Linggo, Oktubre 27 Ipakikilala ni Jehova kung sino ang sa - TopicsExpress



          

Linggo, Oktubre 27 Ipakikilala ni Jehova kung sino ang sa kaniya.—Bil. 16:5. Magkaiba sina Moises at Kora may kinalaman sa paggalang sa mga kaayusan at desisyon ni Jehova. Si Kora ay isang Kohatitang Levita na maraming pribilehiyo. (Ex. 32:26-29; Bil. 3:30, 31) Maliwanag na naging tapat siya kay Jehova sa loob ng maraming taon at iginagalang ng marami sa kampo ng Israel. Pero naisip ni Kora na may mali sa kaayusan ni Jehova. Gusto niyang gumawa ng mga pagbabago. Pagkatapos, 250 iba pang nangungunang lalaki sa bansa ang pumanig kay Kora. Tiwalang-tiwala sila na matibay ang kaugnayan nila kay Jehova. Nagreklamo sila kina Moises: “Tama na kayo, sapagkat ang buong kapulungan ay banal na lahat at si Jehova ay nasa gitna nila.” (Bil. 16:1-3) Talagang sobra ang tiwala niya sa sarili at masyado siyang mapagmapuri! Bago matapos ang sumunod na araw, patay na si Kora at ang lahat ng rebeldeng pumanig sa kaniya.—Bil. 16:31-35. w11 9/15 5:11, 12
Posted on: Sat, 26 Oct 2013 23:10:21 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015