Leptospirosis, diarrhea, cholera alert itinaas (Tina - TopicsExpress



          

Leptospirosis, diarrhea, cholera alert itinaas (Tina Mendoza) Kasunod ng naranasang pagbaha sa ilang lugar sa bansa, agad na nagpalabas ng health advisory ang Department of Health (DOH) upang bigyang babala ang publiko laban sa mga sa­kit na hatid ng pag-uulan gayundin ang tips para mapanatiling malusog ang pangangatawan. Ayon kay Health Asst. Sec. Eric Tayag, mas mataas ang mga naitatalang sakit sa tuwing panahon ng tag-ulan kasama na dito ang mga flood at waterborne diseases, at respiratory diseases na maiiwasan naman umano kung vigilante lamang at marunong mangalaga ng sarili ang mga Pinoy. Sa flood alert advisory ng DOH, pinayuhan nito ang mga residente mula sa nabahang lugar na magpakulo muna ng inuming tubig para iwas sa cholera at diarrhea, mainam din ang paglalagay ng dalawang patak ng unscented liquid bleach sa isang litro ng malinis na tubig at hintayin ang 30 minuto bago gamitin. Pinag-iingat din ng DOH ang publiko sa mga sakit na nakukuha sa tubig baha gaya ng diarrhea, dermatitis, conjuctivitis, leptospirosis, dengue at iba pang waterborne diseases at sa mga lalawigan na nakaranas ng pagbaha.
Posted on: Tue, 20 Aug 2013 02:24:12 +0000

Trending Topics



ICIA e o ESTADO vai por
islamicity/articles/Articles.asp?ref=SW1107-4764 Preparing for
On the occasion of World Press Freedom Day, I salute President
You all with car knowledge: Our 2002 Altima would not start

Recently Viewed Topics




© 2015