MGA RELIHIYON SA ASYA Basahin ang mga sumusunod na lathalain - TopicsExpress



          

MGA RELIHIYON SA ASYA Basahin ang mga sumusunod na lathalain upang mapayaman ang kaalaman sa pag- susuri ng kaisipang Asyano, relihiyon at pilosopiya. Sagutin ang kasunod na Retrieval Chart sa ang Batayang Aklat.Aralin 16 Mga Relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya at Araling 17 Mga Reli- hiyon at Pilosopiya sa Silangan, Hilaga at Timog Silangang Asya. Malawak ang naging saklaw ng mga pangyayari sa ibat ibang rehiyon sa Asya tulad ng mga naitala na impluwensya sa pamahalaan, kabuhayan, teknolohiya, lipunan, edukas- yon ,paniniwala, pagpapahalaga at sining. Sa mga impluwensya sa mga pagbabagong ito higit na lumutang ang kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon. Ang relihiyon ay nag mula sa salitang latin (re-ligare) - pagbubuklod,pagbabalikloob sa greigo (re-legion) - pagpili, paghirang nabubuo sa kahulugang muling pagsasama ng mga pinili sa pananampalataya. Ayon sa kasaysayan halos lahat ng mga relihiyon sa mundo ay nagmula sa Asya. Sa lawak ng mga teritoryong sakop at sa kapal ng tao na mga naniniwala malaki ang dahilan upang tawagin ang Asya na sinilangan ng relihiyon sa daigdig. Halinat ating talakayin ang ibat ibang relihiyon na ito, alamin kung saan umusbong , kung sino ang nagtatag at ang mga mahahalagang aral ng mga ito. Sisirin din natin ang mga impluwensiya ng mga relihiyong ito sa ating lipunan. Hinduismo Hinduismo ang pangunahing relihiyon sa India na,mga Aryan ang unang tribong sumam- palataya sa Hinduismo. Naniniwala sila sa maraming Diyos mula sa ibat ibang likha ng kalika- san,subalit ito ay naglaho at napalitan ng pagsamba kay Brahma.Veda ang banal na kasulatan ng mga Hindu na nagmula pa sa panahon ng mga Aryan,tinuturo ng Vedas na ang tao ay mag- karoon ng mahaba at mabuting buhay.Ginagalang ng Hinduismo ang indibidwal na pagsamba, mayroon silang mga altar,mga santo. Nagpupunta sila sa mga banal na lugar. Mga Paniniwala ng Mga Hindu Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala sa pagkakaisang ispiritwal. Naniniwala ang mga Hindu sa pagmamahal, pag- galang at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na may buhay, espiritu o kaluluwa. Sumasamba sila sa ibat ibat uri at anyo ng Diyos na tinatawag na polytheismo. Bahagi ng paniniwalang Hindu ang Reinkarnasyon, kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang na muli sa ibang anyo,paraan o nilalang. Nainiwala ang mga Hindu sa Karma, Ang Karma ang magbibigay sa tao ng gantimpala kung kabutihan ang tinanim, subalit pagdurusa naman ang balik kapag kasamaan ang itinanim sa kapwa. Naniniwala ang mga Hindu na ang tao ay dapat na magsikap sa buhay at ito ay dapat na iniaalay niya sa Diyos anuman ang antas niya sa lipunan.
Posted on: Sun, 01 Sep 2013 10:24:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015