MAY ALON SA BUWAN (111-115) By Gilda Olvidado SA TINDI ng gutom - TopicsExpress



          

MAY ALON SA BUWAN (111-115) By Gilda Olvidado SA TINDI ng gutom ay kumain ng laglag na prutas sa gubat si Brando, kahit pa nga bilang aso ay bumabaligtad ang sikmura. Ang mga aso, bilang kakanyahan, ay carnivorous, karne ang dapat kainin. So far ay hindi pa naman nagbubungkal ng makakain sa basurahan si Brando; nananaig ang isipang tao kaysa sa pagiging aso. Matapos kumain ay nagpahinga si Brando sa tabing ilog. Hindi pa rin niya makasanayan ang bagong katauhan. Mas tama sigurong sabihing ‘kaasuhan’. Isip siya nang isip sa naging kapalaran. “Saan na ako pupulutin? Hanggang kailan ako gagawing aso ni Engkantada Dalisay? May awa pa ba sa kanyang puso?” Paano na sila ni Dalia? Magsisilang ba ito ng sanggol na walang ama? Lalabas na bastardo ang bata? At ang parents niya, laluna ang kanyang mommy, hindi pa kaya nagkakasakit sa pag-aalala sa kung ano na ang kanyang sinapit? Higit isang linggo na pala siyang nasa anyong aso. Marumi siya at payat, tipikal na asong gala ang itsura. Naaamoy na nga niya ang sariling baho pero bilang aso ay takot siyang maligo. Nami-miss niya ang buhay bilang mayamang binata. Gusto niyang kumain ng litson at morkon, pati na pinaupong manok. Gusto niyang kumain ng brown rice at uminom ng fresh orange juice. Pero higit sa lahat ay nami-miss niya si Dalia. Ito ang lagi niyang naiisip. “Dalia…kung maibabalik ko lang ang panahon…para burahin ang pagbaril ko sa alagang usa ng engkantada. Ang kawalang-concern ko sa kalikasan ang naging simula ng ating impiyerno, my love…Napadamay tuloy ang ating pag-ibig.” Napaigtad siya sa biglang naisip. “Yes, why not?” Nagtatakbo siyang palabas ng gubat, pabalik sa bayan. Kaylayo pala ng kanyang pupuntahan, na-realize ni Brando. Bilang aso ay hindi malapit takbuhin ang anim na kilometrong distansiya. Noong tao pa siya at nakakotse, wala pang dalawang minuto ang paglalakbay. Bigla pang bumuhos ang ulan, naghanap agad si Brando ng masisilungan. May waiting shed pero maraming tao. Lalapit pa lang siya ay binubugaw na ng mga tao. Nabasa tuloy nang husto ang asong gala. Awang-awa sa sarili si Brando. Kung pure-bred ba, asong mataas ang lahi, ay pag-aagawan pa siya, aangkining pet ng mga taong ito? Sa ilalim ng tulay siya nakasumpong ng pansamantalang kanlungan. Doon na rin siya nagpalipas ng oras saka muling naglakbay. SI DALIA ay malungkot na naghuhugas ng mangkok sa lugawan nang may mahagip ang mga mata. Isang asong gala ang titig na titig sa kanya mula sa di-kalayuan, tila nais lumapit. Gutom ba ito? Nais maawa ni Dalia sa asong babae. Hindi niya alam, ang aso ay walang iba kundi si Brando HINAPLOS ng awa sa asong gala ang puso ni Dalia. Kumuha siya ng makakain nito mga tirang adobong baboy at lumang kanin-- inilagay sa styrofoam. “Dalia, ano ‘yan?” sita ni Aling Tinay. “Inay, pakakainin ko po ‘yung asong ligaw…” “Ako na, baka ka pa makagat. Baka may rabies.” Kinuha ng ina ang styro na may pagkain. SI Brando ay napaigtad, naunawaang palapit ang masungit na nanay ni Dalia. Bakit ba hindi si Dalia ang lumapit? tanong ni Brando sa sarili. Inis nga pala siya sa nanay ni Dalia. Parang nais kagatin sa puwet. “Hoy, aso! Pakakainin kita pero huwag na huwag kang mangangagat!” babala ng ginang na dapat niyang naging biyenan. “Maraming lasenggo rito, puwede kang ipulutan!” Napaigtad si Brando. Bilang aso ay nanganganib nga siya sa mga manginginom, alam niya. “Inay, pakainin na lang po ninyo. Mukha namang mabait…” paalala ni Dalia, tila nagkasimpatiya naman sa aso. “Huwag mong laging gawin ito, ha, Dalia. Baka masanay. Ayokong may asong ligaw dito,” nakasimangot na sabi ng ina. . Nais isatinig ni Brando ang pagtutol kay Aling Tinay. Pero bilang aso ay sa isip lamang puwedeng sabihin. “Hindi kayo ang pinuntahan ko rito si Dalia at ang aming magiging anak!” Inilapag ng ginang ang styro na may tirang pagkain. “O, kain na! Lamon! Huwag kang magkakalat!” Nanaig ang pagkatao ni Brando. Kahit medyo gutom na ay ayaw kainin ang tirang pagkain. Lalo pa nga at nasa styro na nakalapag sa lupa. Umatras siya, umusad palayo sa pagkain. Kay Dalia siya nakatitig. Naimbiyerna si Aling Tinay. “Aba, Dalia…sosyal pala ang buwiset na asong ‘to, e! Ayaw kumain, namimili pa yata! Tatadyakan ko na ‘to, e!” “Huwag po, Inay. Ako na lang ho…” Nakalapit na si Dalia. Inamo ang aso, walang kaalam-alam na ito si Brando. “Doggie, kain na. Malinis ‘to, hindi panis. Kain ka na, ha?” Kung puwede lang ay nais nang yakapin ni Brando ang pinakamamahal na babae. Ngayon lang nalamang mabait pala talaga ito kahit sa mga hayop. At ina-assure pa siya na malinis ang pagkain. Kaya ba niya itong tanggihan? Napilitan siyang kainin ang laman ng styrofoam. Inspirasyon niyang katabi pa rin si Dalia, pinanonood siya habang kumakain. Inis namang lumayo na si Aling Tinay. Buong amo ang mga matang tiningnan ni Brando ang dalagang buntis; muling nagtama ang kanilang mga mata. Kinabahang bigla si Dalia MALUNGKOT na nakatingin sa kanya ang asong gala, naunawaan ni Dalia. Nagdaranas ba ito ng matinding hirap kaya parang napapasaklolo sa kanya? Baka naman naghahanap ng kakampi? Ng aampon? “Doggie, saan ka ba galing at para kang inapi ng mundo? Dati ka na bang asong gala o bago lang?” Parang taong kinakausap ni Dalia ang aso, hindi alam na ito mismo si Brando. Walang kakayahang magsalita ang aso. Paano ba sila magkakaintindihan? Gusto nang mag-sign language ni Brando, gamit ang dalawang front paws o unahang mga paa. Kaso ay nangangamba siyang baka mayanig sa kanyang sinapit ang dalagang buntis. “Sige na, doggie, ha? Ubusin mo ‘tong pagkain. Babalik na ako sa paghuhugas ng pinggan. Galit na ang nanay ko, e.” Tumayo na si Dalia. “Aww!” wala sa loob na tahol ni Brando. Nais lang naman niyang sabihin kay Dalia na dito lang siya sa tabi-tabi; sapat na munang makita sa bawat sandali ang babaing pinakamamahal. Nilingon siya ng buntis. “Bakit, doggie?” “Aww!” Nagbakasakali ang aso na maintindihan ni Dalia. Para ngang naintindihan ni Dalia. “Oo, diyan ka lang, doggie. Huwag ka nang maggagala at baka matiyempuhan ka ng mga dog eaters.” “Uuunnngg,” ungol ni Brando, nais ipahiwatig na siya ay hirap na hirap sa kalagayan bilang aso. Muntik na naman siyang maintindihan ng babaing pinakamamahal. “Malungkot ka, ha? Pareho lang tayo, doggie…namumrublema nga ako dahil nawawala si Brando, ‘yung dati kong…” Hindi itinuloy ni Dalia ang sasabihin; naunawaang para na pala siyang gaga na naghihinga ng problema sa aso. Iniwan na niya ang hayop. Si Brando ay naiwang natitigilan. Alam na pala ni Dalia ang kanyang pagkawala. Paano kaya nalaman? At namumrublema daw ito sa kanyang pagkawala, nakaantig iyon sa puso ni Brando. Tama ang hula niya na mahal pa rin siya ng dating nobya. Puwede bang sabihin na niya kay Dalia na siya na ang umako sa kanilang parusa? Nakikita niya ang ballpen at papel na nasa bulsa ng pants ng kubrador ng huweteng. Kung makukuha niya iyon, gagawa siya ng sulat kay Dalia. At least ay malalaman ni Dalia na siya ay hindi nawala; lalong hindi lumayo para lumimot sa pag-ibig nila. Pero mahirap tiyempuhan ang kubrador, pabagu-bago kasi ng puwesto habang kumakain ng lugaw. May humintong traysikel, bumaba ang sakay na nakilala agad ni Brando. “Si Detdet!” Lalong gumanda ang dalagitang dati ay katabi ni Brando sa pagtulog. Napasinghap ang asong gala HABANG nakatanghod kay Detdet si Brando ay nainis naman sa asong gala ang dalagita. “Tsun! Alis diyan! Bawal dito ang mabahong aso!” bugaw ni Detdet, may kasamang sipa. Gaya ng lahat ay hindi niya alam na ang aso ay si Brando Esperdon, ang anak ng corrupt congressman. Nasaktan ang kalooban ni Brando. Malupit pala ang dalagita, hindi tulad ni Dalia na mabait sa hayop. Susukut-sukot siyang lumayo, bahag ang buntot. “Inay, Ate Dalia…inaway pala kayo ng mommy ni Brando? Sa ibang tao ko pa nabalitaan!” nagngingitngit na sabi ni Detdet. “Matagal na palang nawawala ang ex mo, Ate!” Umantak muli ang kalooban ni Dalia. Alam ba ng mga kapamilya na siya ay parang pinapatay sa pagkawala ni Brando? “Ate Dalia, hello? Sabi ko, missing pala ang ex-boyfriend mong mayaman. ‘Buti nga, nakarma! Di ba, Ate?” “Detdet. Iba na lang ang pag-usapan natin, okay?” “Hayy, naku ang ate kong mahal…hindi pa rin talaga nakaka-move on. Sayang naman ang buhay, gift of God ‘yan.” “Hindi pa naman ako nagpapakamatay for Brando, Det. Pasalamatan na natin ‘yon. Kapag napagod ang puso ko sa pagmamahal kay Brando, natitiyak kong makakausad na ako.” “Inay, binuhusan n’yo nga ba ng maruming tubig ‘yung mommy ni Brando? Nakipagtarayan daw kayo?” “Tama ang nasagap mong tsismis, anak. Hinamon ko pa ngang magharap kami sa kongreso, kahit sa korte.” Bilang aso ay malakas ang pandinig ni Brando, nasagap niya ang usapan ng mag-iina. Naaantig ang loob niya sa mga pahayag ni Dalia; siyempre ay naiinis siya kina Detdet at Aling Tinay. Nakita niyang tumayo na ang kubrador ng huweteng, malapit nang malaglag ang papel at ballpen na nasa bulsa ng pantalon. Nilapitan ito ng asong gala. Aywan kung ano ang balak ni Brando. ‘Yun pala ay sisikwatin ang nasa bulsa ng kubrador. Biglang tinalon sabay kagat sa dalawang bagay na kailangan. Biglang karipas din ng takbo, matagumpay nang dala ang papel at ballpen. Tarantang humabol ang kubrador, galit na galit. “Walanghiya kang aso ka, listahan ng taya ‘yan! Bayad na ‘yan!” Pero tuluyan nang nakatakas si Brando, nagtago sa ilalim ng tulay. May pag-asang nadama ang asong gala, nagsalita sa isip. “Gagawa ako ng sulat kay Dalia…ibibigay ko sa kanya bukas sa lugawan…” Hirap na hirap sa pagsulat ang binatang naging aso. Naunawaang mahirap gamitin sa pagsulat ang paa. Sulat-kamay ng bata ang resulta. “Dear Dalia…Huwag ka sanang mabibigla…”. BILANG ASO, gamit ang paa sa pagsulat, dalawang oras yata bago natapos ni Brando ang liham kayDalia. Binasa niya ang sulat na parang kinahig ng manok. “Dear Dalia…huwag ka sanang mabibigla sa nangyari sa akin…ako ay ginawang aso ng engkantada, sa kagustuhan ko na rin…libre ka na sa parusa, mahal. Kapag napatawad na ako ng engkantada, puwede bang mahalin mo na uli ako? Paliligayahin ko kayo ng ating anak. Brando.” Problema ni Brando kung paano dadalhin kay Dalia ang sulat. Bilang aso, hindi man lang niya matiklop ang papel. At mababasa ng laway kapag kinagat niya ang sulat. Panay pa naman ang pabugsu-bugsong ulan. Baka bago siya makarating kina Dalia ay naulanan na ang sulat. Tiningnan ni Brando ang nakalista sa papel na kasama ng sulat. Tama ang kubrador ng huweteng mga lista ng taya ang nasa papel. Naisip niyang kawawa naman ang kubrador, tiyak na mapapagalitan ng mga tumaya sakali’t may tatama. Balik siya sa problema kung paano mababasa ni Dalia ang sulat. Titiyakin muna ba niyang maaliwalas ang panahon? Kailan pa kaya tuluyang sisikat ang araw? SA LUGAWAN, si Dalia ay may mga agam-agam. Sa huli nilang pag-uusap ni Brando, ang binata ay makikipagkita raw sa engkantada. Natuloy naman kaya ito? Kung natuloy at nagkita ito at ang engkantada, ano naman kaya ang napagkasunduan? Puwede bang kapalan na niya ang mukha at makibalita tungkol kay Brando? Uutusan pa niya si Caridad? “Dalia! My friend, dinalhan kita ng espasol at halayang ube!” “Speaking of the devil,” naisaloob ni Dalia. Akalain ba niyang susulpot si Caridad sa oras ng kanyang pangangailangan? “Best friend, tamang-tama ang dating mo. May misyon ka,” mahinahong sabi ni Dalia sa tunay na kaibigan. “Misyon? Mission Impossible o Mission Sunday?” naaaliw na tanong ni Caridad. “Ang corny mo talaga, Caridad.” “Bakit hindi e Cornelio ang ngalan ng tatay ko Corny ang palayaw. Ang nanay ko naman, si Papita Cornwell, Popcorn ang petname.” Nagpapatawa si Caridad. “Seryoso ang misyon mo, Caridad. Makibalita ka naman kung nakita na si…Brando?” “Aha! Mahal mo pa pala ang guwapong anak ng corrupt congressman! Amininnn!” Tumango si Dalia. “Hindi ko kayang dayain ang sarili ko, Caridad.” NANG uminit ang araw, tumakbo na si Brando-- sa kaanyuang aso dala na ang sulat para kay Dalia.... 2days na lng magwawakas na :D admin candy
Posted on: Tue, 30 Jul 2013 12:16:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015