Mag Uundas na kaya share ko lang yung na experience namin sa - TopicsExpress



          

Mag Uundas na kaya share ko lang yung na experience namin sa Allied Building. :)) Tandang tanda ko pa, hapon noon, exam week. Kagaya ng normal na ginagawa ng mga estudyante naghanap kami ng vacant room para may mapag reviewhan dahil punong puno lagi ang library tuwing exam week. Nalibot namin ang school hanggang sa makaabot kami ng 4th floor. Hindi ko maalala kung anong room bastat yun yung malapit sa may bulletin board ng Caduceus Org. Nung nakita naming bakante naman ang room, pumasok na kami at nagsimulang mag form ng circle sa kabilang dulo ng room at nagsimulang mag aral. Bali yung kabilang dulo ng room e iniwan naming bakante. Ayun so habang nag aaral, biglang may kinwento yung kaklase kong si Steph kaya naman di ko naiwasan mapatingin sakanya. E yung direksyon pa naman ng upuan ko e nakaharap dun sa bakanteng space ng room. Habang nagkkwento si Steph, napansin kong may bumukas ng pinto dun sa bakanteng side ng room. Di nako nagulat kasi naisip kong baka estudyante lang din na naghahanap ng vacant room para mag review. Kitang kita ko sha although hindi ako straight na nakatingin sakanya. Umupo pa nga sya sa isa sa mga armchair atsaka nag aral. Hindi ko ko nalang pinansin at ibinalik ko ang tingin kay Steph na nagkkwento. Pero nung sinubukan kong tignan ulit yung babae (wala pa sigurong 2 seconds yon), biglang nawala yung student. Luuuuh. Di pa ko mashado nag panic nun kasi nga baka sabihin ng mga kaklase ko na namalikmata lang ako. Pero nung sinabi ko na Guys parang meron akong nakitang naka puti doon, natakot nako nung sumagot yung kaklase kong si Jiji ng Kanina ko pa yan nakikita. -- shoutout to Amicissima, Dedes, & Bebes.
Posted on: Mon, 28 Oct 2013 02:05:57 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015