MGA URI NG ESTUDYANTE SA ISANG CLASSROOM. - The Good One - Siya - TopicsExpress



          

MGA URI NG ESTUDYANTE SA ISANG CLASSROOM. - The Good One - Siya yung estudyanteng, mabait, pa-goodshot palagi, maaasahan, responsable. ‘Yun bang nauutusan palagi. Yung tipong kapag may kailangang kunin si Sir/Ma’am, siya palagi ang unang hinahanap. ‘Yun bang, Nako, naiwan ko yung laptop sa faculty, Mr.Constantino, pakikuha naman. - The Brainiac - Estudyanteng walang inatupag kundi mag-aral, mag-aral at mag-aral. In short, Nerd. Siya yung gustong palaging ka-group sa mga projects at kung ano-ano pa. Syempre, maraming nagkakandarapang maging katabi siya tuwing exam nila at siya rin ang panlaban tuwing may tagisan ng talino sa paaralan nila. - The Class Clown - Ang buhay ng classroom. Nangunguna sa pagpapatawa, sa pagbibigay saya. Yung isang banat palang niya, lahat na ay matatawa. Siya yung tipo ng estudyante na para bang walang problema. Yung ang main purpose niya sa klase ay magpaligaya. - The Leader - Ang tagapagpasunod ng lahat, bawat salita niya ay batas. ‘Yun bang siya ang palaging president ng classroom. Kasi nga naman, siya yung maaasahan pagdating sa mga bagay na ‘yun. Authoritative and manipulative, pero nasa lugar. - The bully - Alaskador, pang-inis, magaling mang-asar. Palaging pinagagalitan, palaging kinaiinisan. ‘Yun bang, mahilig sakit sa ulo ng mga guro nila. Makulit kasi, mahirap pagsabihan. Magulo, maingay, papansin, epal. - The Kontrabida - Yung estudyanteng tutol sa napagkasunduang desisyon, yung panira ng mood, yung panira ng moment. Siya yung kailangang palaging may say sa classroom, yung palaging may opinyon. Siya yung madalas hindi sumang-ayon. - The Artist - Ang estudyanteng punong-puno ng creativity sa katawan. Sa mga contests, palaging naaasahan. Drawing contest, singing, dancing, o kahit sa pagtugtog lang ng musical instrument, name it, and you’ll have it. Kaya ‘pag may paligsahan ng pagandahan ng classroom o anupaman ‘yan, siya kagad ang nasa una ng listahan. - The Royalty - Ang mga estudyanteng mapa-babae man o lalake na pinagpala ng magandang mukha at katawan. ‘Yun bang sa mga beauty contests, sila ang panlaban. Pero sana, hindi lang puro mukha ang meron sila, mas maganda siguro kung may laman din pati utak nila, Beauty and Brains kungbaga. - The Varsity Star - Kailangan pa bang ipaliwanag? Ang estudyanteng sikat sa hardcourt. Tinitilian, pinagkakaguluhan, minsan, pwede ring crush ng bayan. Pero sana ang pagiging player niyo ay sa court lang ha, sa ibang bagay, ‘wag naman. - The Crush Ng Bayan - Yung estudyanteng habulin ng lahat, maganda o gwapo ‘yan naman kasi sila. Sinisilip-silip sa classroom, sinisipat-sipat. Siya yung hindi lang mga kaklase niya ang napapatigil sa tuwing darating siya kundi pati mga tao sa hallway, napapatigil niya. - The Weirdo - Ang estudyanteng may sariling mundo sa classroom. Kakaiba, nakakapagtaka. Siya yung tipong gusto mong tanungin, Hello?! Andito ka ba?! Malalim ang iniisip, malayo ang tingin. Yung habang nagtuturo ka, sa bintana nakatingin. - The Pasaway - Sabi nila, dalawang estudyante lang ang tumatatak sa isang guro. Kapag matalino ka o kapag naging pasaway ka. Pareho rin ng Bully, sila yung mga sakit sa ulo at palaging taong guidance o office. Palaging napapagalitan, palaging kinaiinisan. - The Popular - Sila naman yung hindi lang sa classroom niyo kilala, pero pati sa ibang section at buong school nagmarka. Maaaring matalino, maganda/gwapo, o creative siyang talaga. Mga estudyanteng nakilala sa magandang paraan, tinitingala, iniidolo, at sikat kung ituring. - The OC/Perfectionist - Yung estudyanteng gusto ang ganito, gusto ang ganun. Yung tipong dapat ganun, dapat ganyan. Kailangan maayos, kailangan planado. Madaling mairita, madaling mainis, maarte kungbaga. - The Average - Yung tipong lahat ng mga nabanggit sa taas ay ganito siya. Nasa tamang lugar, nasa tamang oras. Hindi sobra, hindi rin kulang. Tipong typical na estudyante. ‘Yun bang ganito ka dapat. Hindi man siya ganun kapansin-pansin, pero alam mong andyan siya.
Posted on: Tue, 26 Nov 2013 12:57:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015