MORNING NEWS Suspek dumaan sa bintana, 9-anyos ni-rape-slay - TopicsExpress



          

MORNING NEWS Suspek dumaan sa bintana, 9-anyos ni-rape-slay (Amihan Sabillo) Bangkay na ang isang 9-taong gulang na batang babae nang makita ito ng kanyang ina sa loob ng kanyang kuwarto matapos itong ma-rape-slay ng suspek na dumaan sa bintana kamakalawa ng umaga. Base sa report ng Claveria-PNP sa Camp Crame, pasado alas-10:00 na ng umaga nitong araw ng Linggo nang madiskubre ng ina ng biktimang itinago sa pangalang Jane Grace ang kalunus-lunos na sinapit ng kanyang anak na ginahasa at pinatay. Sa pahayag ng ina ng paslit sa PNP, inakyat nito ang kanyang anak sa kuwarto nito sa ikalawang palapag ng kanilang bahay dahil tanghali na ay hindi pa umano ito gising. Subalit nagimbal ito nang buksan ang pinto ng silid ng anak nang makitang wala na itong buhay, walang saplot sa pang-ibabang bahagi ng katawan at may mga bahid ng dugo. Nakabukas din umano ang bintana ng silid ng paslit at yupi ang kisame kung saan sinasabing dumaan ang suspek/rapist. Hawak naman ngayon ng PNP ang nakuhang pubic hair at fluid sa ari ng biktima para sa examination, na pinaniniwalaang sa suspek. ~crystal~
Posted on: Wed, 26 Jun 2013 00:40:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015