Latest News LGU ng Isabela, nagpadala ng humanitarian mission sa Leyte CAUAYAN CITY, Isabela - Nagpadala ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela ng malaking contingent ng Medical, Search and Rescue team para sa humanitarian mission sa Visayas. Ang humanitarian mission na pinangunahan ni Atty. Manuel Lopez, provincial administrator siya ring action officer ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ay inaasahang makakarating ngayong araw sa Leyte na labis na sinalanta ng super typhoon Yolanda. Sinabi ni Mr. Jessie James Geronimo, provincial information officer na mula sa Batangas ay sumakay sila ng Ro- Ro vessel patungong Leyte. Dala ng grupo ang 1,000 sako ng bigas na sakay ng apat na dumptruck, P500,000 na halaga ng mga gamot, water purifier at cash na nalikom ng pamahalaang panlalawigan mula sa mga opisyal at empleyado ng lokal na pamahalaan. Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Governor Faustino Dy III, ang contingent ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ay kinabibilangan ng 10 doctor, 10 nurse, dalawang BFP personnel, apat na pulis, mga tauhan ng Rescue 831, Philippine Red Cross Isabela chapter at mga tauhan ng PDRRMC. # carnatiOn ♥
Posted on: Tue, 12 Nov 2013 16:49:53 +0000