MAY ALON SA BUWAN By Gilda Olvidado SINA Brando at Dalia kung - TopicsExpress



          

MAY ALON SA BUWAN By Gilda Olvidado SINA Brando at Dalia kung pagmamasdan ay bagay na bagay bilang mag-sweethearts. Guwapo at guwapa. They are really a fine pair. Pero ito ay sa kaanyuan lamang. Langit at lupa sila pagdating na sa estado sa buhay. Si Brando Esperdon ay anak-mayaman, matatag na pulitiko ang ama at mga tiyuhin. Ang mommy ay isang kilalang broadcaster. Ang binatang ito ay ipinanganak with a silver spoon, sabi nga. Hindi pa nakatikim ng hirap sa buhay si Brando. Edukado sa ibang bansa pero bumubuwelo pa bago sasabak sa family business. Taglay ni Brando ang arrogance ng mayayaman. Kabaligtaran niya ang girlfriend. Si Dalia Magsalin ay isinilang na mahirap at nagdalagang mahirap. Mangingisda ang ama, ang nanay ay tindera. Sa sariling sikap ay nakatapos ng college si Dalia, ngayo’y isa nang nurse na pasado sa board pero wala pang mapasukang ospital. Patulung-tulong muna siya sa maliit na lugawan ng nanay. Kung paano naging magkasintahan sina Brando at Dalia ay mahabang istorya. Sapat nang sabihin na sila ay na-in love sa isa’t isa kahit pa nga mayaman si Brando at mahirap si Dalia. Nasa ikatlong buwan na ang kanilang relasyon, bagay na hindi alam ng mayamang pamilya ni Brando. Wala pa kasing lakas ng loob si Dalia na humarap sa aristokratong angkan ng binata. Alam naman nina Aling Menay at Mang Tasyo na mayaman at de-kotse ang boyfriend ng dalagang anak, at sila’y naaasiwa, nanliliit kay Brando. Kung sila ang masusunod, nais nilang isang binatang masipag pero maykaya, hindi mayaman, ang mapangasawa ni Dalia. LINGGO, nagkayayaan sina Brando at Dalia na magpunta sa Hidden Falls, isang talon na sakop ng lupain ng mga Esperdon sa probinsiya. Pribado ito, hindi basta nararating ng kung sinu-sino. “Malayo pa ba, Brando?” pawisang tanong ni Dalia. Nakakalahating oras na sila ng pangangabayo sa kagubatang patungo sa Hidden Falls. “Ten minutes pa ay naroon na tayo, Dalia. Mawawala lahat ng pagod mo kapag nakita mo ang place, trust me!” “Wow! Napakaganda nga siguro ng sinasabi mong lugar, Brando!”. Isang masuyong halik sa labi ang naging tugon ni Brando. Napahiga sila sa damuhang nasa tabi ng ilog. Saglit na natangay ng init si Dalia. Pero saglit nga lang, umiwas agad. “Brando, ayoko…bawal pa.” Bitin pero hindi naman nagpilit ang binata. Panay nga lang ang buntunghininga habang patuloy sa paglalakad. Na-bother si Dalia. Mahal na mahal niya ang binata. “Brando naman, halatang masama ang loob mo, e.” “Nasanay kasi ako sa mga modernang babae, hindi maramot, Dalia.” “K-kung magbibigay ba ako, mangangako kang…minsan lang?” halos bulong ni Dalia, nagba-blush. Hindi nila alam, may napakagandang nilikhang nakamasid sa kanila nasa mata ang duda sa dalawang mortal.........Itutuloy. bitin :P apple ^_^
Posted on: Fri, 28 Jun 2013 10:25:42 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015