Let us not be anti-success. Pag may tao na nagtatagumpay, - TopicsExpress



          

Let us not be anti-success. Pag may tao na nagtatagumpay, yumayaman, sumisikat, umaangat, etc., hwag nating laging hanapan ng kapintasan, weakness, kamalian o kasiraan. Ganun din sa mga organisasyon, kompanya, projects, even churches or religious communities. Hwag pag may mabunga o matunog o mabango ay agad-agad hanapan ng kahinaan o kasiraan. Ipagdiwang natin ang tagumpay ng kapwa, at kung may mga imperfections man ---na siguradong laging mayron--- sabihin na lang nating Mabuti naman at nagtatagumpay sya/sila sa kabila ng mga kahinaan o imperfections. Imbes na sabihin natin ang karaniwang naririnig na Hmpppp, may bango nga sya/sila pero may baho pa rin. Mayaman nga sila pero broken home naman. Malaki nga ang church nila pero cold and impersonal naman. Mayaman nga ang bansa nila pero immoral naman ang mga tao. Matalino nga sya sa school pero bobo naman sa practical life. Sabihin nating :Mabuti naman at sa kabila ng weakness ay may na-accomplish pa rin sya/sila. Kasi, basta ganyan ang formula: Successful nga sya pero may failure pa rin naman isa lang ang pinagmumulan: INGGIT / ENVY. Do not make yourself feel good about your fruitlessness by making the fruitful persons accomplishments seem small or worthless. Isipin na lang na may mga mabaho na nga pero wala man lang kahit konting bango; may mga broken home na nga tapos poor pa; may maliit na organisasyon na nga pero cold and impersonal pa rin; may mga immoral na bansa na nga tapos mahirap pa; may mga bobo na nga sa practical life tapos bobo pa rin sa classroom; etc etc etc. So, pag may success ang isang tao o grupo na maraming weaknesses, celebrate it! -
Posted on: Tue, 15 Oct 2013 22:35:04 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015