Love and Everything PinakaEPIC na dahilan ng break-up #1: - TopicsExpress



          

Love and Everything PinakaEPIC na dahilan ng break-up #1: “Kulang sa Time” #2: “Hindi pa ito ang tamang oras” #3: “Nawala na ang Sparks” #4: “Nasasakal na” #5: “Wala lang” [quote]Alam mo yung feeling ng gusto mo nang makipagbreak pero pinangungunahan ka ng awa?[/quote] Ikaw ba’y nasaktan na ng taong pinakamamahal mo? Niloko? Pinaglaruan? Tapos mahal mo pa rin after ng lahat? Mga Kuya at Ate, paDRUG TEST na kayo! Adik ka na eh. Wala ka na sa tamang katinuan. Bakit? Pinanganak ka ba ng mga magulang mo para lang saktan, lokohin, paaasahin at balewalain? Gising na! o gusto mong iuntog pa kita sa monitor ng computer o laptop mo? “Kung iniwan ka ng taong mahal mo, wag kang masyadong OA na tipong gusto mo nang magpakamatay dahil nawala siya. Ano siya internal organ mo na kapag nawala, mawawala na din ang buhay mo? Mga Kuya at Ate, OK lang umiyak pero wag sobra, OK lang malungkot pero wag lang sobra. Maraming taong nagmamahal sayo. Maraming ibang tao sa buong mundo. May mga basura talagang hindi dapat irecycle tulad ng taong nang-iwan o nanloko sayo. Basura will always be a basura. It’s up to you kung pupulutin mo, then I will call you a BASURERA o BASURERO.” Kung hindi ka niya priority, edi dapat ganun ka din sa kanya para quits lang. Ikaw yung nakipagbreak tapos ikaw ngayon ang gustong makipagbalikan kasi hindi mo kaya? Unfair ka! Ako kinaya ko nung nawala ka, nasaktan ako pero tiniis ko. Tapos ikaw, ganun ganun lang? Ayos ka ha! Alam mo yung feeling ng super effort ka sa taong mahal mo pero hindi man lang niya naaapreciate? Alam mo yung feeling ng miss na miss mo na siya tapos siya masayang masaya sa piling ng iba? Alam mo yung feeling ng ikaw yung kasama niya pero ang utak niya ay nasa iba? “In love ako sa kaibigan ko pero nung pinagtapat ko sa kanya, hanggang magkaibigan lang daw kami, anong gagawin ko?” Advice: “Eh di hanggang kaibigan lang kayo. Yun lang. Minsan kasi tayo yung nagpupumilit eh. Kung ayaw niya, edi wag. Hanap ka na lang ng iba o maghintay ka na lang ng iba. Iba kasi yung mahal ka niya kasi mahal ka talaga niya at yun yung nararamdaman niya para sayo HINDI YUNG MAHAL KA NIYA KASI MAHAL MO SIYA.” “Tama bang bitawan ang taong alam mong di mo pagmamay ari? Tipong alam nyo na mahal nyo ang isa’t isa pero di pwedeng maging kayo kasi may karelasyon pa siya?” Advice: “Common sense.” “Mahal ko pa yung ex ko.” Advice: “Ang tanong: mahal ka pa rin ba niya?” “Paano po kung nung nilalagawan ka niya ay todo pasikat siya sayo pero nung sinagot mo na, nalaman mong nanliligaw pa siya ng iba habang kayo pang dalawa?” Advice: “Maniwala ka lang sa salitang KARMA.” “Pano po kung sabi nung babae . 18 pa daw siya pwede mag bf kaso may gusto nmn kayo sa isat isa?” Advice: “Kung talagang mahal niyo yung isa’t isa, makakapaghintay kayo. Official commitment or Relationship is just a FORMALITY. Kesyo tawagin ka niyang BF/GF o hindi, walang magbabago sa pagmamahalan niyo. Yun yung mahalaga. Sabi nga sa movie na napanood ko, LOVE IS A SLOW DANCE. Hindi minamadali. Hindi pinangungunahan.” “I do love this guy, minsan ko sya nging pangarap. at ngaun abot kamay ko na sya. mahal nya rin ako mahal ko sya.. pero were not committed. di pa kc sya ready pumasok sa isang relationship so we choose to kip it like this. parang kme na hindi. npaka uncertain ng ngyayari bet. us. hayzz. ok lng ba pumayag sa ganitong set-up? SOBRANG MAHAL KO PO SYA. kulang ang buhay ko pag wla sya.” Advice: “Ayos lang ang nasa ganyang sitwasyon, sabi ko nga, commitment/relationship status is just sa formality. Para masabi lang na kayo na talaga OFFICIALLY. Ang importante, mahal niyo ang isa’t isa at handa kayong maghintay sa panahong masasabi niyong handa na kayong pumasok sa FORMAL relationship. Sabi nga ni Kris, love love love.” “I ask a her kung may pag asa ba if i court her, then she replied: haha. baliw ka, NDI KO ALAM EE. sa tingin nio po may patutunguhan ba to??” Advice: “Naiimagine ko kung pano niya sinabi yan. Ang mga babae minsan paTWITAMS! (wag ideny) kapag ang sagot ay HINDI ibig sabihin ayaw niya talaga pero kung ang sagot niya ay HINDI KO ALAM ay meaning nun, Sege leng. Ekew ne eng behele. Legewen me ne eke. “Pano po kung makita mo yung taong mahal mo I mean girlfriend mo masaya sa iba, and then wala na siyang oras sayo, tapos parang kinakalimutan ka nalang, tapos dati 1 or 8 months ang saya saya nyu pero ngayon, nagbago na ang lahat dahil may isang aong nangimasok sa relasyon namin, and then lagi na kami nag aaway sa selos,tampuhan, dahil nga sa isang nangimasok. please advice me kung ipagpapatuloy pa ba to” ADVICE: “Severe na yan pare. Alam mo, kung mahal mo siya, mauunawaan mong mas masaya siya sa iba. At kung mahal mo naman ang sarili mo, mauunawaan mong hindi na talaga kayo para sa isa’t isa.” “Paano po pag niloko ka ng bf mo tapos nakipagbreak ka then after 5 months nakipagbalikan siya sayo? Dapat pa po ba bigyan ng 2nd chance?” Advice: “Kapag ba naputukan ka na ng paputok, magpapaputok ka pa rin ba?” “PLEASE how to move on?” Advice: “Sakay ka bus sa Cubao tapos baba ka sa Trinoma, lakad ka konti tapos pasok ka sa loob ng mall, sa pinakataas may malawak na park dun, magmunimuni ka kung DESERVE ba ng EX mo ang sakit na dinaranas mo ngayon after nun kain ka sa Dairy Queen ng ice cream sa Second Floor.” “What if your boyfriend broke up with you after your anniversary, just because he told you sawa na siya sa away at tampuhan? Yun pala binabalikan niya ex niya. Anong gagawin ko?” Advice: “Edi hayaan mo lang. Wala ka nang control dun Ate. Anong gusto mong gawin mo? Sugurin mo yung babae at aawayin mo siya? Wow ha! POGI naman masyado ng boyfriend mo. Hayaan mo na. Masasaktan ka pero natural lang yan. Isipin mo na lang na ang hobby ng BF mo ay balikan ang mga EX niya kaya kapag nagbreak kayo, EX ka na niya. So babalikan ka rin niya pero kapag binalikan ka niya, wag ka nang pumayag.” “Pano ba un. Ako sinisi nya kung bakit nagkahiwalay kami. Ano gagawin ko?” Advice: “Hayaan mo na. It’s not about kung sino ang may kasalanan. HINDI LANG TALAGA NAGWORK OUT yung relationship niyo. Wag mo na lang pansinin, mapapagod din yan kakasisi sayo.” “Paano ko po sasabihin sa kaibigan ko na mahal ko sia ? Gusto ko sabihin pero natatakot ako Ayoko mawala siya natatakot ako dahil pag sinabi ko un baka mawala ung pagiging kaibigan namin.” Advice: “Para sayo: Edi sabihin mo na sa kanya na mahal mo siya. It’s up to you kung aasa kang sasagot din siyang mahal ka niya. Ang hirap kasi sa atin, madali tayong matakot sa mga bagay bagay. Eh hindi pa naman natin nasusubukan, nagcoCONCLUDE agad tayo ng mangyayari. Sabihin mo na. Walang mangyayari kung hindi ka kikilos at magpapatalo sa takot. Para sa kaibigan mo: Kung magagalit ka at hahayaan mong maging dahilan ng pagsabi sayo ng MAHAL KITA, isa kang malaking LOSER! Hindi ka tunay na kaibigan. Ganda/Gwapo mo eh!!!!!! (affected ako. haha)” “May ka-M.U. po ako dati, last week lang mahal niya daw ako. Pero ngayon may bago na siya. Anong gagawin ko? Mahal na mahal ko sya.” Advice: “Kasi naman, kung magmamahal ka, wag yung mahal na mahal, mahal lang, OK na yun. Mahal ka daw niya dati pero ngayon may bago na siya? At itatanong mo kung anong dapat mong gawin? Ito ang sagot: 1. Tanggapin mong hindi na ikaw ang mahal niya. (Kaya move on na.) 2. Wag mo nang ipagsiksikan at ipagpilitan ang sarili mo sa taong ayaw na sayo. (Magiging kawawa ka lang.) 3. Hindi ka mauubusan, marami pa diyang iba. (hanap hanap lang. hintay hintay.) 4. Wag kang masyadong EMO. Hindi lang LOVE ang category ng buhay sa mundo. Mag-aral ka. Ienhance mo talent mo. Spend your time with your family and friends.” “Anu po gagawin ko malayo po ako sa taong mahal ko, sbi nya mhal nya aq tapos nlaman ko na lang na tuloy ang communication nla ng ex nya.anu po gagawin ko?” Advice: “Mahirap ang ganyang sitwasyon. Tiwala lang ang tanging pinanghahawakan niyo sa isa’t isa. Maraming sides ang maaari mong tignan diyan: 1. Nakikipagcommunicate siya sa ex niya as a friend lang naman. 2. Nakikipagcommunicate siya sa ex niya dahil nangungulila siya sayo (pero masama yun) 3. Dapat ka nang gumising sa katotohanan. Isang umpog lang ok na. Mahirap magmahal ng taong may mahal pang iba. Walang plastikan: mahirap magmahal ng taong nasa malayo, wala kang kontrol, wala kang alam. Pero ang pwede mong gawin ngayon ay to talk to him to clear things out.” “Halos 5months na kami. Classmate ko sya. It so happened honored student ako and for now, my grades are slowing down. I am sure na hindi ito dahil sa kanya. Though, ang mga tao sa paligid namin sya ang nakikita. Ayoko po na masisi sya. Hindi rin po kami gaanong nag-kakausap sa school kasi maraming nakikigulo. Puro texts at calls lang ang communication for now. Wala ngmagawa kundi idaan na lang sa tinginan. Pati po kasi yung mga teachers, feeling ko eh tutol sa amin kahit na wala naman kaming ginagawang masama. Parang barkada ko nga lang po sya eh. We’re just enjoying each others company. Masama po ba yun?” Advice: “Matalino ka. Alam mo kung sino o ano ang nakakaapekto sa mga grades mo. Actually, kung totoo nga na ang boyfriend mo ang nakakaapekto sa iyo, hindi siya ang may kasalanan, it’s up to you kung MAGPAPAAPEKTO ka. Having relationship with someone doesn’t necessary na you have to change you or your partner’s life or whatsoever. It’s not about affecting each other but to understand each other’s differences. Pero kung hindi naman talaga siya, wag niyo na lang pansinin yung ibang taong nagsasalita against him, HINDI NAMAN SILA YUNG NAKIKIPAGRELASYON eh. Baka sa dulo, hindi lang ang grades ang naaapektuhan sayo, baka pati na rin ang lovelife mo.” “May crush po ako sa Classmate ko nung 1st year and then nagkita po ulit kami nung 2nd year pero schoolmates na lang po kami. Naisip ko pong sabihin sa kanya yung totoo at ang sabi niya “Okay lang daw kung crush ko siya.” Tapos ngumiti. May ibig sabihin po ba yung sinabi niya at yung pagngiti niya?” Advice: “Oo, may ibig sabihin yun. Ang ibig sabihin nun ay “sige okay lang sa akin, so ano na next? ikaw na mag-initiate. i-close mo na ako para mafall na ako sayo at madevelop na tayong dalawa.” “May ka-M.U. na po yung Ex ko, pero mahal na mahal ko pa rin siya. Anong gagawin ko?” Advice: “Move on! For sure sasabihin mo na hindi ganun kadali yun. Bakit ang pag-aaral ng Mathematics, hindi naman ganun kadali pero natututo ka pa ring mag plus, minus, divide at multiply. Tulad ng Math, ang pagmuMOVE ON ay hindi minamadali. Kapag ba sinabi kong move on, move on agad agad? It takes time para makamove on. Ang kailangan mo lang gawin ay ang pagdedesisyon kung magmumove on ka ba o hindi. Atsaka, isipin mo, siya nga nakamove on na, baka ikaw na lang ang hindi. Think.” “hindi po ba rason ang pagiging childish ng isang tao pag dating sa pag ibig?” Advice: “Isa sa mga bumubuhay sa isang relasyon ay yung pag-iisip o yung perspektibo ng isang tao pagdating sa pag-ibig. Dito nababase kung gaano ka kaseryoso pagdating dito. Being in a relationship is a SERIOUS thing. Hindi ito laro na kapag napagod ka, pwede kang magTIME-FIRST, o kaya umayaw agad. Kailangan sa isang relasyon para tumagal ay yung pagiging MATURE. Ang pagiging childish ay hindi maganda sa pag-ibig. Sabi nga, “Act your age.”
Posted on: Sat, 27 Jul 2013 23:00:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015