MAAARI nang kumuha ng sticker sa Land Transportation Office o LTO - TopicsExpress



          

MAAARI nang kumuha ng sticker sa Land Transportation Office o LTO District Offices simula ngayong araw ang mga nagparehistro ng kanilang sasakyan. Sinabi ni LTO 12 Regional Director Potiwas Malambot na SAMPUNG kahon ng sticker mula sa LTO National office ang ipinadala sa kanilang tanggapan. Aniya, abot sa humigit kumulang LIMANG libong sticker ang laman ng naturang mga kahon. Sa kabila nito, aminado si Malambot na hindi lahat ng nagparehistro ay mabibigyan ng sticker. Simula kasi noong January hanggang July ngayong taon, umabot na sa humigit kumulang 50 libo ang nagparehistro ng sasakyan. Kaugnay nito, pinayuhan niya ang mga nagparehistro ng sasakyan na agad tumungo sa pinakamalapit na LTO district office dahil first come, first serve basis ang ipapatupad ng LTO. -o- SAMANTALA, NANAWAGAN si LTO 12 Regional Director Potiwas Malambot sa mga nagmamay-ari ng sasakyan na sa mga lehitimong kawani ng LTO lamang makipag-transact. Aniya, wag papatol sa mga fixers dahil masasayang lang ang perang ipambabayad sa kanila at wala pang katiyakan na maayos na maipo-proseso ang papeles. Sa ngayon, mas hinigpitan ng LTO ang kanilang kampanya laban sa mga fixers. NDBC Network
Posted on: Fri, 02 Aug 2013 00:12:24 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015