MGA ARMADONG GRUPO NAMATAAN NG OTORIDAD SA ALAMADA, NORTH - TopicsExpress



          

MGA ARMADONG GRUPO NAMATAAN NG OTORIDAD SA ALAMADA, NORTH COTABATO Ilang armadong grupo ang namataan ng mga awtoridad sa liblib na mga Barangay ng Alamada, North Cotabato. Dahil dito, patuloy na ipinapatupad sa bayan ng Alamada ang heightened alert. Sinabi ni Alamada PNP Officer in Charge Senior Insp. Joseph Sato na mas pinaigting din ang koordinasyon sa mga opisyal ng malalayong Barangay ng Alamada upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan. Aminado din si Sato na ikinaalarma ng pulisya ang pananambang sa Barangay Chairperson ng Salama, Banisilan na inabangan at pinagbabaril sa Barangay Bao, Alamada. Kasunod nito, pinatindi din ng PNP ang pagbabantay sa mga entry at exit points ng bayan para hindi na masundan ang krimen.
Posted on: Fri, 27 Sep 2013 04:47:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015