MABAGAL NA LOLA, TINADYAKAN NG TSUPER, LAGLAG SA JEEP (Cherk Almadin) Tuluyan nang hindi nakapaglakadn ang maayos ang isang lola ng walang awasiyang tadyakan ng nainis na jeepney driver na sinakyan nito sa Caloocan City kahapon ng umaga. Dahil sa malakas na pagkakasipa sa balakang ay nahirapang maglakad si Salome Cresencio, 83, tindera, taga-Package 3, Bgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City dahil sa tinamong bali sa tadyang ng walang respetong tadyakan ng suspek na si Allan Dabong, 27, jeepney driver, taga-Phase 1, Package 1, Bgy. 173, Caloocan. Sa inisyal na imbestigasyon ng Women and Children’sProtection Desk (WCPD) ng Caloocan City PoliceSub-Station 3 partikular na ni PO3 Norman Briones, ganap umanong alas-kuwatro ng madaling-araw nangsumakay ang matanda sa pampasaherong jeep ng suspek. Ilang saglit lang ay pumara na ito at dahil matanda na ay mabagal nang kumilos dahilan upang mag-init ang ulo ng suspek at murahin na ang matanda dahil binalik-balikan pa niya ang kanyang mga bitbitin. Hindi na nakapagtimpi ang suspek at bumaba ng kanyang jeep saka isa-isang ibinalibag papalabas ang dala ng biktima na ikinagalit ng matanda at pinagsasapok ang suspek ngunit dahil wala namang pwersa ay nagawa pa ng suspek na itulak siya ngunit nakakapit ito sa istribo kaya hindi natumba. Dahil ayaw bumitaw ng matanda sa istribo ay walang awa siyang pinagtatadyakanng suspek hanggang sa makabitaw, tumilapon ang matanda at bumalandra sa kalsada sa gitna ng humaharurot na sasakyan na muntikan nang ikasagasa ng matanda. Mabuti na lamang at mabilis na nakapagpreno ang isang kotse na minamaneho ng isang nakilalang si Emmanuel Orlando at bumaba upang tulungan ang matanda. Ilang nakatambay ang humuli sa suspek na tatakas na sana at idiniretso sa himpilan ng pulisya ate sam
Posted on: Tue, 10 Sep 2013 03:43:24 +0000
Recently Viewed Topics
© 2015