Mabait naman po ako na seller e. Pag may humihingi ng discount - TopicsExpress



          

Mabait naman po ako na seller e. Pag may humihingi ng discount binibigyan ko naman. Yung ibang items nga halos wala na ako mark up. Pero wag naman po sana umabuso. Baka gusto nyo pamigay ko na lang yung mga paninda ko? Baka kasi isipin nung iba na sobrang nangangailangan ako ng pera, at baka ito ang pinagkukunan ko ng kinabubuhay. Sideline ko po ang online shop na ito. Even though I have full time work sa isang company, i am still doing this because selling is my passion. But please take note na hnd po ako nagtitinda dito para magpalugi, sideline nga po di ba? Extra income. Para may pambayad sa internet bill, phone bill. Kaya sana naman, maghinay hinay sa kakatawad at kakahingi ng free shipping. Ang offer ko na free shipping ay kung bibilhin nyo ang items ko at posted prices. Pero kung tumawad na kayo sa posted prices ko, e wag na kayo humingi ng free shipping. Sino nakakarelate jan mga sis?
Posted on: Wed, 17 Jul 2013 15:20:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015