MANHID...!! Mga taong hindi marunong makiramdam. Walang pakialam - TopicsExpress



          

MANHID...!! Mga taong hindi marunong makiramdam. Walang pakialam sa mga taong may ginagawa para sa kanila. Mga taong hindi kayang maramdaman yung mga effort na ginagawa ng taong nagmamahal sa kanila. Mahirap magmahal ng taong manhid. Bakit? Dahil kahit gagawin mo pa lahat, kahit sobrang mag effort ka pa, kahit umiyak kapa sa harapan niya. Walang pakialam yan dahil yung puso niya kasing tigas ng bato. Mga taong manhid na nakakasakit ng nararamdaman ng ibang tao. Yung mga taong manhid, hindi nakakaramdam ng sakit, hindi nasasaktan pero sila may nasasaktan. Kapag nagmamahal ka ng taong manhid, kawawa ka dahil mapapagod ka nalang sa mga gagawin mong hinding hindi niya kayang pakiramdaman. Siguro yung mga taong manhid naging bato na yung puso nila dahil sobra din silang nasaktan sa past nila o natatakot na din silang ma attached agad agad sa isang tao. Lahat ng taong manhid, hindi marunong makiramdam at nakakasakit ng damdamin ng ibang tao. Nagmahal ka ng isang manhid? Taasan mo yung pasensya mo, hindi niya agad mararamdaman na mahal mo siya. Dapat gawin mo lahat pero mapapagod ka lang din. Kung wala talaga siyang pakialam, wala talaga yan. #RD
Posted on: Sat, 13 Jul 2013 06:58:36 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015