binasag ang bungo. Ayon sa statement ng Interior Ministry, ngayong taon lamang umaabot na sa 58 ang binitay sa Saudi. Noong taong 2012, umabot naman sa kabuuang 76 katao ang binitay. Sa ilalim ng batas sa Saudi Arabia, nahaharap sa parusang kamatayan ang may kasong rape, murder, apostasy, armed robbery at drug trafficking. (Saudi press agency) TAKE NOTE: Sa ilalim ng batas sa Saudi Arabia, nahaharap sa parusang kamatayan ang may kasong rape, murder, apostasy, armed robbery at drug trafficking. (Saudi press agency)
Posted on: Tue, 15 Oct 2013 04:59:47 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015