" MONIQUE: THE STRIPER " written by: #AZUMI * CHAPTER 10 / PAGE - TopicsExpress



          

" MONIQUE: THE STRIPER " written by: #AZUMI * CHAPTER 10 / PAGE 1 * Nagising si Monique na masakit pa rin ang ulo. Nagulat pa siya kung saan siya naroroon dahil bago sa kanya ang loob ng kwarto na tinulugan. Inikot niya ang paningin sa paligid mag-isa lang siya at wala man lang may nakitang bakas na may kasama doon. Pilit niya inaalala ang lahat kagabi at ang tangin naalala niya lang noong umiinum siya mag-isa at kausap si kent... "No?! Cannot be, nasaan si kurdie" Lalo pa siya nagulat ng sa pagtayo niya iba na ang suot na damit. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at hinanap ang taong nagpalit sa kanya. Pagbukas ng pintuan napansin niya na nasa condo siya ni kurdie. (Buti naman at di niya ako iniwan, Pero teka nasaan siya tsaka) napatutop sa bibig si monique ng maisip na baka nakuha na ni kurdie ang pagkababae niya. Agad siyang nagtungo sa living room at doon nakita ang lalaki na tulog. Na antig ang puso niya ng makita ito na namamaluktot sa pagkakahiga dahil malaki itong tao at nakalimutan niyang kumprontahin ito. Nilapitan niya ito na naka paa at dahan-dahan itinaas ang comforter na nasa beywang na. Pinasya niya na umpisahan na ang mga gagawin kaya nagtungo siya sa kusina at nagluto ng breakfast nito. Pakanta-kanta pa siya habang gumagawa ng omelet at nag toast ng bread. Inayos ang mesa at inilagay ang mga pagkain na tapos na... "Perfect!" Bulalas niya pa sa sarili ng matapos na siya sa pag-aayos... "Teka mukhang may kulang?" "You miss the fresh milk" Agad siya napa baling sa likuran ng marinig ang morning voice ni Kurdie. Napanganga pa siya ng makita na naka boxer lang ito. Napabaling ang tengin niya sa gitna niyon na parang gusto nang lumabas. Kasabay na napalunok siya ng laway na di niya alam tinititigan din ni kurdie ang mukha niya... "Satisfied for what you see?" Agad niya binawi ang tingin at para mapagtakpan ang kahihiyan nag galit-galitan siya dito... "No! Hindi ako satisfied sa nakita ko, pwede ba next time mahiya ka naman. Akala mo kay ganda yang katawan mo na lage mo binabandera sa harapan ko!" Sabay ingos dito at tinungo ang freg tsaka kinuha ang fresh milk. Binalingan niya ulit si kurdie na naka tingin lang sa ginagawa niya... "Senyorito naka handa na ang mesa pwede mag bihis kana at kakain na mag mumog kana rin huh" "I think you should do that too" Nilapitan siya nito na napapaurong naman siya. Bigla siya naka dama ng takot sa gagawin nito sa kanya. Dahil wala ng maurungan halos sumiksik na siya sa harapan ng freg. Iniharang naman ni kurdie ang katawan sa kanya at idinantay ang kamay sa sinasandalan niya. Sa pag-aakala na hahalikan siya nito pinikit ni monique ang mata... "Next time before you prepare the food wash your eyes first. You stil have your morning glory on it" Seryosong sabi ni kurdie at iniwan na si monique na napatulala nanaman... ~~~ Ngingiti-ngiti si kurdie habang nasa harapan ng salamin. He found monique so cute sa suot nito lalo na ng makitang naghahanda ito ng breakfast. Gustong gusto niya na ito halikan kanina kaya lang pinigil niya ang sarili na gawin iyon baka ano pa iisipin nito sa kanya. Ewan niya pero pagdating Kay monique di niya kayang gawin ang ginagawa sa ibang babae. Napailing na pinagpatuloy niya na lang ang paghuhugas ng mukha at nag toothbrush na rin siya...
Posted on: Sun, 01 Sep 2013 16:14:23 +0000

Trending Topics



icsexpress.com/Today-is-the-Day-The-Phraseology-Book-Review-program-topic-293915444142066">Today is the Day! The Phraseology Book Review program
-Trademark-Fine-Art-35-In-X-47-In-topic-249427688548466">Reviews with Offer Black Friday Trademark Fine Art 35 In. X 47 In.

Recently Viewed Topics




© 2015