MARIAN Rivera and Dingdong Dantes SINAMPOLAN agad si Marian - TopicsExpress



          

MARIAN Rivera and Dingdong Dantes SINAMPOLAN agad si Marian Rivera ni Madam Kris Aquino ng isang kaswal na pasabog sa first ever appearance niya sa KrisTV noong nakaraang Huwebes. “Ikakasal na siya (with Dingdong Dantes) next year!” sabi ni Kris. Come to think of it, mahigit tatlong buwan na lang at next year na! Nabigla man ang isa sa dalawang bida ng Kung Fu Divas ay hindi ito nagpahalata. Wala pa nang mga oras na iyon si Ai Ai delas Alas (nag-ribbon-cutting daw). Actually, hindi pa nakakapasok sa dadalawing resto sina Marian at Kris, napakawalan na agad-agad ng Queen of All Media ang killer pasabog niya. Feeling ko, napag-usapan na nina Kris at Marian in private ang topic na ito. Hindi lang inasahan ni Marian na ihahayag ito ng presidential sister on TV. Halos limang taon na ring magkasintahan sina Dong at Yanyan (palayaw nila) at ilang beses na rin nilang plinano kung kailan ang nararapat na panahon para matuloy na ang pagiging Mr. and Mrs. Dingdong Dantes nila. So, kasama ito sa mga agreement na napag-usapan ni Marian at ng GMA Kapuso nang pumirma siya uli ng kontrata sa kanyang home studio. Co-producer din si Marian ng Star Cinema sa pelikulang Kung Fu Divas, isa pang paghahanda sakaling maging last movie na niya ito as a single woman. Nagtuluy-tuloy ang kaswal na kuwentuhan sa mga naganap at magaganap pa oras na maging misis na ni Dingdong si Marian. “‘Yung last birthday ko, nagpunta kami ni Dong sa Bali, Indonesia. Kami lang. Walang artista kaming nakita doon. Private na private ang place,” aniya. “Pagbalik namin sa Maynila, ‘punta naman kami sa isang beach resort sa probinsiya. Mahilig ang family niya sa beach, kaya lagi kaming nasa beach. Kung hindi kasama ang buong pamilya ko, buong pamilya naman niya. “‘Pag pasko, sa amin siya nagpaPasko, at pagdating ng New Year, ako naman ang nasa kanila.” Since, nagpo-produce na rin si Marian ang pelikula, wala ba siyang balak makisosyo kay Dingdong who’s also producing his own movies with some business partners? Mabilis ang sagot ni Marian: “Ay, ayoko! Niyaya nga ako ni Dong minsan, sabi ko, ayoko. Siya na lang with his own partners.” Ang dahilan? Alam naman siguro ng lahat na nagsosyo sa negosyo sina Dingdong at ex-GF nitong si Karylle noon. Pero ano’ng nangyari? Di ba nagkahiwalay sila? Siyempre, ito ang iniiwasan ni Marian na mangyari sa kanila ni Dingdong. Nang dumating si Ai Ai, napansin niya agad ang singsing na suot-suot ni Kris. Agad-agad naman itong inalis ni Kris sa kanyang daliri at ibinigay kay Ai Ai. “Bagay ‘yan sa ‘yo,” sabi ni Kris. “Pang-alis ng stress. Mawawala ang negativity sa buhay mo. Pang-alis daw ng negativity ang aquamarine.” Ayaw sanang tanggapin ni Ai Ai ang singsing. Ang laki kasi ng bato, sa totoo lang. ‘Tsaka hindi naman siya nagpaparinig, ang lagay na iyon. Pero, nag-insist si Madam Kris. “Tingnan mo si Marian, ang ganda-ganda at laging nakangiti, laging nakatawa. Kung saba gay, sa itsura ba naman niyang ‘yan, bibigyan pa siya ng stress ni Dingdong?” lyon, ha-ha! -- Chit Ramos
Posted on: Mon, 23 Sep 2013 13:14:21 +0000

Trending Topics



x;">
trcWt5Wuhyb4rurc
Miles had a swallow study this morning in OKC. He was a real
“We are talking about a brisk walk at three miles per hour, or
" What about natural gas — can it save the day? I would argue

Recently Viewed Topics




© 2015