" MAKAPILI " PALA AKO - ang pagbabaon ng YAMASHITA TREASURE 9. - TopicsExpress



          

" MAKAPILI " PALA AKO - ang pagbabaon ng YAMASHITA TREASURE 9. Dec. 18- DJ ED DEHINS PO SIGN-IN, MEDYO PABAGOBAGO ANG PANAHON NAMIN DITO SA METRO MEGAMANILA. GOOOOOOOD ANO MANG TIME MERON KAYO DYAN SAAN MANG PANIG KAYO NG MUNDO NAROROON. UNTI UNTING KWENTUHAN NA NAMAN PO TAYO, SA PAGPAPATULOY NG KWENTONG PAG-IBIG NI PACIANO- "MAKAPILI" PALA AKO............... Dear DJ ED; Sinabihan ako na magsama ng ilang sundalo para ibaon ang mga kahon sa tuwing sasapit ang gabi , dalawang kahon kada isang lugar kailangang palihim at walang makakakita kung sakaling may makakita ay patayin - ibaon ito sa may mga palatandan na kahit lumipas ang panahon ay hindi mababago at ilista at ibigay sa commander ang tamang lugar. Unang naisip ko, ang Batis sa Dati naming bahay na sinunog ko Kung saan may dalisdis ng tubig. Hindi ito kayang baguhin ng panahon at dahil sa pagkakaalam ko ay bala ang mga ito ay sinamahan ko ng ilang baril na nasa kampo at uniforme ng Hapon. Dahil truck naman ang dala namin ay konting lakarin nalang paakyat ng bundok sa lugar na kinalakhan ko, pasan ng isinama kong mga bilanggo ang mga kahon, kaya madali naming itong narating at nakapagbaon. Nang bumabalik kami sa truck ay nagtangkang tumakas ang mga bilanggo kaya binaril at napatay ay lima. Ilang mga gabi din ang ginugol namin sa pagbabaon ng mga kahon sa mga puno ng tulay mga malalaking puno mga eskwelahan , at dahil may curfew naman ay walang mga sibilyan ang nakakakita. Ilang bilanggo pa ang nagtangkang tumakas at napatay din . Patuloy pa rin ang labanan sa Tacloban at pababa na at paatras sa Bario namin, natatalo na ang mga Hapon. Halos tapos na rin ang pagbabaon namin sa mga kahon na halos umabot pa sa ibang Bario at ang huling dalawang kahon ay mismong sa kampong ito ibinaon. At pagkatapos ay kasama ako ng Commander ng Hapon sa tabi ng dagat, apat na bilanggong natira at ang sundalong hapon na kasama ko sa pagbabaon ng mga kahon. Sumenyas uli ng flshlight ang Comander at dumating ang sasakyan pandagat kung saan kami isinakay at isinama sa barkong nakalutang sa laot may isa pang barko itong kasama. At nagsimula ng maglayag. Iniwan na namin ang kampo.Sa loob ng barko ay nakita ko na marami pang kahon na katulad ng aming ibinabaon, nakita ko rin ang mga sketch at lugar na aking ginawa na ibinigay ng Commander sa gumagawa ng mapa at tracing ng mga kalaban alam ko na detalyado ang barkong iyon may lamesang malaki na drawing na mapa at mga barko at eroplanong laruan na naililipat ng posisyon. Napansin ko ang dalawang barko sa mapa na bukod tangi ito ay nasa loob ng mga Isla malayo sa ibang grupo ng barko na magkalaban. At sa palagay ko ay ito ang barkong aming kinalululanan. May mga gabi na nahinto ang barko at nagpapatay ng ilaw. Nakikita nila sa Radar na may mga barkong nasa malapit, imiiwas sila sa laban Sa tuwing hihinto ang barko sa Isla O tabing dagat ay nagbabaon kami ng mga kahon , taga buhat ang apat na bilanggo na dala namin at bantay ay dating sundalong Hapon na kasama ko. Ganon parin ang pamamaraan, dalawang kahon sa isang lugar at kailangan sa may mga palatandaan, sa gabi kung malapit sa pamayanan at sa araw kung malayo sa kabihasnan. Ilang Isla na rin at mga tabing dagat ang aming napuntahan. Hanggang sa sabihan kami ng Commander na huling dalawang kahon na lang ang ibabaon namin at dalawang hukay ang gawin at malaki ang isa . Sa pag-aakala ko na ang isang kahong malaki ang ibabaon , dahil may mga kahon pang iba na hindi parehas ang laki at may takip lang na sako at parang bangang may kulay ang isa na lumitaw sa pagkakatakip, sa bilang ko ay mga walo na lang ang natirang katulad ng kahon na aming ibinaon. Sa Islang iyon ay pinaghukay ang mga bilanggo, ng matapos ibaon ang kahon sa maliit sa hukay ay binaril ng mga sundalo ang mga bilanggo at inilibing sa malaking hukay. Nabigla Ako at kinabahan nag-iisang Pilipino na lamang ako sa barko baka pati ako ay patayin din , kaya nagplano ako na sa susunod na pagdaong ng barko ay tatakasan ko sila. -PACIANO ........... DJ ED DEHINSPO HANGGANG SA MULI
Posted on: Mon, 07 Oct 2013 08:50:30 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015