MGA POLICE STATION na nagtagumpay sa anti-illegal drug operation, - TopicsExpress



          

MGA POLICE STATION na nagtagumpay sa anti-illegal drug operation, pinarangalan ng South Cotabato Government. Tumanggap ng parangal mula sa pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato ang tatlong mga Municipal Police Station sa lalawigan na naging matagumpay sa kanilang operasyon kontra illegal na droga. Kabilang sa mga nabigyan ng plake at sampung libong pisong cash incentive kasabay ng flag raising ceremony sa South Cotabato Provincial Capitol kahapon ang mga himpilan ng pulisya sa Polomolok, Banga at T’boli. Ipinahayag ni Governor Daisy Avance Fuentes na ang matagumpay na operasyon ng mga pulis kasama na ang militar laban sa illegal na droga ay resulta na rin ng naging katugunan ng mga ito sa kahilingin ng provincial government na paigtingin pa ang kanilang anti illegal drug operation. Aminado naman ang gobernador na dahil sa kawalan ng sapat na pondo, kulang din aniya ang budget na kanilang ibinibigay sa PNP , militar at iba pang mga katuwang sa intelligence gathering sa ngayon. Gayunpaman inihayag ni Fuentes na maliban sa pagbibigay ng karagdagang pondo na magagamit ng PNP at militar sa kanilang anti illegal drug operation ngayong taon. Tiyak aniyang sa susunod na taon, maglalaan din ang provincial government ng mas malaking budget para sa intillence gathering ng mga ito. Matatandaan na abot sa may dalawampung libong puno na mga high grade fully grown high marijuana plants na ini-export umano sa bansang Malaysia ang na-uproot ng mga pulis at militar sa mga liblib na barangay sa bayan ng T’boli nitong mga nakalipas na linggo. #NDBC
Posted on: Tue, 10 Sep 2013 00:07:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015